Ang DeFi ay bukas at pandaigdigang sistemang pinansyal na binuo para sa panahon ng internet - alternatibo sa isang sistema na mahirap unawain, mahigpit na kontrolado, at pinagbubuklod ng dekadang taon na imprastaktura at mga proseso. Sa tulong nito makokontrol at makikita mo ang iyong pera. Binibigyan ka nito ng pagkakataong makita ang mga pandaigdigang merkado at mga alternatibo sa iyong lokal na pera o mga opsyon sa pagbabangko. Binubuksan ng mga produkto ng DeFi ang mga serbisyong pinansyal sa sinumang may koneksyon sa internet at ang karamihan sa mga ito ay pagmamay-ari at pinapanatili ng mga user ng mga ito. Sa ngayon, sampu-sampung bilyong dolyar na halaga ng crypto ang dumaan sa mga aplikasyon ng DeFi at patuloy itong lumalaki araw-araw.
Ano ang DeFi?
DeFi ang pinagsamang tawag sa mga produkto at serbisyong pinansyal na maaring gamitin ng sinumang makakagamit ng Ethereum - kahit sinong may koneksyon sa internet. Sa DeFi, ang mga pamilihan ay palaging bukas at walang mga sentralisadong awtoridad na maaaring humadlang sa mga pagbabayad o tanggihan ang iyong access sa kahit ano. Ang mga serbisyo na dati ay mabagal at nasa panganib ng pagkakamali ng tao ay awtomatiko at mas ligtas na ngayon dahil ito ay pinangangasiwaan ng code na maaaring suriin at tingnan ng sinuman.
Lumalaki ang ekonomiya ng crypto, kung saan puwede kang magpautang, manghiram, mag-trade, kumita ng interes, at iba pa. Gumamit ng DeFi ang mga taga-Argentina na marunong sa crypto para takasan ang matinding pagtaas ng presyo. Sinimulan kaagad ng kumpanya ang patuloy na sahod ng kanilang empleyado. Ang ilan ay nakakuha at nakabayad ng mga utang na nagkakahalaga ng milyon-milyong dolyar nang hindi kinakailangan ng anumang personal na pagkakakilanlan.
DeFi laban sa tradisyunal na pananalapi
Ang isa sa mga pinakamagandang paraan upang makita ang potensyal ng DeFi ay unawain ang mga problemang umiiral ngayon.
- May mga tao na hindi pinagkakalooban ng access upang gumawa ng bank account o gumamit ng mga serbisyong pinansyal.
- Ang kakulangan ng access sa mga serbisyong pinansyal ay maaaring hadlangan ang mga tao na maging empleyado.
- Maaaring hadlangan ka ng mga serbisyong pinansyal upang makuha ang iyong suweldo.
- Ang nakatagong singil ng mga serbisyong pinansyal ay ang iyong personal na data.
- Maaaring ipasara ng mga gobyerno at sentralisadong institusyon ang mga merkado kapag gusto nila.
- Ang oras ng pagte-trade ay karaniwang limitado sa oras ng negosyo ng partikular na time zone.
- Maaaring abutin nang ilang araw ang mga pag-transfer ng pera dahil sa panloob na mga prosesong ginagawa ng tao.
- May karagdagang bayad sa mga serbisyo sa pananalapi dahil kinakailangan ng mga institusyong tagapamagitan ang kanilang parte.
Pag-kumpara
DeFi | Tradisyunal na pananalapi |
---|---|
Hawak mo ang iyong pera. | Ang iyong pera ay hawak ng mga kumpanya. |
Kontrolado mo kung saan mapupunta ang iyong pera at kung paano ito gagastusin. | Kailangan mong magtiwalang hindi pababayaan ng mga kumpanya ang pera mo, tulad ng pagpapahiram nito sa mga hindi mapagkakatiwalaang nangungutang. |
Nangyayari ang mga paglipat ng pondo sa loob ng ilang minuto. | Maaaring tumagal nang ilang araw ang mga pagbabayad dahil sa mamu-manong mga proseso. |
Gumagamit ng mga hindi tunay na pangalan sa mga aktibidad sa transaksyon. | Ang aktibidad sa pananalapi ay mahigpit na naka-ugnay sa iyong pagkakakilanlan. |
Ang DeFi ay bukas para sa lahat. | Kailangan mong mag-apply upang magamit ang mga serbisyong pinansyal. |
Palaging bukas ang mga merkado. | Nagsasara ang mga merkado dahil kailangang magpahinga ng mga empleyado. |
Nakabatay ito sa pagiging malinaw—sinuman ay maaaring tingnan ang data ng isang produkto at suriin kung paano gumagana ang sistema. | Ang mga pinansyal na institusyon ay mga pribado: hindi mo maaaring tingnan ang kanilang kasaysayan ng pautang, rekord ng kanilang mga pinapamahalaanng asset, at iba pa. |
Nagsimula ito sa Bitcoin...
Sa maraming paraan, ang Bitcoin ang unang DeFi application. Pinapahintulutan ka ng Bitcoin na tunay na pagmamay-ari at kontrolin ang halaga at ipadala ito kahit saan sa buong mundo. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng paraan para sa malaking bilang ng mga tao, na hindi nagtitiwala sa isa't isa, na magkasunduan sa isang talaan ng mga account nang hindi nangangailangan ng mapagkakatiwalaang tagapamagitan. Bukas ang Bitcoin para sa sinuman at walang sinuman ang may kapangyarihang baguhin ang mga panuntunan nito. Ang mga panuntunan ng Bitcoin, tulad ng kanyang kakapusan at pagiging bukas, ay nakalagay na sa teknolohiya. Hindi ito katulad ng tradisyunal na pananalapi kung saan ang mga gobyerno ay maaaring gumawa ng pera na nagpapababa sa halaga ng iyong ipon at ang mga kumpanya ay maaaring magpasara ng mga merkado.
Mas pinapahusay pa ito ng Ethereum. Tulad ng Bitcoin, hindi maaaring magbago ang mga panuntunan nang biglaan at may access ang lahat. Ngunit ginagawa rin nitong programmable ang digital na pera, gamit ang , kung kaya, hindi lang pag-imbak at pagpapadala ng halaga ang magagawa mo.
Napoprogramang pera
Medyo kakaiba itong pakinggan... "bakit ko gugustuhing iprograma ang pera ko"? Ngunit, ito ay higit na default na feature ng mga token sa Ethereum. Sinuman ay maaaring magprograma ng lohika sa mga pagbabayad. Kaya makukuha mo ang kontrol at seguridad ng Bitcoin pati ang mga serbisyong ibinibigay ng mga pinansyal na institusyon. Dahil dito, magagawa mo sa mga cryptocurrency ang mga bagay na hindi mo magagawa sa Bitcoin, tulad ng pagpapautang at panghihiram, pag-i-schedule ng mga pagbabayad, pamumuhunan sa mga index fund at iba pa.
Ano ang magagawa mo sa DeFi?
Mayroong desentralisadong alternatibo para sa karamihan ng mga serbisyong pinansyal. Ngunit ang Ethereum ay nagbubukas din ng mga oportunidad para makalikha ng mga produktong pinansyal na ganap na bago. Palaging nadaragdagan ang listahang ito.
- Magpadala ng pera sa iba't ibang bahagi ng mundo
- Patuloy na magpadala ng pera sa buong mundo
- I-access ang nakapirmi na pera
- Humiram ng pondo na may collateral
- Humiram nang walang collateral
- Simulan ang pag-iipon ng crypto
- Mag-trade ng mga token
- Palaguin ang iyong portfolio
- Pondohan ang iyong mga ideya
- Bumili ng insurance
- Pamahalaan ang iyong portfolio
Mabilis na magpadala ng pera sa buong mundo
Bilang blockchain, ang Ethereum ay idinisenyo para magpadala ng mga transaksyon sa ligtas at pandaigdigang paraan. Tulad ng Bitcoin, pinapadali ng Ethereum ang pagpapadala ng pera sa buong mundo, na parang nagpapadala lang ng email. Ilagay lamang ang ng iyong tatanggap (tulad ng bob.eth) o ang kanilang address ng account mula sa iyong wallet at ang iyong bayad ay direktang mapupunta sa kanila sa loob ng ilang minuto (karaniwan). Upang magpadala o tumanggap ng mga pagbabayad, kakailanganin mo ng wallet.
Tingnan ang mga dapps ng pagbabayadPatuloy na magpadala ng pera sa buong mundo...
Maaari ka ring magpatuloy na magpadala ng pera sa Ethereum. Pinapahintulutan ka nitong bayaran ang sahod ng isang tao sa kada segundo, na nagbibigay sa kanila ng access sa kanilang pera sa tuwing kailangan nila ito. O magrenta ng isang bagay kada segundo, tulad ng storage locker o electric scooter.
At kung ayaw mong magpadala o magpatuloy na mgapadala ng pera sa dahil sa laki ng pagbabago ng halaga nito, mayroon nang mga alternatibong pera sa Ethereum: .
I-access ang nakapirmi na pera
Ang pagbabago-bago ng cryptocurrency ay isang problema para sa maraming produktong pampinansyal at pangkalahatang paggastos. Inayos ito ng komunidad ng DeFi gamit ang mga stablecoin. Ipinapareho ang halaga ng mga ito sa isa pang asset, na karaniwang mas ginagamit na pera tulad ng dolyar.
Ang mga coin tulad ng Dai o USDC ay may halaga na nananatili sa ilang sentimo ng isang dolyar. Ginagawa nitong mainam ang mga ito para kumita o retail. Maraming tao sa Latin America ang gumamit ng mga stablecoin bilang paraan ng pagprotekta sa kanilang naipong pera sa panahon ng kawalan ng katiyakan pagdating sa mga pera na mula sa kanilang gobyerno.
Higit pang detalye tungkol sa mga stablecoinPaghiram
Ang paghiram ng pera mula sa mga desentralisadong provider ay may dalawang pangunahing uri.
- Peer-to-peer, na nangangahulugang ang nanghihiram ay direktang manghihiram mula sa isang tiyak na nagpapahiram.
- Pool-based kung saan ang mga nagpapahiram ay nagbibigay ng pondo (liquidity) sa isang sama-sama na maaaring pautangin ng mga nanghihiram.
Maraming mga benepisyo ang paggamit ng isang desentralisadong nagpapahiram...
Paghiram nang may privacy
Sa ngayon, ang pagpapautang at paghiram ng pera ay nakabatay sa mga kasamang indibidwal. Kailangang malaman ng mga bangko kung malamang na mababayaran mo ang loan bago ito magpautang.
Gumagana ang desentralisadong pagpapautang nang hindi kinakailangang kilalanin ang sinumang partido ang kanilang sarili. Sa halip, ang nanghihiram ay dapat maglagay ng collateral na awtomatikong matatanggap ng nagpapahiram kung ang kanilang utang ay hindi nabayaran. Tumatanggap pa nga ang ilang nagpapahiram ng bilang collateral. Ang mga NFT ay sertipiko ng pagmamay-ari sa isang natatanging asset, tulad ng isang painting. Higit pang detalye tungkol sa mga NFT
Pinapahintulutan ka nitong humiram ng pera nang walang pagsusuri sa iyong credit o pagbibigay ng pribadong impormasyon.
Access sa pandaigdigang pondo
Kapag gumamit ka ng desentralisadong nagpapahiram, may access ka sa pondong idineposito sa buong mundo, hindi lang sa pondong hawak ng pinili mong bangko o institusyon. Pinapadali nito ang pagkuha ng mga loan at pinapababa nito ang interes.
Epektibong pagbubuwis
Ang pagpapautang ay makapagbibigay sa iyo ng access sa mga pondo na kailangan mo nang hindi kinakailangang ibenta ang iyong ETH (pangyayaring may buwis). Sa halip, maaari mong gamitin ang ETH bilang collateral para sa stablecoin loan. Nagbibigay ito sa iyo ng kinakailangang cash flow at pinapahintulutan kang panatilihin ang iyong ETH. Ang mga stablecoin ay mga token na mas angkop kapag kailangan mo ng cash dahil hindi sila nagbabago ng halaga tulad ng ETH. Higit pang detalye tungkol sa mga stablecoin.
Mga mabilis na loan
Ang mga mabilis na loan ay mas experimental na anyo ng desentralisadong pagpapautang na nagpapahintulot sa iyo na manghiram nang walang collateral o pagbibigay ng anumang personal na impormasyon.
Hindi sila malawakang naa-access ng mga hindi teknikal na tao sa ngayon, ngunit nagbibigay sila ng pahiwatig kung ano ang maaaring maging posible para sa lahat sa hinaharap.
Gumagana ito batay sa ang utang ay kinukuha at binabayaran sa loob ng parehong transaksyon. Kung hindi ito mababayaran, bababalik sa dati ang transaksyon na parang walang nangyari.
Ang pondo na kadalasang ginagamit ay nasa mga liquidity pool (malalaking sama-samang pondo na ginagamit para sa panghihiram). Kung hindi ginagamit ang mga ito sa ngayon, binibigyan nito ng pagkakataon ang isang tao na hiramin ang mga pondong ito, magnegosyo gamit ang mga ito, at bayaran ang mga ito nang buo sa halos parehong pagkakataon na hiniram ito.
Ibig sabihin nito, maraming lohika ang kailangang isama sa isang napaka-tiyak na transaksyon. Ang simpleng halimbawa ay ang isa na gumagamit ng mabilis na loan upang manghiram ng maraming asset sa isang presyo upang maibenta ito sa ibang palitan kung saan mas mataas ang presyo.
Kaya sa iisang transaksyon, ang mga sumusunod ay nangyayari:
- Humiram ka ng halagang X ng $asset sa halagang $1.00 mula sa exchange A
- Ibinenta mo ang X na $asset sa palitan B sa halagang $1.10
- Binayaran mo ang loan sa palitan A
- Makukuha mo ang kita maliban sa bayarin sa transaksyon
Kung biglang bumaba ang supply ng palitan B at kulang ang binili ng user para sapatan ang orihinal na loan, hindi maisasagawa ang transaksyon.
Upang magawa ang halimbawa sa itaas sa tradisyunal na mundo ng pananalapi, kakailanganin mo ng napakalaking halaga ng pera. Ang mga estratehiya sa paggawa ng pera na ito ay naa-access lamang ng mga may umiiral na kayamanan. Ang mga mabilis na loan ay isang halimbawa ng hinaharap kung saan ang pagkakaroon ng pera ay hindi kinakailangan para kumita ng pera.
Higit pang detalye tungkol sa mga mabilis na loanMagsimulang mag-ipon gamit ang crypto
Pagpapahiram
Maaari kang kumita ng interes sa iyong crypto sa pamamagitan ng pagpapahiram nito at tingnan ang kaagad na paglago ng iyong pondo. Sa ngayon, ang mga rate ng interes ay mas mataas kaysa sa kung ano ang malamang na makuha mo sa iyong lokal na bangko (kung suswertehen kang ma-access ito). Narito ang isang halimbawa:
- Ipahiram mo ang iyong 100 Dai, isang mga stablecoin, sa isang produkto tulad ng Aave.
- Tatanggap ka ng 100 Aave Dai (aDai) na token na kumakatawan sa iyong ipinautang na Dai.
- Ang iyong aDai ay tataas batay sa interes at makikita mo ang paglaki ng iyong balanse sa iyong wallet. Depende sa , ang balanse ng iyong wallet ay magpapakita ng 100.1234 matapos ang ilang araw o kahit oras!
- Maaari kang mag-withdraw ng regular na Dai na katumbas ng iyong balanse sa aDai anumang oras.
Mga lottery na walang pagkalugi
Ang mga lottery na walang pagkalugi tulad ng PoolTogether ay isang masaya at makabagong paraan upang magtipid ng pera.
- Bumili ka ng 100 na ticket gamit ang 100 token ng Dai.
- Makakatanggap ka ng 100 plDai na kumakatawan sa iyong 100 ticket.
- Kung mananalo ang isa sa mga ticket mo, tataas ang iyong balanse sa plDai ayon sa halaga ng prize pool.
- Kung hindi ka mananalo, maisasama ang iyong 100 plDai sa draw sa susunod na linggo.
- Maaari kang mag-withdraw ng regular na Dai na katumbas ng iyong balanse sa plDai anumang oras.
Ang prize pool ay mula sa lahat ng interes na kinikita mula sa pagpapautang ng mga ticket deposit tulad ng nabanggit sa halimbawa sa pagpapahiram sa itaas.
Subukan ang PoolTogetherPalitan ng mga token
May libu-libong mga token sa Ethereum. Ang mga decentralized exchange (DEX) ay nagpapahintulot sa iyo na mag-trade ng iba't ibang mga token anumang oras na nais mo. Hinding-hindi mo bibitawan ang pagkontrol sa mga asset mo. Ito ay tulad ng paggamit ng palitan ng pera kapag bumibisita sa ibang bansa. Ngunit hinding-hindi nagsasara ang bersyong DeFi. Ang mga merkado ay bukas 24/7, 365 na araw sa isang taon at ang teknolohiya ay ginagarantiyang palaging mayroong tatanggap ng trade.
Halimbawa, kung nais mong gamitin ang walang talong lottery na PoolTogether (na inilalarawan sa itaas), kakailanganin mo ng token tulad ng Dai o USDC. Pinapahintulutan ka ng mga DEX na ito na i-swap ang iyong ETH sa mga token na iyon at i-swap ito ulit kapag tapos ka na.
Tingnan ang palitan ng mga tokenMasulong na trading
Mayroong mga mas masulong na opsyon para sa mga trader na gusto ng kaunti pang kontrol. Posible ang mga limitasyon ng order, walang hanggan, margin trading, at marami pang iba. Sa Desentralisadong trading, makakakuha ka ng access sa pandaigdigang liquidity, hindi kailanman nagsasara ang merkado, at palagi kang may kontrol sa iyong mga asset.
Kapag gumagamit ka ng sentralisadong palitan, dapat mong ideposito ang mga asset mo bago mag-trade at dapat mong ipagkatiwala sa kanila ang mga ito. Habang nakadeposito ang iyong mga asset, nanganganib ang mga ito dahil mainit sa mata ng mga hacker ang mga sentralisadong palitan.
Tingnan ang desentralisadong mga dappPalaguin ang iyong portfolio
May mga produkto sa pamamahala ng pondo sa Ethereum na susubukang palaguin ang iyong portfolio batay sa estratehiyang iyong pipiliin. Ito ay awtomatiko, bukas sa lahat, at hindi nangangailangan ng taong tagapamahala na makikihati sa iyong kita.
Ang magandang halimbawa ay ang pondo sa DeFi Pulse Index (DPI)(opens in a new tab). Ito ay pondo na awtomatikong muling nagbabalanse upang matiyak na ang iyong portfolio ay laging naglalaman ng mga nangungunang token ng token batay sa kapitalisasyon ng merkado. Hindi mo kailangang pamahalaan ang alinman sa mga detalye at maaari kang umalis sa pondo kung kailan mo gusto.
Tingnan ang mga pamumuhunan sa mga dappPondohan ang iyong mga ideya
Magandang platform ang Ethereum para sa crowdfunding:
- Ang mga potensyal na tagapagpondo ay maaaring manggaling sa kahit saan—bukas ang Ethereum at ang mga token nito sa sinuman, saan man sa mundo.
- Malinaw ito kaya maipapakita ng mga fundraiser kung magkano na ang naipon na pera. Maaari mo ring subaybayan kung paano ginagastos ang mga pondo sa kalaunan.
- Maaaring mag-set up ang mga fundraiser ng mga awtomatikong refund kung, halimbawa, may tiyak na deadline at minimum na halaga na hindi natugunan.
Quadratic na pagpopondo
Ang Ethereum ay bukas na mapagkukunan na software at marami sa mga naunang gawain nito ay pinondohan ng komunidad. Nagbunga ito ng isang kawili-wiling bagong modelo ng fundraising: quadratic na pagpopondo. Ito ay may potensyal na mapabuti ang paraan ng pagpopondo natin sa lahat ng uri ng pampublikong kalakal sa hinaharap.
Tinitiyak ng quadratic funding na ang mga proyektong nakakatanggap ng pinakamaraming pondo ay ang mga may pinakanatatanging pangangailangan. Sa madaling salita, mga proyektong naninindigan upang mapabuti ang buhay ng karamihan ng mga tao. Narito kung paano ito gumagana:
- May matching pool ng donasyon na mga pondo.
- Nagsisimula ang isang round ng pampublikong pagpopondo.
- Maaaring ipahayag ng mga tao ang kanilang interes sa isang proyekto sa pamamagitan ng donasyon na pera.
- Kapag natapos na ang round, ang matching pool ay ipinapamahagi sa mga proyekto. Ang mga may pinakamaraming natatanging interes ang makakakuha ng pinakamalaking halaga mula sa matching pool.
Ibig sabihin nito, ang Proyekto A na may 100 donasyon na 1 dolyar ay maaaring magkaroon ng mas malaking pondo kaysa sa Proyekto B na may nag-iisang donasyon na 10,000 dolyar (depende sa laki ng matching pool).
Iba pang detalye tungkol sa quadratic fundingInsurance
Ang decentralized insurance ay may layuning gawing mas abot-kaya, mas pabilisin ang payout, at mas transparent ang insurance. Sa pamamagitan ng higit pang automation, mas abot-kaya ang coverage at mas mabibilis ang pay-out. Ang data na ginagamit upang magpasya sa iyong claim ay ganap na transparent.
Ang mga produkto ng Ethereum, gaya ng anumang software, ay puwedeng magkaroon ng mga bug at puwedeng abusuhin. Kaya sa ngayon, maraming produkto ng insurance ang nakatuon sa pagprotekta sa mga user laban sa pagkawala ng pondo. Gayunpaman, may mga proyekto na nagsisimulang bumuo ng coverage para sa lahat ng puwede nating harapin sa buhay. Isang magandang halimbawa nito ay ang Crop cover ng Etherisc na may layuning protektahan ang maliliit na magsasaka sa Kenya laban sa tagtuyot at pagbaha(opens in a new tab). Ang decentralized insurance ay maaaring magbigay ng mas abot-kayang presyo para sa mga magsasaka na kadalasang hindi kayang magbayad para sa tradisyonal na insurance.
Tingnan ang decentralized application (dapps) para sa insuranceMga aggregator at manager ng portfolio
Sa dami ng mga nangyayari, kakailanganin mo ng paraan upang subaybayan ang lahat ng iyong mga investment, loan, at trade. May iba't ibang produkto na nagbibigay-daan sa iyong i-coordinate ang lahat ng iyong aktibidad sa DeFi mula sa isang lugar. Ito ang kagandahan ng open architecture ng DeFi. Ang mga team ay maaaring bumuo ng mga interface kung saan hindi mo lang makikita ang iyong mga balanse sa iba't ibang produkto, maaari mo ring gamitin ang kanilang mga feature. Maaaring maging kapaki-pakinabang ito para sa iyo habang tinitingnan mo ang iba pang bahagi ng DeFi.
Tingnan ang decentralized application (dapps) para sa portfolioPaano gumagana ang DeFi?
Ang DeFi ay gumagamit ng mga cryptocurrency at smart contract upang magbigay ng mga serbisyong hindi nangangailangan ng mga intermediary. Sa kasalukuyang mundo ng pinansya, ang mga institusyong pinansyal ay nagsisilbing guarantor ng mga transaksyon. Binibigyan nito ang mga institusyong ito ng labis na kapangyarihan dahil dumadaan sa kanila ang pera mo. Dagdag pa rito, bilyon-bilyong tao sa buong mundo ang walang access sa bank account.
Sa DeFi, pinapalitan ng smart contract ang pinansyal na institusyon sa transaksyon. Ang smart contract ay isang uri ng Ethereum account na maaaring humawak ng pondo at ipadala/ibalik ang mga ito base sa ilang partikular na kundisyon. Walang sinuman ang puwedeng magbago ng smart contract kapag live ito – palagi itong tatakbo ayon sa kung paano ito na-program.
Ang isang kontrata na idinisenyo upang magbigay ng allowance o pocket money ay maaaring i-program na magpadala ng pera sa Account B mula sa Account A tuwing Biyernes. At gagawin lamang nito ito kung may sapat na pondo ang Account A. Walang sinuman ang puwedeng magbago ng kontrata at magdagdag ng Account C bilang recipient upang magnakaw ng pondo.
Ang mga kontrata ay bukas din para tingnan at i-audit ng kahit sino. Ibig sabihin nito, madalas na masisiyasat kaagad ng komunidad ang hindi magagandang kontrata.
Ito ay nangangahulugan na kailangan nating magtiwala sa mga mas teknikal na miyembro ng komunidad ng Ethereum na nakakapag-read ng code. Ang open-source based na komunidad ay tumutulong sa pagbabantay sa mga developer, pero hindi na ito masyadong kakailanganin sa paglipas ng panahon habang nagiging mas madaling i-read ang mga smart contract at gumagawa ng iba pang paraan para patunayan ang pagiging mapagkakatiwalaan ng code.
Ethereum at DeFi
Ang Ethereum ang perpektong pundasyon para sa DeFi dahil sa mga sumusunod:
- Walang nagmamay-ari sa Ethereum o sa mga smart contract na narito – binibigyan nito ang lahat ng pagkakataon na gumamit ng DeFi. Ibig sabihin din nito, walang makakapagbago ng mga panuntunan nang biglaan.
- Iisa ang language na ginagamit ng lahat ng produkto ng DeFi: Ethereum. Ibig sabihin, maayos na magagamit nang sama-sama ang marami sa mga produkto. Magagawa mong magpautang ng mga token sa isang platform at i-exchange ang token na may interes sa ibang market sa isang ganap na ibang application. Dito, para kang nagpapapalit ng loyalty points sa bangko mo.
- Ang mga token at cryptocurrency ay bahagi ng Ethereum, na isang nakabahaging ledger – magaling ang Ethereum sa pagsubaybay sa mga transaksyon at pagmamay-ari.
- Nagbibigay ng ganap na financial freedom ang Ethereum – hinding-hindi hahawakan ng karamihan sa mga produkto ang pondo mo, kaya ikaw talaga ang may kontrol.
Maaaring isipin na may mga layer ang DeFi:
- Ang blockchain – na Ethereum ay naglalaman ng kasaysayan ng mga transaksyon at kalagayan ng mga account.
- Ang mga asset – ETHat iba pang token (mga currency).
- Ang mga protocol – na nagbibigay ng kakayahan, halimbawa, sa isang serbisyong nagpapahintulot ng decentralized na pagpapautang ng mga asset.
- Ang mga application – ang mga produkto na ginagamit natin para pamahalaan at i-access ang mga protocol.
Tandaan: karamihan sa DeFi ay gumagamit ng . Gumagamit ang mga application sa DeFi ng wrapper para sa ETH na tinatawag na Wrapped Ether (WETH). Matuto pa ng higit tungkol sa wrapped ether.
Gumawa ng DeFi
Ang DeFi ay isang open-source movement. Ang mga protocol at application ng DeFi ay bukas para i-inspect, i-fork, at pagandahin mo. Dahil sa layered stack na ito (gumagamit ang lahat ng ito ng parehong base blockchain at mga asset), ang mga protocol ay maaaring pagsama-samahin upang gumawa ng mga natatanging oportunidad.
Iba pang detalye tungkol sa mga decentralized application (dapps) para sa paggawaKaragdagang pagbabasa
DeFi data
Mga artikulo tungkol sa DeFi
- Gabay para sa mga baguhan sa DeFi(opens in a new tab) – Sid Coelho-Prabhu, Enero 6, 2020
Videos
- Finematics - edukasyon tungkol sa decentralized finance(opens in a new tab) – Mga video tungkol sa DeFi
- The Defiant(opens in a new tab) - Mga pangunahing kaalaman sa DeFi: Lahat ng kailangan mong malaman para makapagsimula sa nakakalitong lugar na ito.
- Whiteboard Crypto(opens in a new tab)Ano ang DeFi?