Mga framework at pre-made stack
Inirerekomenda naming pumili ng framework, lalo na kung baguhan ka pa lang. Ang pagbuo ng isang buong dapp ay nangangailangan ng iba't ibang teknolohiya. Mayroon ang mga framework ng marami sa mga kinakailangang feature o nagbibigay ito ng madadaling plugin system para mapili ang mga tool na gusto mo.
Maraming out-of-the-box functionality ang mga framework na ito, tulad ng:
- Mga feature para gumawa ng lokal na blockchain instance.
- Utilities para ma-compile at ma-test ang mga smart contract mo.
- Mga client development add-on para gawin ang iyong user-facing application sa parehong proyekto/repository.
- Configuration na gagamitin para kumonekta sa mga Ethereum network at mag-deploy ng mga kontrata, sa locally running instance man o sa isa sa mga pampublikong network ng Ethereum.
- Decentralized na app distribution - mga integration sa mga opsyon sa storage tulad ng IPFS.
964
Waffle
Ang pinaka-advanced na testing lib para sa mga smart contract. Gamitin mag-isa o kasama ang Scaffold-eth o Hardhat.
TYPESCRIPTSOLIDITY
Buksan Waffle267
Kurtosis Ethereum Package
Isang container-based toolkit para madaling mag-configure at gumawa ng multi-client Ethereum testnet para sa mabilisang pag-develop, pag-prototype, at pag-test ng ng lokal na dApp.
STARLARKPYTHON
Buksan Kurtosis Ethereum PackageTYPESCRIPTSOLIDITY
Buksan Hardhat2,656
Brownie
Isang Python-based na development and testing framework para sa mga smart contract na naka-target sa Ethereum Virtual Machine.
PYTHONSOLIDITY
Buksan Brownie255
Epirus
Isang platform para sa pag-develop, pag-deploy at pagsubaybay ng mga blockchain application sa Java Virtual Machine.
HTMLSHELL
Buksan Epirus2,748
Create Eth App
Gumawa ng mga Ethereum-powered app sa isang command. May kasamang iba't ibang UI framework at DeFi template na mapagpipilian.
JAVASCRIPTTYPESCRIPT
Buksan Create Eth App1,434
Scaffold-ETH-2
Ethers + Hardhat + React: lahat ng kailangan mo para simulan ang pagbuo ng mga decentralized application na pinapagana ng mga smart contract.
TYPESCRIPTJAVASCRIPT
Buksan Scaffold-ETH-21,969
Solidity template
Isang GitHub template para sa pre-built setup ng iyong mga smart contract sa Solidity. May Hardhat local network, Waffle para sa mga test, Ethers para sa implementation ng wallet, at marami pa.
TYPESCRIPTSOLIDITY
Buksan Solidity template8,357
Foundry
Isang napakabilis, portable at modular na toolkit para sa development ng Ethereum application
na naka-write sa Rust.
RUSTSHELL
Buksan Foundry