Lumaktaw sa main content

Tumulong paunlarin ang pahina

๐ŸŒ

May bagong bersyon ng page na ito ngunit nasa English lang ito ngayon. Tulungan kaming isalin ang pinakabagong bersyon.

I-translate ang page
Tingnan ang English

Walang mga bug dito!๐Ÿ›

Ang pahinang ito ay hindi isinasalin. Sinadya naming iwan ang pahinang ito sa Ingles sa ngayon.

Isang paglalarawan ng isang futuristic na lungsod, na kumakatawan sa Ethereum ecosystem.
Ethereum

Maligayang pagdating sa Ethereum

Ang Ethereum ay ang teknolohiyang pinapatakbo ng komunidad na nagpapagana sa cryptocurrency na ether (ETH) at libo-libong decentralized na application.

I-explore ang Ethereum

Magsimula

ang ethereum.org ay ang iyong portal sa mundo ng Ethereum. Ang teknolohiya ay bago at patuloy na umuunlad โ€“ nakakatulong na magkaroon ng gabay. Narito ang inirerekomenda naming gawin mo kung gusto mong alamin pa ang tungkol dito.
Ilustrasyon ng isang taong nagtatrabaho sa isang computer.
Ilustrasyon ng isang robot na may katawan na vault, na kumakatawan sa isang Ethereum wallet.

Pumili ng wallet

Hinahayaan kayo ng wallet na kumonekta sa Ethereum at pamahalaan ang inyong mga pondo.

Ilustrasyon ng isang grupo ng mga taong namamangha sa isang ether (ETH) glyph.

Kumuha ng ETH

Ang ETH ay ang pera ng Ethereum โ€“ maaari ninyo itong gamitin sa mga application.

Ilustrasyon ng isang doge na gumagamit ng isang computer.

Gumamit ng dapp

Ang Dapps ay mga application na pinapagana ng Ethereum. Tingnan kung ano ang maaari mong gawin.

Isang paglalarawan ng kamay na lumilikha ng logo ng ETH na gawa sa mga lego brick.

Magsimulang bumuo

Kung gusto mong magsimulang mag-code gamit ang Ethereum, mayroon kaming dokumentasyon, mga tutorial, at higit pa sa aming developer portal.

Ano ang Ethereum?

Ang Ethereum ay isang teknolohiya na tahanan ng digital na pera, mga pandaigdigang pagbabayad, at mga application. Nakabuo ang komunidad ng umuusbong na digital na ekonomiya, mga bagong paraan para kumita ang mga creator online, at marami pang iba. Bukas ito sa lahat, nasaan ka man sa mundo โ€“ ang kailangan mo lang ay ang internet.
Ano ang Ethereum?Higit pa sa digital pera
Ilustrasyon ng isang taong sumilip sa isang bazaar, na nilalayong kumatawan sa Ethereum.

Isang mas patas na sistema ng pananalapi

Ngayon, bilyon-bilyong tao ang hindi makapagbukas ng mga bank account, samantalang naba-block naman ang mga pagbabayad ng iba. Ang decentralized na sistema ng pananalapi (DeFi) ng Ethereum ay hindi kailanman natutulog o nandidiskrimina. Sa pamamagitan lang ng isang koneksyon sa internet, maaari kang magpadala, tumanggap, humiram, kumita ng interes, at kahit na mag-stream ng mga pondo saanman sa mundo.
Ilustrasyon ng mga kamay na nag-aalok ng simbolo ng ETH.

Ang internet ng mga asset

Ang Ethereum ay hindi lang para sa digital na pera. Ang anumang bagay na maaari mong pag-aari ay maaaring katawanin, i-trade at gamitin bilang mga non-fungible token (NFTs). Maaari mong i-tokenize ang iyong sining at awtomatikong makakuha ng mga royalty sa tuwing ito ay muling ibenta. O gumamit ng token para sa isang bagay na pagmamay-ari mo para makapag-loan. Ang mga posibilidad ay lumalaki sa lahat ng oras.
Isang logo ng Eth na ipinapakita sa pamamagitan ng hologram.

Isang open na internet

Ngayon, nakakakuha kami ng access sa 'libreng' mga serbisyo sa internet sa pamamagitan ng pagbibigay ng kontrol sa aming personal na data. Ang mga serbisyo ng Ethereum ay open bilang default โ€“ kailangan mo lang ng wallet. Ang mga ito ay libre at madaling i-set up, kinokontrol mo, at gumagana nang walang anumang personal na impormasyon.
Ilustrasyon ng isang futuristic na computer set up, na pinapagana ng mga kristal ng Ethereum.
Mga halimbawa ng code
Sarili mong bangko
Maaari kang bumuo ng isang bangko na pinapatakbo sa pamamagitan ng lohika na iyong na-program.
Sarili mong salapi
Maaari kang lumikha ng mga token na maaari mong ilipat at gamitin sa mga application.
Isang JavaScript Ethereum wallet
Maaari mong gamitin ang mga umiiral na language upang makipag-ugnayan sa Ethereum at iba pang mga application.
Isang DNS na open at walang kinakailangang pahintulot
Maaari mong muling isipin ang mga kasalukuyang serbisyo bilang mga decentralized at open na appication.

Isang bagong hangganan para sa development

Ang Ethereum at ang mga app nito ay transparent at open source. Maaari mong i-fork ang code at muling gamitin ang functionality na binuo na ng iba. Kung ayaw mong matuto ng bagong language, maaari ka lang makipag-ugnayan sa open-sourced code gamit ang JavaScript at iba pang mga language.

Ethereum ngayon

Ang pinakabagong mga istatistika ng network

Presyo ng ETH (USD)

Ang pinakabagong presyo para sa 1 ether. Maaari kang bumili ng kasinliit ng 0.000000000000000001 โ€“ hindi mo kailangang bumili ng 1 buong ETH.

0

Mga transaksyon ngayon

Ang bilang ng mga transaksyong matagumpay na naproseso sa network sa huling 24 na oras.

0

Value na naka-lock sa DeFi (USD)

Ang halaga ng pera sa mga decentralized finance (DeFi) application, ang digital na ekonomiya ng Ethereum.

0

Mga Node

Ang Ethereum ay pinapatakbo ng libu-libong boluntaryo sa buong mundo, na kilala bilang mga node.

0

I-explore ang ethereum.org

Ilustrasyon ng isang spaceship na kumakatawan sa tumaas na kapangyarihan pagkatapos ng mga upgrade ng Ethereum.

Pataasin ang iyong kaalaman sa pag-upgrade

Ang Roadmap ng Ethereum ay binubuo ng magkakaugnay na mga upgrade na idinisenyo upang gawing mas maunlad, secure at sustainable ang network.

Ilustrasyon ng isang futuristic na computer/device.

Ethereum para sa enterprise

Tingnan kung paano maaaring magbukas ang Ethereum ng mga bagong modelo ng negosyo, bawasan ang iyong mga gastos at gawing future-proof ang iyong negosyo.

Ilustrasyon ng isang grupo ng mga manggagawang nagtutulungan.

Komunidad ng Ethereum

Ang Ethereum ay tungkol sa komunidad. Binubuo ito ng mga tao mula sa iba't ibang background at interes. Tingnan kung paano ka makakasali.

Isang logo ng Ethereum na gawa sa mga lego brick.

Mag-contribute sa ethereum.org

Ang website na ito ay open source na may daan-daang mga contributor sa komunidad. Maaari kang magmungkahi ng mga pag-edit sa alinman sa mga nilalaman sa site na ito, magmungkahi ng kahanga-hangang mga bagong tampok, o tulungan kaming ayusin ang mga bug.

Higit pa sa pagko-contributeGitHub(opens in a new tab)