May bagong bersyon ng page na ito ngunit nasa English lang ito ngayon. Tulungan kaming isalin ang pinakabagong bersyon.
Ang pahinang ito ay hindi isinasalin. Sinadya naming iwan ang pahinang ito sa Ingles sa ngayon.
Ang mga exchange ay mga negosyong nagbibigay-daan sa iyong bumili ng crypto at mga tradisyunal na currency. Hawak nila ang anumang ETH na bibilhin mo hanggang sa ipadala mo ito sa isang wallet na kinkontrol mo.
Kung gusto mo ng higit pang kontrol, bumili ng ETH nang peer-to-peer. Sa DEX, puwede kang magpapalit nang hindi ibinibigay sa isang centralized na kumpanya ang kontrol sa pondo mo.
Sa ilang wallet hinahayaan ka na bumili ng crypto gamit ang debit/credit card, bank transfer o kahit Apple Pay. Heograpiyang paghihigpit ay inilalapat.
Ang lahat ng produktong nakalista sa page na ito ay hindi opisyal na ineendorso, at ibinibigay lang ang mga ito para sa mga layuning pang-impormasyon. Kung nais mong mag dagdag ng produkto o magbigay ng feedback sa mga polisiya, mangyaring magsumite ng issue sa GitHub. Magsumite ng issue
Ang mga exchange at wallet ay may mga paghihigpit sa kung saan sila makakapagbenta ng crypto.
Isulat ang inyong bansang tinitirhan para makakita ng listahan ng mga wallet at exchange na magagamit ninyo sa pagbili ng ETH
Ang mga decentralized exchange ay mga marketplace para sa ETH at iba pang mga token na bukas sa lahat. Direktang ikinokonekta ng mga ito ang mga mamimili at nagbebenta sa isa't isa.
Sa halip na gumamit ng pinagkakatiwalaang third party para pangalagaan ang pondo sa transaksyon, gumagamit sila ng code. Mata-transfer lang ang ETH ng seller kapag garantisado na ang pagbabayad. Ang ganitong uri ng code ay tinatawag ding smart contract. Higit pang impormasyon sa mga smart contract
Nangangahulugan ito na may mas kaunting mga paghihigpit sa heograpiya kaysa sa mga centralized na alternatibo. Kung may nagbebenta ng gusto ninyo at tinatanggap niya ang isang paraan ng pagbabayad na maibibigay ninyo, good to go na kayo. Maaaring hayaan kayo ng mga DEX na bumili ng ETH gamit ang iba pang mga token, PayPal o kahit na personal na paghahatid ng pera.
Kailangan mo ng wallet para magamit ang DEX.
Kumuha ng walletBumili ng ETH gamit ang mga tradisyonal na uri ng pagbabayad nang direkta mula sa mga nagbebenta.
Ipalit ang iyong mga token para sa ETH ng ibang tao. At vice versa.
Ang Ethereum at ETH ay hindi kontrolado ng anumang gobyerno o kumpanya - decentralized ang mga ito. Ibig sabihin, ang ETH ay puwedeng gamitin ng lahat.
Ngunit nangangahulugan din ito na kailangan ninyong seryosohin ang seguridad ng iyong pondo. Sa ETH, hindi kayo nagtitiwala sa isang bangko na ingatan ang inyong pera, pinagkakatiwalaan ninyo ang inyong sarili.
Kung nagpaplano kayong bumili ng maraming ETH, maaari ninyo itong itago sa isang wallet na ikaw ang may kontrol, hindi sa isang exchange. Dahil ang isang exchange ay malamang na target ng mga hacker. Kung ang hacker ay magkakaroon ng access, maaaring mawala ang inyong pondo. Bilang alternatibo, kayo lang ang may kontrol sa inyong wallet.
Tingnan ang mga walletKapag nag-download ka ng wallet, lilikha ito ng pampublikong ETH address para sa iyo. Narito ang hitsura ng isa:
0x0125e2478d69eXaMpLe81766fef5c120d30fb53f
Halimbawa: Wag kopyahin
Isiping tulad ito ng inyong email address, ngunit sa halip na sulat ay makakatanggap ito ng ETH. Kung gusto ninyong ilipat ang ETH mula sa isang exchange papunta sa inyong wallet, gamitin ang inyong address bilang destinasyon. Tiyaking palaging mag-double check bago kayo magpadala!
Kung nawalan kayo ng access sa inyong wallet, mawawalan kayo ng access sa inyong pondo. Ang inyong wallet ay dapat magbigay ng panuntunan sa inyo sa pagprotekta laban dito. Siguraduhing maingat na sundin ang mga ito โ sa karamihan ng mga kaso, walang makakatulong sa inyo kung mawawalan kayo ng access sa iyong wallet.
Ngayong nagmamay-ari ka na ng ilang ETH, tingnan ang ilang Ethereum application (dapps). Mayroong mga dapps para sa pananalapi, social media, paglalaro at maraming pang ibang mga kategorya.