Lumaktaw sa main content

Mga decentralized na social network

  • Mga blockchain-based na platform para sa social interaction, at paggawa at pamamahagi ng content.
  • Pinoprotektahan ng mga decentralized social media network ang privacy ng user at pinapaigting ng mga ito ang seguridad ng data.
  • Gumagawa ng mga bagong paraan ang mga token at NFT upang pagkakitaan ang content.

Malaki ang papel na ginagampanan ng mga social network sa ating pang-araw-araw na komunikasyon at pakikipag-ugnayan. Ngunit, ang centralized na kontrol ng mga platform na ito ay nagdulot ng maraming problema: ang mga data breach, mga pagbagsak ng server, pagtanggal sa platform, censorship, at mga pag-aabuso sa privacy ang ilan sa mga trade-off na kadalasang resulta sa social media. Upang labanan ang mga isyung ito, gumagawa ang mga developer ng mga social network sa Ethereum. Maaayos ng mga decentralized social network ang marami as mga problema ng tradisyonal na social networking platform at mapapaganda ng mga ito ang karanasan ng mga user sa pangkalahatan.

Ano ang mga decentralized social network?

Ang mga decentralized social network ay mga blockchain-based platform na nagpapahintulot sa mga user na makipagpalitan ng impormasyon, pati na rin mag-publish at mamahagi ng content sa mga audience. Dahil tumatakbo sa blockchain ang mga application na ito, may kakayahan ang mga itong maging decentralized at maiiwasan ng mga ito ang censorship at hindi makatuwirang pagkontrol.

Maraming decentralized social network ang nagsisilbing mga alternatibo sa mga kilala nang social media service tulad ng Facebook, LinkedIn, Twitter, at Medium. Ngunit may ilang feature ang mga blockchain-powered social network na nagpapalamang sa mga ito sa mga tradisyonal na social platform.

Paano gumagana ang mga decentralized social network?

Ang mga decentralized social network ay uri ng mga decentralized application (dapps) — mga application na pinapagana ng mga smart contract na dineploy sa blockchain. Ang contract code ay nagsisilbing backend para sa mga app na ito at nagtatakda ng business logic ng mga ito.

Umaasa ang mga tradisyonal na social media platform sa mga database upang mag-store ng impormasyon ng user, program code, at iba pang uri ng data. Ngunit gumagawa ito ng single point-of-failure at nagdudulot ng matinding panganib. Halimbawa, ilang oras na naging offline(opens in a new tab) ang mga server ng Facebook noong nakaraang taon, na naging dahilan upang hindi mapuntahan ng mga user ang platform.

Nasa peer-to-peer network ang mga decentralized social network na binubuo ng libo-libong node sa iba't ibang bahagi ng mundo. Kahit magkaproblema ang ilang node, hindi maaantala ang network, kaya hindi papalya at hihinto ang mga application.

Sa paggamit ng mga decentralized storage system tulad ng InterPlanetary File System (IPFS)(opens in a new tab), mapoprotektahan ng mga social network na ginawa sa Ethereum ang impormasyon ng user mula sa pang-aabuso at mapaminsalang paggamit. Hindi ibebenta ng kahit sino ang iyong personal na impormasyon sa mga advertiser, at hindi rin mananakaw ng mga hacker ang mga kumpidensyal mong detalye.

Maraming blockchain-based social platform na may mga native token na nagpapatakbo ng monetization kapag walang kita mula sa advertising. Maaaring bilhin ng mga user ang mga token na ito para ma-access ang ilang partikular na feature, magsagawa ng mga in-app na pagbili, o bigyan ng tip ang mga paborito nilang content creator.

Mga benepisyo ng mga decentralized social network

  1. Hindi nase-censor at bukas sa lahat ang mga decentralized social network. Ibig sabihin nito, hindi puwedeng i-ban, tanggalin sa platform, o limitahan ang mga user nang walang maayos na dahilan.

  2. Ibinatay ang mga decentralized social network sa mga open-source ideal at ginagawa nitong available para masiyasat ng publiko ang source code. Sa pamamagitan ng pag-aalis ng pagpapatupad ng mga malabong algrithm na pangkaraniwan sa tradisyonal na social media, maiaayon ng mga blockchain-based social network ang mgaa interes ng mga user at mga creator sa platform.

  3. Inaalis ng mga decentralized social network ang "middle-man". Ang mga content creator ang direktang nagmamay-ari sa kanilang content, at direkta silang nakikipag-ugnayan sa mga follower, fan, buyer, at iba pang partido, gamit lang ang smart contract.

  4. Bilang mga decentralized application (dapps) na tumatakbo sa Ethereum network, na itinataguyod ng pandaigdigan at peer-to-peer na network ng mga node, maliit ang posibilidad na makaranas ng downtime at paghinto ng server ang mga decentralized social network.

  5. Nagbibigay ang mga decentralized social platform ng mas magandang framework ng monetization para sa mga content creator sa pamamagitan ng mga non-fungible token (NFTs), mga in-app na pagbabayad ng crypto, at iba pa.

  6. Sa mga decentralized social network, mataas na antas ng privacy at anonymity ang nakukuha ng mga user. Halimbawa, maaaring mag-sign in ang isang indibidwal sa isang Ethereum-based social network gamit ang ENS profile o wallet—nang hindi kinakailangang magbahagi ng personally identifiable information (PII), tulad ng pangalan, email address, at iba pa.

  7. Umaasa ang mga decentralized social network sa decentralized storage, at hindi sa mga centralized database, na maituturing na mas mainam para sa pag-iingat sa data ng user.

Mga decentralized social network sa Ethereum

Ang Ethereum network na ang pinipiling tool ng mga developer na gumagawa ng decentralized social media dahil sa kasikatan ng mga token nito (ERC-20/ERC-721) at sa malaking bilang ng mga user nito. Narito ang ilang halimbawa ng mga Ethereum-based social network:

Peepeth

Ang Peepeth(opens in a new tab) ay isang microblogging platform na katulad ng Twitter. Tumatakbo ito sa Ethereum blockchain at gumagamit ito ng IPFS para mag-store ng data ng user.

Puwedeng magpadala ang mga user ng maiikling mensahe na tinatawag na "Peeps," na hindi made-delete o mababago. Maaari kang kumuha ng mga tip o magbigay ng tip sa kahit sino sa platform sa ether (ETH) nang hindi umaalis sa app.

Mirror

Ang Mirror(opens in a new tab) ay isang web3-enabled writing platform na may layuning maging decentralized at pagmamay-ari ng mga user. Ang mga user ay maaaring magbasa at magsulat nang libre sa Mirror sa pamamagitan lang ng pagkonekta ng kanilang mga wallet. Maaari ding mangolekta ng mga sulatin ang mga user at mag-subscribe sa mga paborito nilang manunulat.

Ang mga post na nailathala sa Mirror ay permanenteng iso-store sa Arweave, isang decentralized storage platform, at maaaring i-mint bilang mga collectable na non-fungible token (NFTs) na tinatawag na Writing NFTs. Ganap na libre para sa mga manunulat ang paggawa ng Writing NFTs, at nangyayari ang pagkolekta sa isang Ethereum L2 — kung kaya, mura, mabilis, at environmentally friendly ang mga transaksyon.

MINDS

Ang MINDS(opens in a new tab) ay isa sa mga pinakaginagamit na decentralized social network. Gumagana ito tulad ng Facebook at mayroon na itong milyong-milyong user.

Ginagamit ng mga user ang native ERC-20 token na $MIND ng platform para bayaran ang mga item. Maaari ding kumita ang mga user ng mga $MIND token sa pamamagitan ng paglalathala ng sikat na content, pag-contribute sa ecosystem, at pag-refer ng iba sa platform.

Mga Web2 social network sa Ethereum

Hindi lang ang mga native social platform sa Web3 ang sumusubok na i-incorporate ang blockchain technology sa social media. Pinaplano rin ng maraming centralized platform na i-integrate ang Ethereum sa kani-kanilang infrastructure:

Reddit

Mayroon ang Reddit ng touted Community Points(opens in a new tab), na mga ERC-20 token makukuha ng mga user sa pamamagitan ng pag-post ng de-kalidad na content at pag-contribute sa mga online na komunidad (mga subreddit). Mare-redeem mo ang mga token na ito sa isang subreddit upang makakuha ng mga eksklusibong pribilehiyo at benepisyo(opens in a new tab). Para sa proyektong ito, nakikipagtulungan ang Reddit sa Arbitrum, na isang layer 2 rollup na idinisenyo para sukatin ang mga transaksyon sa Ethereum.

Live na ang programa, at nagpapatakbo ang subreddit na r/CryptoCurrency ng bersyon nito ng Community Points na tinatawag na "Moons"(opens in a new tab). Ayon sa opisyal na paglalarawan, "ginagantimpalaan ng Moons ang mga poster, commenter, at moderator para sa kanilang mga kontribusyon sa subreddit." Dahil ang mga token na ito ay nasa blockchain (natatanggap ng mga user ang mga ito sa kanilang mga wallet), hiwalay ang mga ito sa Reddit at hindi maaaring kunin.

Matapos ang beta phase sa Rinkeby testnet, nasa Arbitrum Nova(opens in a new tab) na ngayon ang Community Points sa Reddit, na isang blockchain na pinagsasama ang mga property ng sidechain at optimistic rollup. Maliban sa paggamit ng Community Points para makuha ang mga espesyal na feature, maaari ding i-trade ng mga user sa fiat sa mga exchange. Gayudin, ang dami ng Community Points na pagmamay-ari ng isang user ang nagtatakda ng kanyang impluwensya sa proseso ng pagpapasya sa loob ng komunidad.

Twitter

Noong Enero 2021, inilunsad ng Twitter Blue ang suporta para sa mga non-fungible token (NFTs)(opens in a new tab), na nagpapahintulot sa mga users na ikonekta ang kanilang mga wallet at ipakita ang NFTs bilang profile picture. Habang isinusulat ito, nag-anunsyo rin ng mga plano(opens in a new tab) ang social media company na gumawa ng decentralized social network sa hinaharap.

Instagram

Noong Mayo 2022, inanunsyo ng Instagram ang suporta para sa NFTs sa Ethereum at Polygon(opens in a new tab). Direktang mapo-post ng mga user ang NFTs sa Instagram sa pamamagitan ng pagkonekta ng kanilang Ethereum wallet.

Gumamit ng mga decentralized social network

Karagdagang pagbabasa

Mga Artikulo

Videos

Mga Komunidad

Nakatulong ba ang page na ito?