Paano maidurugtong ang tokens sa layer 2
Kapag maraming trapiko sa Ethereum, maaaring maging mahal ito. Ang isang solusyon dito ay gumawa ng mga bagong "layer": ibig sabihin, iba't ibang network na tumatakbo katulad mismo ng Ethereum. Ang mga Layer 2 na ito ay tumutulong na bawasan ang congestion at gastos sa Ethereum sa pamamagitan ng pagpoproseso ng mas maraming transaksyon sa mas murang bayarin, at paminsan-minsan lang na pag-store ng resulta ng mga ito sa Ethereum. Sa ganitong paraan, nabibigyang-daan tayo ng mga layer 2 na magsagawa ng transaksyon nang mas mabilis at mas mura. Maraming sikat na crypto project ang lumilipat sa mga layer 2 dahil sa mga benepisyong ito. Ang pinakasimpleng paraan upang ilipat ang mga token sa layer 2 mula sa Ethereum ay gumamit ng bridge.
Kinakailangan:
- magkaroon ng crypto wallet, puwede mong sundin ang tutorial na ito: Paano: "Magparehistro" ng Ethereum account
- magdagdag ng pondo sa iyong wallet
1. Tukuyin kung aling layer 2 network ang nais mong gamitin
Maaari kang magbasa pa tungkol sa iba't ibang proyekto at mahahalagang link sa aming page para sa layer 2.
2. Pumunta sa napiling bridge
Ang ilang kilalang layer 2 ay:
- Arbitrum bridge(opens in a new tab)
- Optimism bridge(opens in a new tab)
- Boba network bridge(opens in a new tab)
3. Kumonekta sa bridge gamit ang iyong wallet
Siguraduhing konektado ang wallet mo sa Ethereum Mainnet network. Kung hindi, awtomatiko kang ipa-prompt ng website na lumipat ng network.
4. Tukuyin ang halaga at ilipat ang pondo
Tingnan ang halagang makukuha sa layer 2 network at ang bayarin upang maiwasan ang hindi inaasahan.
5. Kumpirmahin ang transaksyon sa iyong wallet
Kailangan mong magbayad ng ETH para sa pagpoproseso ng transaksyon.
6. Maghintay na ilipat ang iyong mga pondo
Hindi dapat tumagal nang higit sa 10 minuto ang prosesong ito.
7. Idagdag ang piniling layer 2 network sa iyong wallet (opsyonal)
Maaari kang gumamit ng chainlist.org(opens in a new tab) upang makita ang detalye ng RPC ng network. Kapag naidagdag na ang network at natapos na ang transaksyon, makikita mo na ang mga token sa iyong wallet.
Mga karaniwang itanong
Paano kung may pondo ako sa isang exchange?
Maaari mong i-withdraw ang ilang layer 2 nang direkta sa isang exchange. Tingnan ang seksyong βLumipat sa layer 2β sa aming page na Layer 2 para sa iba pang impormasyon.
Puwede ba akong bumalik sa Ethereum mainnet kapag na-bridge ko na ang mga token ko sa L2?
Oo, puwede mong ibalik ang iyong mga pondo sa mainnet anumang oras gamit ang parehong bridge.