Lumaktaw sa main content
Kunin ang ETH imaheng bayani

Saan makakakuha ng ETH

Maaari mong kitain ang ETH, matanggap ito mula sa iyong mga kasamahan, o bilhin ito mula sa mga palitan at app.


Kasalukuyang presyo ng ETH (USD)

Naglo-load...
(Huling 24 na oras)
Maghanap ayon sa bansa

Mga centralized exchange

Ang mga exchange ay mga negosyong nagbibigay-daan sa iyong bumili ng crypto at mga tradisyunal na currency. Hawak nila ang anumang ETH na bibilhin mo hanggang sa ipadala mo ito sa isang wallet na kinkontrol mo.

Kumita ng ETH

Maaari kang kumita ng ETH sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa mga DAO o mga kumpanyang nagbabayad ng crypto, pagpanalo ng mga bounty, paghahanap ng mga software bug at iba pa.

Tumanggap ng ETH mula sa iyong mga kasamahan

Kapag mayroon ka nang Ethereum account, ang kailangan mo na lang gawin ay ibahagi ang iyong address para magsimulang magpadala at tumanggap ng ETH (at iba pang mga token) mula sa iyong mga kasamahan.

Mga decentralized exchange (DEX)

Kung gusto mo ng higit pang kontrol, bumili ng ETH gamit ang mga . Sa DEX, maaari kang magpapalit ng mga digital asset nang hindi ibinibigay sa centralized na kumpanya ang kontrol sa pondo mo.

Mga wallet

Sa ilang wallet hinahayaan ka na bumili ng crypto gamit ang debit/credit card, bank transfer o kahit Apple Pay. Heograpiyang paghihigpit ay inilalapat.

Mga reward mula sa staking

Kung mayroon ka nang ilang ETH, puwede mo itong maparami sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng validator node. Babayaran ka sa paggawa ng verification work na ito sa ETH.

Ang lahat ng produktong nakalista sa page na ito ay hindi opisyal na ineendorso, at ibinibigay lang ang mga ito para sa mga layuning pang-impormasyon. Kung nais mong mag dagdag ng produkto o magbigay ng feedback sa mga polisiya, mangyaring magsumite ng issue sa GitHub. Maghain ng isyu(opens in a new tab)

Anong bansa ka nakatira?

May mga paghihigpit sa palitan sa kung saan sila makakapagbenta ng crypto. Ito ay isang palatandaan ng listahan ng mga serbisyo na inaakalang nagpapatakbo sa bawat bansa. Ang pagkakasama dito ay hindi isang pag-endorso - dapat kang magsagawa ng sarili mong pananaliksik!

Isulat kung saan ka nakatira...

Isulat ang iyong bansang tinitirhan upang makakita ang listahan ng mga palitan na maaari mong gamitin

Mga decentralized exchange (DEX)

Ano ang mga DEXs?

Ang mga decentralized exchange ay mga marketplace para sa ETH at iba pang mga token na bukas sa lahat. Direktang ikinokonekta ng mga ito ang mga mamimili at nagbebenta sa isa't isa.

Sa halip na gumamit ng pinagkakatiwalaang third party para pangalagaan ang pondo sa transaksyon, gumagamit sila ng code. Mata-transfer lang ang ETH ng seller kapag garantisado na ang pagbabayad. Ang ganitong uri ng code ay tinatawag ding smart contract. Higit pang detalye tungkol sa mga smart contract

Nangangahulugan ito na may mas kaunting mga paghihigpit sa heograpiya kaysa sa mga centralized na alternatibo. Kung may nagbebenta ng gusto mo at tinatanggap niya ang paraan ng pagbabayad na maibibigay mo, ayos na.

Kailangan mo ng wallet para magamit ang DEX.

Kumuha ng wallet

Bumili gamit ang ibang crypto

I-swap ang iyong mga token para sa ETH ng ibang tao. At vice versa.

Pagpapanatiling ligtas ang iyong ETH

Mga post ng komunidad tungkol sa seguridad

Ang Ethereum ay hindi kontrolado ng anumang solong organisasyon - ito ay decentralized.

Nangangahulugan ito na kailangan mong seryosohin ang seguridad ng iyong pondo. Sa ETH, hindi ka nagtitiwala sa isang bangko o kumpanya na ingatan ang iyong mga asset, pinagkakatiwalaan mo ang iyong sarili.

Panatilihin ang iyong ETH sa iyong sariling wallet

Ang isa sa mga pangunahing tampok ng Ethereum ay ang patuloy mong pagkontrol sa iyong sariling mga asset sa pamamagitan ng pamamahala sa iyong sariling account. Nangangahulugan ito na hindi mo kailangang ipagkatiwala sa anumang third party ang iyong mga asset, at protektado ka mula sa anumang custodian na kumikilos nang hindi tapat, mabangkarote o ma-hack. Gayunpaman, nangangahulugan din ito na inaako mo ang responsibilidad para sa iyong sariling seguridad.

Tingnan ang mga wallet

Ang iyong ETH address

Kapag nag-download ka ng wallet, lilikha ito ng pampublikong ETH address para sa iyo. Narito ang hitsura ng isa:

0x0125e2478d69eXaMpLe81766fef5c120d30fb53f

Halimbawa: Wag kopyahin

Isiping tulad ito ng inyong email address, ngunit sa halip na sulat ay makakatanggap ito ng ETH. Kung gusto mong ilipat ang ETH mula sa isang exchange papunta sa iyong wallet, gamitin ang iyong address bilang destinasyon. Tiyakin na palaging suriin muli bago ka magpadala!

Sundan ang wallet na panuntunan

Kung nawalan ka ng access sa iyong account, mawawalan ka ng access sa iyong pondo. Ang iyong wallet ay dapat magbigay ng mga tagubilin sa iyo sa pagprotekta laban dito. Siguraduhing maingat na sundin ang mga ito – sa karamihan ng mga kaso, walang makakatulong sa iyo kung mawawalan ka ng access sa iyong account.

Nakatulong ba ang page na ito?