Paano magpalit ng tokens
Pagod ka na bang maghanap ng exchange na naglilista ng lahat ng iyong paboritong token? Maaari mong i-swap ang karamihan sa mga token gamit ang mga decentralized exchange.
Sa token swap, ine-exchange ang dalawang magkaibang asset sa Ethereum network, halimbawa, sina-swap ang ETH sa DAI (isang ERC-20 token). Napakabilis at napakamura lang ng proseso. Kakailanganin mo ng crypto wallet para mag-swap ng mga token.
Kinakailangan:
- magkaroon ng crypto wallet, puwede mong sundin ang tutorial na ito: Paano: "Magparehistro" ng Ethereum account
- magdagdag ng pondo sa iyong wallet
1. Ikonekta ang iyong wallet sa decentralized exchange (DEX) na iyong pinili
Ang ilang kilalang exchange ay:
- Uniswap(opens in a new tab)
- Sushiswap(opens in a new tab)
- 1Inch(opens in a new tab)
- Curve(opens in a new tab)
Kung nais mong magbasa pa tungkol sa DeFi at kung paano gumagana ang mga bagong uri ng exchange na ito, inirerekomenda namin ang Kernel Library(opens in a new tab).
2. Piliin ang pares ng mga token na gusto mong i-swap
Halimbawa, ETH at DAI. Tiyaking may pondo ka sa isa sa dalawang token.
3. Ilagay ang halaga ng mga token na nais mong i-trade at i-click ang swap
Awtomatikong kakalkulahin ng exchange kung ilang token ang matatanggap mo.
4. Kumpirmahin ang transaksyon
Suriin ang mga detalye ng transaksyon. Tingnan ang exchange rate at anupamang bayarin upang maiwasan ang mga hindi inaasahan.
5. Hintaying maiproseso ang transaksyon
Makikita mo ang progreso ng transaksyon sa anumang blockchain explorer. Hindi dapat tumagal nang higit sa 10 minuto ang prosesong ito.
Awtomatiko mong matatanggap ang mga na-swap na token sa wallet mo kapag naiproseso na ang transaksyon.
Mga karaniwang itanong
Puwede ko bang i-swap ang ETH sa BTC mula sa aking wallet?
Hindi, puwede ka lang mag-swap ng mga token na native sa Ethereum network, tulad ng ETH, mga ERC-20 token o NFTs. Puwede ka lang mag-swap ng mga "wrapped" na anyo ng Bitcoin na matatagpuan sa Ethereum.
Ano ang slippage?
Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng inaasahang exchange rate at aktwal na rate.