May bagong bersyon ng page na ito ngunit nasa English lang ito ngayon. Tulungan kaming isalin ang pinakabagong bersyon.
Ang pahinang ito ay hindi isinasalin. Sinadya naming iwan ang pahinang ito sa Ingles sa ngayon.
Ang pundasyon para sa ating digital na hinaharap
Ang Ethereum ay isang teknolohiya para sa pagbuo ng mga app at organisasyon, paghawak ng mga asset, pakikipagtransaksyon at pakikipag-ugnayan nang hindi kinokontrol ng isang sentral na awtoridad. Hindi na kailangang ibigay ang lahat ng iyong personal na detalye upang magamit ang Ethereum - pinapanatili mo ang kontrol sa iyong sariling data at kung ano ang ibinabahagi. Ang Ethereum ay may sariling cryptocurrency, ang Ether, na ginagamit upang magbayad para sa ilang partikular na aktibidad sa Ethereum network.
Nalilito ka pa rin? Ipaliwanag natin ang lahat ng hakbang-hakbang.
Ang crypto (pinaigsing cryptocurrency) ay isang bagong anyo ng digital money na pinapagana ng cryptography.
Nagsimula ang lahat noong 2008 sa Bitcoin. Magagamit ninyo ito upang magpadala ng pondo sa sinuman saanman sa buong mundo. Ang pinagkaiba ng crypto sa mga normal na bank transfer o iba pang serbisyong pinansyal tulad ng Paypal o Alipay ay walang middle man sa unang pagkakataon.
Teka, ano ba ang middle man?
Ang middle-man ay isang sentral na awtoridad tulad ng isang bangko o gobyerno na naguugnay sa isang transaksyon sa pagitan ng nagpadala at tatanggap. May kapangyarihan silang subaybayan, i-censor o ibalik ang mga transaksyon at maaari nilang ibahagi sa mga third party ang sensitibong data na kinokolekta nila tungkol sa iyo. Madalas din nilang idikta kung aling mga serbisyong pinansyal ang mayroon mong ma access.
Iba ang mga bagay sa crypto. Ang mga transakyon ay direktang kumokonekta sa nagpadala at tatanggap nang hindi kinakailangang dumaan sa anumang sentral na awtoridad. Walang ibang magkakaroon ng access sa inyong pondo at walang makapagsasabi sa inyo kung anong mga serbisyo ang maaari ninyong gamitin. Ito ay posible dahil sa teknolohiya ng blockchain na pinagbabatyan ng mga cryptocurrency.
Inilunsad noong 2015, ang Ethereum ay binuo sa Bitcoin inobasyon, na may ilang malalaking pagkakaiba.
Parehong kayong hinahayaan ng mga ito na gumamit ng digital money nang walang mga payment provider o mga bangko. Ngunit ang Ethereum ay programmable, kaya maaari din kayong bumuo at mag-deploy ng mga decentralized application sa network nito.
Ang pagiging programmable ng Ethereum ay nangangahulugan na maaari kang bumuo ng mga app na gumagamit ng blockchain upang mag-imbak ng data o kontrolin kung ano ang magagawa ng iyong app. Nagreresulta ito sa isang pangkalahatang layunin ng blockchain na maaaring i-program upang gawin ang anumang bagay. Dahil walang limitasyon sa kung ano ang magagawa ng Ethereum, pinapayagan nito ang mahusay na pagbabago na mangyari sa Ethereum network.
Habang ang Bitcoin ay isang network ng pagbabayad lang, ang Ethereum mas parang isang marketplace ng mga serbisyo sa pananalapi, mga laro, mga social network at iba pang mga app na nag-iingat sa inyong privacy at hindi makakapag-censor sa inyo.
Hindi lahat ay may access sa mga serbisyong pinansyal. Ngunit ang kailangan mo lang para ma-access ang Ethereum at ang mga produktong pagpapautang, paghiram at pag-iimpok nito ay isang koneksyon sa internet.
Hindi mo kailangang ibigay ang lahat ng iyong personal na detalye para gumamit ng Ethereum app. Ang Ethereum ay nagtatayo ng ekonomiya batay sa halaga, hindi pagsubaybay.
Pinapayagan ka ng Ethereum na maglipat ng pera, o gumawa ng mga kasunduan, nang direkta sa ibang tao. Hindi mo kailangang dumaan sa mga kumpanyang tagapamagitan.
Walang pamahalaan o kumpanya ang may kontrol sa Ethereum. Dahil sa desentralisasyong ito, halos imposible para sa sinuman na pigilan ka sa pagtanggap ng mga pagbabayad o paggamit ng mga serbisyo sa Ethereum.
Ang mga mamimili ay may secure at built-in na garantiya na ang pondo ay maipapapalit lang kung ibibigay ninyo kung ano ang napag-usapan. Gayundin, ang mga developer ay maaaring magkaroon ng katiyakan na hindi mababago ng mga patakaran ang mga iyon.
Dahil ang lahat ng mga app ay binuo sa parehong blockchain na may pandaigdigang pagbahaging estado, maaari silang bumuo sa bawat isa (tulad ng lego). Ito ay nagbibigay ng mas mabuting produkto at bumuo ng karanasan sa lahat ng pagkakataon.
Kung sakaling nagpadala na kayo ng pera sa ibang bansa (o nagpaplano pa lang kayo), o maaaring nag-alala kayo tungkol sa kinabukasan ng inyong mga ari-arian dahil sa mga panlabas na puwersa kung saan wala kayong kontrol kung saan kayo nakatira, o maaring nainis kayo sa maraming paghihigpit at mga interes na ipinapataw ng mga tradisyonal na institusyon ng pananalapi para sa mga pang-araw-araw na transaksyon, maaari maging interesado kayo sa kung ano ang maiaalok ng mga cryptocurrency.
Tandaan na ang Ethereum ay isang kuwento na isinusulat pa rin, at marami pang dahilan para gamitin ito ay natutuklasan habang ito ay nagbabago at umuunlad sa paglipas ng panahon.
Ang Stablecoins ay isang bagong uri ng cryptocurrency na umaasa sa isang mas matatag na asset bilang batayan para sa halaga nito. Karamihan sa kanila ay naka-link sa dolyar ng Estados Unidos at samakatuwid ay pinapanatili ang halaga ng pera na iyon. Nagbibigay-daan ang mga ito para sa isang napakamura at matatag na pandaigdigang sistema ng pagbabayad. Maraming kasalukuyang stablecoin ang binuo sa Ethereum network.
Pinapasimple ng Ethereum at stablecoin ang proseso ng pagpapadala ng pera sa ibang bansa. Kadalasan ay tumatagal lang nang ilang minuto upang ilipat ang pondo sa buong mundo, kumpara sa ilang araw na may pasok o baka ilang linggo pa na maaaring tagal sa inyong average na bangko, at nang mas mababa talaga ang presyo. Bukod pa rito, walang dagdag na bayad para sa paggawa ng isang transaksyong may mataas na halaga, at walang mga paghihigpit sa kung saan o bakit ninyo ipinapadala ang inyong pera.
Kung mapalad kayong magkaroon ng maraming opsyon sa banking sa mga pinagkakatiwalaang institusyon kung saan kayo nakatira, maaaring hindi ninyo masyadong pinahahalagahan ang kalayaan, seguridad at katatagan sa pananalapi na ibinibigay ng mga ito. Ngunit para sa maraming tao sa buong mundo na nahaharap sa pampulitikang panunupil o kahirapan sa ekonomiya, ang mga institusyong pampinansyal ay maaaring hindi nagbibigay ng proteksyon o mga serbisyong kailangan nila.
Noong tinamaan ng digmaan, mga sakuna sa ekonomiya o pagsugpo sa mga kalayaang sibil sa mga residente ng Venezuela(opens in a new tab), Cuba(opens in a new tab), Afghanistan(opens in a new tab), Nigeria(opens in a new tab), Belarus(opens in a new tab), and Ukraine(opens in a new tab), ang mga cryptocurrency ay naging pinakamabilis at karaniwan ay tanging opsyon para magkaroon ng pinansyal na kalayaan.1(opens in a new tab) Tulad ng nakikita sa mga halimbawang ito, ang mga cryptocurrency tulad ng Ethereum ay maaaring magbigay ng walang harang na pag-access sa pandaigdigang ekonomiya kapag ang mga tao ay nawalay sa outside world. Bukod pa rito, nag-aalok ang mga stablecoin ng store of value kapag bumabagsak ang mga lokal na currency dahil sa sobrang inflation.
Noong 2021 lamang, ginamit ng mga artist, musikero, manunulat, at iba pang creator ang Ethereum para kumita ng humigit-kumulang $3.5 bilyon sa kabuuan. Ginagawa nitong isa ang Ethereum sa pinakamalaking pandaigdigang platform para sa mga creator, kasama ng Spotify, YouTube, at Etsy. Matuto pa(opens in a new tab).
Maglaro upang kumita ng mga laro (kung saan ang mga manlalaro ay talagang ginagantimpalaan para sa paglalaro ng mga laro) ay lumitaw kamakailan at binabago ang industriya ng paglalaro. Ayon sa kaugalian, madalas na ipinagbabawal na i-trade o ilipat ang mga in-game na asset sa ibang mga manlalaro para sa totoong pera. Pinipilit nito ang mga manlalaro na gumamit ng mga website ng black market na kadalasan ay isang panganib sa seguridad. Ang Blockchain gaming ay sumasaklaw sa in-game na ekonomiya at nagpo-promote ng gayong pag-uugali sa isang mapagkakatiwalaang paraan.
Higit pa rito, ang mga manlalaro ay nabibigyang-insentibo sa pamamagitan ng kakayahang mag-trade ng mga in-game na token para sa totoong pera at sa gayon ay tunay na ginagantimpalaan para sa kanilang oras ng paglalaro.
Ang Ethereum ay may native na cryptocurrency na tinatawag na ether (ETH). Ito ay purong digital, at maaari ninyo itong ipadala sa sinuman saanman sa mundo kaagad. Ang supply ng ETH ay hindi kinokontrol ng anumang gobyerno o kumpanya - ito ay decentralized at ganap na transparent. Ang mga bagong coin (na karaniwang tinatawag ding mga token) ay nililikha lang ng mga miner at staker na nagpapanatili ng network.
Ang bawat aksyon sa Ethereum network ay nangangailangan ng tiyak na halaga ng computational power. Ang bayad na ito ay binabayaran sa anyo ng eter. Nangangahulugan ito na kailangan mo ng hindi bababa sa isang maliit na halaga ng ETH upang magamit ang network.
Sa totoo lang: maraming bagay! Ang isa sa mga pinakakaraniwang paggamit ng teknolohiyang Ethereum ay ang decentralized finance (DeFi) na nagbibigay-daan sa napakaraniwang larangan ng serbisyo ng banking sa sinumang may koneksyon sa internet. Maaari ninyong gamitin ang iyong ether bilang collateral para mag-loan o magbigay ng liquidity para makakuha ng interes sa inyong pondo.
Ang Ethereum ay hindi kinokontrol ng alinmang entity. Ito ay umiiral lang sa pamamagitan ng decentralized na pakikilahok at pagtutulungan ng komunidad. Gumagamit ang Ethereum ng mga node (isang computer na may kopya ng Ethereum blockchain data) na pinapatakbo ng mga volunteer upang palitan ang mga indibidwal na server at cloud system na pag-aari ng mga pangunahing internet provider at serbisyo.
Ang mga distributed node na ito, na pinapatakbo ng mga indibidwal at negosyo sa buong mundo, ay nagbibigay ng resiliency sa Ethereum network infrastructure. Samakatuwid, ito ay hindi gaanong mahina sa mga hack o shutdown. Mula nang ilunsad ito noong 2015, hindi kailanman naranasan ng Ethereum ang downtime. May libo-libong indibidwal na mga node na nagpapatakbo ng Ethereum network. Dahil dito, ang Ethereum ay isa sa mga pinaka-decentralized na cryptocurrency doon, na pumapangalawa lang sa bitcoin.
Ang mga smart contract ay mga simpleng computer program na nabubuhay sa Ethereum blockchain. Ang mga ito ay nae-execute lang kapag na-trigger ng isang transaksyon mula sa isang user (o isa pang kontrata). Dahil dito, nagiging napaka-flexible ng Ethereum sa kung ano ang magagawa nito at namumukod-tangi ito sa iba pang mga cryptocurrency. Ang mga program na ito ay tinatawag na nating mga decentralized app, o dapps.
Nakagamit na ba kayo ng isang produkto na nagbago sa mga tuntunin ng serbisyo nito? O inalis ang isang feature na naging kapaki-pakinabang para sa inyo? Kapag ang isang smart contract ay nai-publish sa Ethereum, ito ay magiging online at gumagana hangga't umiiral ang Ethereum. Hindi ito maaaring alisin kahit ng may-akda. Dahil automated ang mga smart contract, hindi sila nagtatangi sa sinumang user at palaging handang gamitin ang mga ito.
Ang mga sikat na halimbawa ng mga smart contract ay ang mga lending app, mga decentralized trading exchanges, insurance, mga crowdfunding app - halos kahit anong maiisip ninyo.
Tulad ng anumang anyo ng pera, ang ilan sa mga ito ay magagamit sa maling paraan. Gayunpaman, dahil ang lahat ng mga transaksyon sa Ethereum ay nangyayari sa isang bukas na blockchain, kadalasan ay mas madali para sa mga awtoridad na subaybayan ang mga ipinagbabawal na aktibidad kaysa sa tradisyunal na sistema ng pananalapi, na masasabing ginagawang mas kaakit-akit na pagpipilian ang Ethereum para sa mga mas gustong hindi matukoy.
Ang Crypto ay ginagamit nang mas mababa kaysa sa mga fiat na pera para sa mga layuning kriminal ayon sa mga pangunahing natuklasan ng isang kamakailang ulat ng Europol, ang European Union Agency para sa Law Enforcement Cooperation:
"Ang paggamit ng mga cryptocurrency para sa mga ipinagbabawal na aktibidad ay tila binubuo lang ng isang maliit na bahagi ng pangkalahatang ekonomiya ng cryptocurrency, at lumilitaw na ito ay medyo mas maliit kaysa sa halaga ng mga ipinagbabawal na pondo na kasangkot sa tradisyonal na pananalapi."
Ang Ethereum ay kasalukuyang gumagamit ng proof-of-work na mekanismo na kumukonsumo ng malaking halaga ng enerhiya. Sa mga darating na buwan (Q3/Q4 2022) sasailalim ang Ethereum sa pinakamalaking update nito at lilipat sa proof of stake mechanism na lubos na makakabawas sa epekto nito sa kapaligiran.
Babawasan ng update na ito ang enerhiya na kinakailangan para ma-secure ang Ethereum ng humigit-kumulang 99.95%, na lumilikha ng mas secure na network para sa mas maliit na halaga ng carbon. Gagawin nitong tunay na low-carbon blockchain ang Ethereum habang pinapalakas ang seguridad at scalability nito.
Linggong ito sa Balita sa Ethereum(opens in a new tab) - Isang lingguhang newsletter na sumasaklaw sa mahahalagang kaganapan sa buong ecosystem.
Ang Taon sa Ethereum 2021(opens in a new tab) Ene 17, 2022 - Josh Stark at Evan Van Ness
Mga Atom, Institusyon, Blockchain(opens in a new tab) - Bakit mahalaga ang mga blockchain?
Kung gusto mong subukang bumuo gamit ang Ethereum, basahin ang aming mga doc, subukan ang ilang mga tutorial, o tingnan ang mga tool na kailangan mo upang makapagsimula.
Kasama sa aming komunidad ang mga tao mula sa lahat ng background, kabilang ang mga artist, crypto-anarchist, fortune 500 na kumpanya, at ngayon ikaw. Alamin kung paano ka makakasali ngayon.