Paggamit ng enerhiya ng Ethereum
Ang Ethereum ay isang "green" na blockchain. Ang mekanismo ng consensus ng Ethereum na patunay ng stake ay gumagamit ng ETH sa halip na enerhiya upang i-secure ang network. Ang kinokonsumong enerhiya ng Ethereum ay humigit-kumulang ~0.0026 TWh/taon(opens in a new tab) sa buong pandaigdigang network.
Ang pagtatantya sa kinokonsumong enerhiya ng Ethereum ay mula sa isang pag-aaral ng CCRI (Crypto Carbon Ratings Institute)(opens in a new tab). Gumawa sila ng mga bottom-up na pagtatantiya ng konsumo ng kuryente at carbon footprint ng Ethereum network. (tingnan ang report(opens in a new tab)). Sinukat nila ang kinokonsimong kuryente ng iba't ibang node sa iba't ibang hardware at client software configuration. Ang tinatantyang 2,601 MWh (0.0026 TWh) para sa kinokonsumong kuryente ng network sa bawat taon ay katumbas ng taunang carbon emission na 870 toneladang CO2e sa pamamagitan ng paggamit ng mga carbon intensity factor na partikular sa rehiyon. Ang halagang ito ay nagbabago habang pumapasok at umaalis sa network ang mga node - maaari mo itong subaybayan gamit ang isang patuloy na 7-araw na average na pagtatantya ng Cambridge Blockchain network Sustainability Index(opens in a new tab) (tandaang gumagamit sila ng bahagyang naiiba na pamamaraan para sa kanilang mga pagtatantya - makikita ang mga detalye sa kanilang site).
Upang bigyan ng konteksto ang pagkonsumo ng enerhiya ng Ethereum, maaari nating ikumpara ang taunang pagtatantya para sa ilang iba pang mga produkto at industriya. Makakatulong ito para mas maunawaan natin kung masyadong mataas o mababa ang pagtatantiya para sa Ethereum.
Taunang Pagkonsumo ng Kuryente sa TWh/yr
Ang chart sa itaas ay nagpapakita ng tinatantyang pagkonsumo ng enerhiya sa TWh/taon para sa Ethereum, kumpara sa ilang iba pang mga produkto at industriya. Ang chart sa itaas ay nagpapakita ng tinatantyang pagkonsumo ng enerhiya sa Twh/taon para sa Ethereum, kumpara sa ilang iba pang mga produkto at industriya.
Kinokonsumong enerhiya bawat taon (TWh) | Paghahambing sa PoS Ethereum | Pinagmulan | |
---|---|---|---|
Mga global data center | 190 | 73,000x | source(opens in a new tab) |
Bitcoin | 149 | 53,000x | source(opens in a new tab) |
Gold mining | 131 | 50,000x | source(opens in a new tab) |
Gaming in USA* | 34 | 13,000x | source(opens in a new tab) |
PoW Ethereum | 21 | 8,100x | source(opens in a new tab) |
19 | 7,300x | source(opens in a new tab) | |
Netflix | 0.457 | 176x | source(opens in a new tab) |
PayPal | 0.26 | 100x | source(opens in a new tab) |
AirBnB | 0.02 | 8x | source(opens in a new tab) |
PoS Ethereum | 0.0026 | 1x | source(opens in a new tab) |
*Kabilang ang mga device ng end user na tulad ng mga PC, laptop, at gaming console.
Ang pagkuha ng tumpak na pagtatantya para sa pagkonsumo ng enerhiya ay kumplikado, lalo na kapag ang sinusukat ay may masalimuot na supply chain o mga detalye ng deployment na nakakaapekto sa kahusayan nito. Halimbawa, nag-iiba ang mga pagtatantya ng pagkonsumo ng enerhiya sa Netflix at Google depende kung isasama lamang nila ang enerhiya na ginagamit upang mapanatili ang kanilang mga sistema at maihatid ang nilalaman sa mga gumagamit (direktang paggasta) o kung isasama nila ang gastusin na kailangan para sa paggawa ng content, pagpapatakbo ng mga opisina ng kumpanya, pag-advertise, at iba pa.(hindi direktang paggasta). Ang hindi direktang paggasta ay maaari ring kabilang ang enerhiya na kailangan para sa pagkonsumo ng content sa mga device ng end-user na tulad ng mga TV, computer, at mobile.
Ang mga pagtatantya sa itaas ay hindi perpektong paghahambing. Ang halaga ng hindi direktang paggasta na isinasama ay nag-iiba batay sa pinagkukunan, at bihirang isinasama ang enerhiya mula sa mga device ng end-user. Bawat pinagkukunan ay may kasamang higit pang detalye kung ano ang sinusukat.
Kasama rin sa talahanayan at chart sa itaas ang mga pagkukumpara sa Bitcoin at sa patunay ng gawain na Ethereum. Mahalagang tandaan na ang pagkonsumo ng enerhiya ng mga patunay ng trabaho na network ay hindi static at nagbabago araw-araw. Ang mga pagtatantya ay maaari ring malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng mga pinagkukunan. Ang paksa ay umaakit ng masalimuot na debate(opens in a new tab), hindi lamang tungkol sa dami ng enerhiyang kinokonsumo, kundi pati na rin sa mga pinagkukunan ng enerhiyang iyon at ang kaugnay na etika. Ang pagkonsumo ng enerhiya ay hindi kinakailangang tumukoy nang tumpak sa environmental footprint dahil maaaring gumamit ang iba't ibang proyekto ng iba't ibang pinagkukunan ng enerhiya, kabilang ang mas kaunti o mas malaking bahagi ng mga renewable. Halimbawa, ang Cambridge Bitcoin Electricity Consumption Index(opens in a new tab) ay nagpapahiwatig na ang demand ng Bitcoin network ay maaaring teoretikal na ang gas flaring o kuryente na mawawala sana sa proseso ng paghahatid at distribusyon. Para makamit ang pagpapanatili, pinalitan ng Ethereum ng green na alternatibo ang bahagi ng network na malakas kumonsumo ng enerhiya.
Maaari kang mag-browse ng mga pagtatantya ng kinokonsumong enerhiya at carbon emission para sa maraming industriya sa site ng Cambridge Blockchain Network Sustainability Index(opens in a new tab).
Mga pagtatantya bawat transaksyon
Tinatantya ng maraming artikulo ang ginagamit na enerhiya ng mga blockchain bawat transaksyon. Maaaring makalito ito dahil ang enerhiyang kailangan para mag-propose at mag-validate ng isang block ay hindi nakasalalay sa bilang ng mga transaksyon dito. Ang bawat yunit ng paggasta ng enerhiya sa bawat transaksyon ay nangangahulugan na ang mas kaunting transaksyon ay magdudulot ng mas maliit na paggasta ng enerhiya at kabaligtaran, na hindi iyon ang kaso. Gayundin, ang mga pagtatantya sa bawat transaksyon ay napakasensitibo sa kung paano tinutukoy ang throughput ng transaksyon ng isang blockchain, at maaaring dayain ang definition na ito para magmukhang mas malaki o maliit ang halaga.
Sa Ethereum, halimbawa, ang transaksyon ng throughput ay hindi lamang mula sa base layer - ito rin ang kabuuan ng transaksyon ng throughput ng lahat ng "layer 2" rollups nito. Hindi karaniwang isinasama ang mga layer 2 sa mga kalkulasyon, pero kapag isinaalang-alang ang karagdagang enerhiya na kinokonsumo ng mga sequencer (maliit) at ang bilang ng mga transaksyong ipinoproseso ng mga ito (malaki), lubhang liliit ang mga pagtatantya sa bawat transaksyon. Ito ay isang dahilan kung bakit ang mga paghahambing ng pagkonsumo ng enerhiya sa bawat transaksyon sa iba't ibang platform ay maaaring magdulot ng kalituhan.
Ang carbon debt ng Ethereum
Napakababa ang paggasta sa enerhiya ng Ethereum, pero hindi ito palagi ang kaso. Gumagamit dati ang Ethereum ng patunay ng gawain na may mas malaking environmental cost kaysa sa kasalukuyang mekanismong patunay ng stake.
Sa simula pa lang, nakaplanong ipatupad ng Ethereum ang mekanismo ng consensus na batay sa patunay ng stake, pero gumugol ng maraming taon ng nakalaang pananaliksik at pag-unlad ang pagsasakatuparan nito nang hindi pinapabayaan ang seguridad at decentralization. Kung kaya, gumamit ng mekanismong patunay ng gawain para simulan ang network. Sa patunay ng gawain, kailangang gamitin ng mga miner ang kanilang hardware sa pag-compute para magkalkula ng halaga, at proseso ng paggasta ng enerhiya.
Tinatantya ng CCRI na ang The Merge ay nagbawas ng taunang pagkonsumo ng kuryente ng Ethereum ng higit sa 99.988%. Gayundin, ang carbon footprint ng Ethereum ay bumaba ng tinatayang 99.992% (naging 870 mula sa mula sa 11,016,000 tonnes CO2e). Upang maisalarawan ito, ipagpalagay na ang pagkabawas ng mga emission ay parang paglipat sa taas ng maliit na toy figure mula sa taas ng Eiffel Tower, gaya ng ipinapakita sa figure sa itaas. Bilang resulta, malaki ang mababawas sa environmental cost ng pag-secure sa network. Kasabay nito, pinaniniwalang napaigting ang seguridad ng network.
Isang green na application layer
Bagama't napakaliit ng kinokonsumong enerhiya ng Ethereum, mayroon ding mahalaga, lumalaki, at napakaaktibong komunidad ng regenerative finance (ReFi) na nabubuo sa Ethereum. Ang mga ReFi application ay gumagamit ng mga component ng DeFi upang lumikha ng mga pinansyal na application na may positibong epekto sa kalikasan. Ang ReFi ay bahagi ng mas malawakang pagkilos "solarpunk"(opens in a new tab) na malapit na nauugnay sa Ethereum at naglalayong pagsamahin ang mga teknolohikal na pag-unlad at pangangalaga sa kalikasan. Ang Ethereum ay desentralisado, permissionless, at composable, kaya naman naaangkop itong base layer para sa mga komunidad ng ReFi at solarpunk.
Ang mga public goods funding platform na native sa Web3 tulad ng Gitcoin(opens in a new tab) ay nagsasagawa ng mga climate round upang isulong ang makakalikasan na paggawa sa application layer ng Ethereum. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga inisyatibang ito (at iba pa, hal. DeSci), ang Ethereum ay nagiging isang teknolohiyang may positibong epekto sa kapaligiran at lipunan.
Karagdagang pagbabasa
- Mga Indise ng Sustainable Network ng Cambridge Blockchain(opens in a new tab)
- Ulat mula sa White House tungkol sa mga blockchain na patunay ng gawain(opens in a new tab)
- Ethereum Emissions: A Bottom-up Estimate(opens in a new tab) - Kyle McDonald
- Ethereum Energy Consumption Index(opens in a new tab) - Digiconomist
- ETHMerge.com(opens in a new tab) - @InsideTheSim(opens in a new tab)
- The Merge - Mga Epekto sa Pagkonsumo ng Kuryente at Carbon Footprint ng Ethereum Network(opens in a new tab) - CCRI
- Ang kinokonsumong enerhiya ng Ethereum(opens in a new tab)