Lumaktaw sa pangunahing content

Huling na-update ang pahina: Hulyo 19, 2024

Panimula sa Web3

Nakatulong ang centralization upang bilyon-bilyong tao ang maging pamilyar sa World Wide Web at ginawa nito ang stable at mahusay na infrastructure kung nasaan ito ngayon. Kasabay nito, hawak ng ilang centralized entity ang malaking bahagi ng World Wide Web, na unilateral na nagpapasya sa kung ano dapat at hindi dapat pahintulutan.

Web3 ang sagot sa suliraning ito. Sa halip na malalaking technology company lang ang nagpapatakbo sa Web, ginagamit ng Web3 ang decentralization, at binubuo, pinapatakbo, at pagmamay-ari ito ng mga user nito. Inilalagay ng Web3 ang kapangyarihan sa kamay ng mga tao kaysa sa mga kumpanya. Bago natin pagusapan ang Web3, alamin muna natin kung paano tayo nakarating dito.

Ang pagsisimula ng Web

Para sa maraming tao, ang Web ay hindi nagbabagong bahagi ng modernong buhay—na ito ay inimbento at patuloy na lang na ginagamit. Subalit ang Web na alam natin ngayon ay ibang iba sa orihinal na konsepto nito. Upang maunawaan natin ito, makatutulong na paghiwalayin ang maikling kasaysayan ng Web base sa pagsulong nito—Web 1.0 at Web 2.0.

Web 1.0: Read-Only (1990-2004)

Noong 1989, sa CERN sa Geneva, abala si Tim Berners-Lee sa paggawa ng mga protokol na magiging World Wide Web. Ang kanyang ideya? Ang gumawa ng bukas at decentralized na protokol kung saan maaaring magbahagi ng impormasyon nasaan ka man sa mundo.

Ang kauna-unahang likha ni Berner-Lee na ngayon ay tinatawag na 'Web 1.0' ay tinatayang nag-umpisa sa pagitan ng 1990 hanggang 2004. Ang Web 1.0 ay halos puro mga static na website na pagmamay-ari ng mga kumpanya, at halos walang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga user nito — bihirang gumawa ng content ang mga indibidwal — kung kaya, tinawag itong Read-Only Web.

Client-server architecture, na kumakatawan sa Web 1.0

Web 2.0: Read-Write (2004-kasalukuyan)

Ang Web 2.0 ay nagsimula noong 2004 kasabay ng pag-usbong ng social media platform. Sa halip na read-only, naging read-write ang web. Sa halip na nagbibigay ang mga kumpanya ng content sa mga user, nagsimula rin silang magbigay ng mga platform para magbahagi ng user-generated content at mag-ugnayan ang mga user. Habang dumarami ang taong online, may iilang kumpanya ang nagsimulang kontrolin ang masyadong lumalaking trapiko at halagang nabuo sa Web. Sa Web 2.0 din nagsimula ang revenue model na batay sa advertising. Bagama't nakakagawa ng content ang mga user, hindi nila ito pagmamay-ari o napagkakakitaan.

Client-server architecture, na kumakatawan sa Web 2.0

Web 3.0: Read-Write-Own

Ang ideya ng 'Web 3.0' ay nagmula sa co-founder ng Ethereum co-na si Gavin Wood matapos ilunsad ang Ethereum noong 2014. Sinabi ni Gavin ang solusyon sa problema ng mga naunang pumasok sa crypto: masyado malaking tiwala ang hinihingi sa Web. Ibig sabihin nito, ang malaking bahagi ng Web na alam at ginagamit ng mga tao ngayon ay umaasang kikilos ang ilang pribadong kumpanya na isinasaalang-alang ang kapakanan ng publiko.

Decentralized node architecture, na kumakatawan sa Web3

Ano ang Web3?

Ang Web3 ay naging isang nakakaenganyong termino para sa pananaw ng isang bago, mas mahusay na internet. Ang Web3 ay gumagamit ng mga blockchain, cryptocurrency, at NFT upang ibigay sa mga user nito ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagmamay-ari. Ipinaliwanag ito nang mabuti sa isang post sa Twitter noong 2020(opens in a new tab): read-only ang Web1, read-write ang Web2, at magiging read-write-own ang Web 3.

Mga pangunahing ideya ng Web3

Bagama't mahirap magbigay ng kongkretong pagpapakahulugan ng Web3, may ilang pangunahing prinsipyo na gumagabay sa pagkakabuo nito.

  • Decentralized ang Web3: na sa halip na kontrolin ng malalaking kumpanya ang malaking bahagi ng internet, ang pagmamay-ari ay ipinapamahagi sa mga builder at user nito.
  • Hindi kailangan ng pahintulot ang Web3: pantay na makakalahok ang lahat sa Web3, at walang hindi maisasama.
  • May natural na pagbabayad ang Web3: gumagamit ito ng cryptocurrency para sa paggastos at pagpapadala ng pera online sa halip na umasa sa makalumang infrastructure ng mga bangko at tagaproseso ng pagbabayad.
  • Trustless ang Web3: pinapatakbo ito gamit ang mga incentive at ekonomikong mekanismo sa halip na umasa sa mga pinagkakatiwalaang third party.

Bakit mahalaga ang Web3?

Bagama't hindi lang sa Web3 matatagpuan ang mga kakaibang feature nito, at hindi nailalagay ang mga ito sa mga partikular na kategorya, sinubukan naming isa-isahin ang mga ito upang maging mas madaling maunawaan.

Pagmamay-ari

Ibinibigay ng Web3 sa iyo ang pagmamay-ari ng ng iyong mga digital asset sa kakaibang paraan. Halimbawa, sabihin nating naglalaro ka ng isang web2 na laro. Kapag bumili ka ng in-game item, direkta itong nauugnay sa iyong account. Kung ide-delete ng mga game creator ang account mo, mawawala ang mga item na ito. O kaya naman, kung huminto ka sa paglalaro, mawawala ang halaga na in-invest mo sa iyong mga in-game item.

Pinapayagan ng Web3 ang pagmamay-ari sa pamamagitan ng . Walang sinuman, kahit ang mga game creator, ang may kapangyarihang bawiin ang iyong pagmamay-ari. At, kung hihinto ka sa paglalaro, maaari mong ibenta o i-trade ang iyong mga in-game item sa mga open market at mabawi ang iyong ipinuhunan.

Magbasa pa tungkol sa NFT
Iba pang detalye tungkol sa NFT

Paglaban sa censorship

Ang power dynamic sa pagitan ng mga platform at content creator ay lubhang hindi balanse.

Ang OnlyFans ay user-generated na adult content site na may mahigit 1 milyong content creator, at marami sa mga ito ang gumagamit ng platform bilang kanilang pangunahing pagkakakitaan. Noong Agosto 2021, inanunsyo ng OnlyFans na pinaplano nitong ipagbawal ang sexually explicit content. Nagalit ang mga creator sa platform sa anunsyo, dahil pakiramdam nila ay hindi sila hinahayaang kumita sa platform kung saan tumulong sila sa pagbuo nito. Matapos ang backlash, mabilis na binawi ang desisyon. Bagama't nanalo ang mga creator sa laban na ito, ipinapakita nito ang problema para sa mga creator sa Web 2.0: maglalaho ang reputasyon mo at mga tagasunod mo kung aalis ka sa platform.

Sa Web3, ang iyong data ay mananatili sa blockchain. Kapag nagpasya kang umalis sa platform, makukuha mo ang reputasyon mo at maililipat mo ito sa ibang interface na mas akma sa iyong mga pinapahalagahan.

Sa Web2.0, kailangan ng mga content creator na magtiwalang hindi babaguhin ng mga platform ang mga panuntunan, pero natural na feature ng Web3 platform ang paglaban sa censorship.

Mga decentralized autonomous organization (mga DAO)

Bukod sa pagmamay-ari sa data sa Web3, maaari mo ring maging pagmamay-ari ang platform bilang collective, gamit ang mga token na nagsisilbing mga share sa isang kumpanya. Hinahayaan ka ng DAO na magsaayos ng decentralized na pagmamay-ari sa isang platform at gumawa ng mga pasya tungkol sa hinaharap nito.

Ang DAO ay teknikal na tinutukoy bilang mga napagkasunduang na nag-awtomatiko ng decentralized na paggawa ng desisyon sa isang pool ng mga mapagkukunan (mga token). Boboto ang mga user na may mga token sa kung paano gagamitin ang mga resource, at awtomatikong isasagawa ng code ang resulta ng botohan.

Gayunpaman, tinukoy ng mga tao ang maraming komunidad sa Web3 bilang mga DAO. May iba't ibang antas ng decentralization at pag-awtomatiko ayon sa code ang mga komunidad na ito. Kasalukuyan naming sinisuri kung ano ang DAO at kung paano maaaring magbago ang mga ito sa hinaharap.

Identity

Karaniwan, gagawa ka ng account para sa bawat platform na gagamitin mo. Halimbawa, maaaring mayroon kang Twitter account, Youtube account, at Reddit account. Gustong palitan ang iyong display name o profile picture? Kailangan mo iyong gawin sa bawat account. Maaari ka ring gumamit ng mga social sign-in sa ilang sitwasyon, ngunit magpepresenta ito ng isang pamilyar na problema—censorship. Sa isang click lang, maaaring hindi na ipa-access sa iyo ng mga platform na ito ang iyong buong buhay online. Mas malala pa rito, hinihingi ang maraming plaform na ipagkatiwala mo sa kanila ang personally identifiable information para gumawa ng account.

Nilulutas ng Web3 ang mga problemang ito sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa iyo na kontrolin ang iyong digital identity gamit ang isang Ethereum address at profile. Kapag gumamit ng Ethereum address, iisang login na lang ang gagamitin sa mga platform na secure, ligtas sa censorship, at anonymous.

Mga natural na pagbabayad

Ang paraan ng pagbabayad sa Web2 ay nakasalalay sa mga bangko at iba pang payment processor, hindi pa kasama rito ang mga taong walang bank account o nakatira sa mahihigpit na bansa. Gumagamit ang Web3 ng mga token gaya ng upang direktang magpadala ng pera sa browser at hindi nito kailangan ng pinagkakatiwalaang third party.

Higit pa tungkol sa ETH

Web3 limitations

Sa kabila ng napakaraming benepisyo ng Web3 sa kasalukuyan, marami pa ring limitasyon na dapat tugunan ng ecosystem para lumago ito.

Pagiging Naa-access

Ang mahahalagang feature ng Web3, gaya ng Mag-sign in sa Ethereum, ay magagamit na ng kahit sino nang libre. Ngunit ang nauugnay na gastos sa mga transaksyon ay napakamahal pa rin para sa karamihan. Maliit ang posibilidad na gamitin ang Web3 sa mga umuunlad at hindi mayaman na bansa dahil sa mahal na bayarin sa transaksyon. Sa Ethereum, nilulutas ang mga problemang ito sa pamamagitan ng roadmap at . Handa na ang teknolohiya, ngunit kailangang mas marami ang gumamit ng layer 2 para maging maaaring magamit ang Web3 sa lahat.

Karanasan ng user

Sa kasalukuyan, masyadong mataas na teknikal na kaalaman ang kailangan para magamit ang Web3. Kailangang maunawaan ng mga user ang mga alalahanin sa seguridad, maintindihan ang kumplikado at teknikal na dokumentasyon, at alamin ang pasikot-sikot sa mga user interface na hindi madaling gamitin. Ang mga Wallet provider ay nagsisikap na solusyonan ito, pero mas malaking progreso ang kailangan bago magamit ng nakararami ang Web3.

Education

Nagdadagdag ang Web3 ng mga bagong model kung saan kailangang pag-aralan ang mga mental model na naiiba sa mga ginagamit sa Web2.0. Nagkaroon ng katulad na kampanya sa pagbibigay-kaalaman noong sumisikat ang Web1.0 sa huling bahagi ng 1990s. Gumamit ang mga tagapagtaguyod ng world wide web ng maraming diskarte sa pagbibigay-kaalaman para bigyang-kaalaman ang publiko, mula sa mga simpleng talinhaga (ang information highway, mga browser, pag-surf sa web) hanggang sa mga television broadcast(opens in a new tab). Hindi mahirap unawain ang Web3, ngunit naiiba ito. Ang mga inisyatiba sa pagbibigay-kaalaman sa mga user ng Web2 tungkol sa mga modelo ng Web3 ay mahalaga para maging matagumpay ito.

Tumutulong ang Ethereum.org sa pagbibigay-kaalaman tungkol sa Web3 sa pamamagitan ng aming programang pagsasalin, na may layuning isalin ang mahalagang Ethereum content sa lahat ng wikang makakaya.

Centralized infrastructure

Ang Web3 ecosystem ay bago pa lang at mabilis itong nagbabago. Dahil dito, pangunahing nakasalalay ito ngayon sa mga centralized infrastructure (GitHub, Twitter, Discord, atbp.). Maraming kumpanya ng Web3 ang nag-uunahang punan ang mga pagkukulang na ito, ngunit maraming oras ang kailangang gugulin upang makagawa ng de-kalidad at maaasahang infrastructure.

Isang decentralized na hinaharap

Ang Web3 ay nagsisimula pa lang at patuloy na umuunlad. Inimbento ni Gavin Wood ang termino noong 2014, ngunit ang karamihan sa mga ideyang ito ay kamakailan lang naisakatuparan. Noong nakaraang taon lang, kapansin-pansing dumami ang mga taong nagkainteres sa cryptocurrency, mga pagpapahusay sa mga layer 2 scaling solution, at malalaking eksperimento sa mga bagong anyo ng pamumuno, at rebolusyon sa digital identity.

Nasa simula pa lang tayo ng paggawa ng mas magandang Web sa tulong ng Web3, pero habang patuloy nating pinapahusay ang infrastructure na susuporta dito, maganda ang hinaharap ng Web.

Paano ako makakalahok

  • Kumuha ng wallet
  • Maghanap ng komunidad
  • Siyasatin ang mga Web3 application
  • Join a DAO
  • Gumawa sa Web3

Karagdagang pagbabasa

Walang malinaw na pagpapakahulugan sa Web3. May iba't ibang pananaw dito ang iba't ibang kalahok ng komunidad. Narito ang ilan sa mga ito:

Test your Ethereum knowledge

Nakatulong ba ang artikulong ito?