Lumaktaw sa main content

Huling na-update ang page: Oktubre 28, 2024

Paano gumamit ng wallet

Alamin kung paano gamitin ang lahat ng pangunahing function ng isang wallet. Kung wala ka pang wallet, tingnan ang aming Paano: gumawa ng Ethereum account.

Buksan ang iyong wallet

May makikita kang dashboard na magpapakita ng iyong balanse at may mga button para magpadala at tumanggap ng mga token.

Tumanggap ng cryptocurrency

Gusto mo bang tumanggap ng crypto sa iyong wallet?

Ang bawat Ethereum account ay may sariling address para sa pagtanggap na binubuo ng natatanging sequence ng mga numero at titik. Ang address ay parang bank account number. Palaging nagsisimula ang mga Ethereum address sa "0x". Maaari mong ibahagi ang address na ito sa sinuman: ligtas itong gawin.

Ang iyong address ay parang address ng iyong tahanan: kailangan mo itong sabihin sa mga tao para mahanap ka nila. Ligtas itong gawin, dahil puwede mo pa ring i-lock ang pinto mo gamit ang ibang susi na ikaw lang ang may hawak, kaya walang makakapasok kahit alam nila kung saan ka nakatira.

Kailangan mong ibigay ang iyong public address sa sinumang nagnanais na padalhan ka ng pera. Pinapayagan ka ng maraming wallet app na kopyahin ang iyong address o magpakita ng QR code na isa-scan para mas madaling gamitin. Iwasang mano-manong i-type ang anumang Ethereum address. Maaaring magkamali sa pag-type nito at maaaring mawalan ng pondo dahil dito.

Magkakaiba ang iba't ibang app o gumagamit ang mga ito ng iba't ibang language, pero magkakatulad ang proseso na ipapagawa ng mga ito sa iyo kung sinusubukan mong mag-transfer ng mga pondo.

  1. Buksan ang iyong wallet app.
  2. I-click ang "Tumanggap" (o anumang katulad na opsyon).
  3. Kopyahin ang Ethereum address mo sa clipboard.
  4. Ibigay sa sender ang iyong receiving Ethereum address.

Magpadala ng cryptocurrency

Gusto mo bang magpadala ng ETH sa ibang wallet?

  1. Buksan ang iyong wallet app.
  2. Kunin ang receiving address at siguraduhing nakakonekta ka sa network kung saan nakakonekta ang recipient.
  3. Ilagay ang receiving address o i-scan ang QR code gamit ang camera mo para hindi mo na kailangang isulat ang address.
  4. Mag-click sa button na “Magpadala” sa iyong wallet (o katulad na alternatibo).

Send field para sa crypto address


  1. Maraming asset, tulad ng DAI o USDC, ang nasa maraming network. Kapag nagta-transfer ng mga crypto token, tiyaking magkapareho kayo ng ginagamit na network ng recipient, dahil hindi ito interchangeable.
  2. Siguraduhing may sapat na ETH ang wallet mo para mabayaran ang bayarin sa transaksyon, nag nag-iiba depende sa mga kundisyon ng network. Awtomatikong idaragdag ng karamihan sa mga wallet ang iminumungkahing bayarin sa transakyon na maaari mong kumpirmahin.
  3. Kapag naiproseso na ang iyong transaksyon, makikita ang kaukulang halaga ng crypto sa account ng recipient. Maaari itong tumagal nang ilang segundo hanggang ilang minuto, depende sa dami ng gumagamit ng network sa kasalukuyan.

Pagkonekta sa mga proyekto

Hindi magbabago ang iyong address sa lahat ng Ethereum project. Hindi mo kailangang magparehistro nang hiwalay sa anumang proyekto. Kapag may wallet ka na, maaari kang kumonekta sa anumang Ethereum project nang walang anumang karagdagang impormasyon. Hindi kailangan ng anumang email o anupamang personal na impormasyon.

  1. Bisitahin ang website ng anumang proyekto.
  2. Kung ang landing page ng proyekto ay isang static na paglalarawan lang ng proyekto, may maki-click ka dapat na button na "Buksan ang App" sa menu na magdadala sa iyo sa aktwal na web app.
  3. Kapag nasa app ka na, i-click ang “Kumonekta”

Button na nagbibigay-daan sa user na kumonekta sa website gamit ang wallet

  1. Piliin ang iyong wallet mula sa listahan ng mga ibinigay na opsyon. Kung hindi mo makita ang wallet mo, maaaring nakatago ito sa ilalim ng opsyong “WalletConnect”.

Pagpili mula sa listahan ng mga wallet kung saan kokonekta

  1. Kumpirmahin ang kahilingan sa signature sa iyong wallet para maitakda ang koneksyon. Hindi dapat gumastos ng anumang ETH para i-sign ang mensaheng ito.
  2. Tapos na! Simulan nang gamitin ang app. Makakakita ka ng mga kawili-wiling proyekto sa aming dApps page.
Gusto mong magbasa pa?
Tingnan ang iba pa naming gabay

Mga karaniwang itanong

Kung nagmamay-ari ako ng ETH address, pagmamay-ari ko rin ba ang address na ito sa iba pang blockchain?

Magagamit mo ang parehong address sa lahat ng EVM compatible blockchain (kung mayroon kang wallet na may recovery phrase). Ipapakita sa iyo ng listahang ito(opens in a new tab) kung aling mga blockchain ang maaari mong gamitin sa parehong address. Ang ilang blockchain, tulad ng Bitcoin, ay nagpapatupad ng ganap na naiibang set ng mga panuntunan ng network at kakailanganin mo ng ibang address na may ibang format. Kung mayroon kang smart contract wallet, dapat mong tingnan ang product website nito para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung aling mga blockchain ang sinusuportahan.

Puwede ko bang gamitin ang parehong address sa maraming device?

Oo, puwede mong gamitin ang parehong address sa maraming device. Sa teknikal na aspeto, ang mga wallet ay interface lamang na nagpapakita ng iyong balanse at ginagamit para sa mga transaksyon, hindi naka-store ang iyong account sa loob ng wallet, kundi sa blockchain.

Hindi ko pa natanggap ang crypto, saan ko makikita ang status ng transaksyon?

Maaari kang gumamit ng mga block explorer upang makita ang status ng anumang transaksyon nang real time. Kailangan mo lang hanapin ang iyong wallet address o ang ID ng transaksyon.

Puwede ko bang kanselahin o ibalik ang mga transaksyon?

Hindi, kapag nakumpirma na ang transaksyon, hindi mo na ito makakansela.

Nakatulong ba ang artikulong ito?