Lumaktaw sa main content

Paano i-stake ang iyong ETH

Magkaroon ng mga reward habang sine-secure ang Ethereum

Ang sinumang user na may anumang halaga ng ETH ay maaaring makatulong na maging ligtas ang network at makakuha ng mga reward sa proseso.

Larawan ng Rhino mascot para sa staking launchpad.
34,322,647
Kabuuang halaga ng ETH na na-stake
1,072,371
Kabuuang bilang ng mga validator
3.3%
Kasalukuyang APR

Ano ang staking?

Ang pagpupusta ay ang pagdedeposito ng 32 ETH para ma-activate ang na software. Bilang validator, ikaw ang responsable sa pag-iimbak ng data, pagpoproseso ng mga transaksyon, at pagdaragdag ng bagong sa blockchain. Papanatilihin nitong ligtas ang Ethereum para sa lahat at kikita ka ng bagong ETH sa proseso.

Bakit dapat i-stake ang iyong ETH?

Kumita ng mga reward

Ibibigay ang mga reward para sa mga pagkilos na tumutulong sa network na maabot ang . Makakakuha ka ng mga reward para sa pagpapatakbo ng software na maayos na nagpapangkat ng mga transaksyon sa mga bagong block at sinusuri ang trabaho ng ibang validator dahil iyon ang nagpapanatili sa chain na tumakbo ng ligtas.

Mas mahusay na seguridad

Lalong lumalakas ang network laban sa mga pag-atake dahil mas maraming ETH ang nakapusta, dahil nangangailangan ito ng mas maraming ETH upang makontrol ang karamihan sa network. Upang maging isang banta, kakailanganin mong pangasiwaan ang karamihan sa mga validator, na nangangahulugang kailangan mong kontrolin ang karamihan ng ETH sa system–marami iyon!

Mas napapanatili

Hindi kailangang gumawa ng mga staker ng mga energy-intensive computation para sa patunay ng gawain para lumahok sa pag-secure sa network. Ibig sabihin nito, mapapatakbo ang mga staking node sa simpleng hardware na napakakaunti lang ang kinokonsumong enerhiya.

Iba pang detalye tungkol sa pagkonsumo ng enerhiya ng Ethereum

Paano i-stake ang iyong ETH

Nakadepende ito sa kung gaano kalaki ang kaya mong i-stake. Kailangan mo ng 32 ETH upang i-activate ang sarili mong validator, pero posible ring mag-stake ng mas kaunti dito.

Tingnan ang mga opsyon sa ibaba at piliin ang pinakamainam para sa iyo, at para sa network.

Solo home staking

Pinakamabisa

Ganap na kontrol

Kumpletong reward

Hindi Kailangang Umasa sa Third Party

Ang solo staking sa Ethereum ang pinakamainam na sitwasyon para sa staking. Ibinibigay nito ang kumpletong reward para sa pakikilahok, pinapaganda nito ang decentralization ng network, at hinding-hindi nito hihilinging ipaubaya sa iba ang pondo mo.

Ang mga nagpaplanong mag-solo staking ay dapat mayroong hindi bababa sa 32 ETH at nakalaang computer na nakakonekta sa internet ~24/7. Makakatulong kung may kaunting teknikal na kaalaman, pero mayroon nang mga madaling gamiting tool para tumulong na pasimplehin ang prosesong ito.

Home stakers can pool their funds with others, or go solo with at least 32 ETH. Liquid staking token solutions can be used to maintain access to DeFi.

Iba pang detalye tungkol sa solo staking

Staking bilang serbisyo

Ang Iyong 32 ETH

Ang mga key ng iyong validator

Ipinagkatiwalang operasyon ng node

Kung ayaw mo o hindi ka kumportableng mangasiwa ng hardware pero gusto mo pa ring i-stake ang iyong 32 ETH, binibigyang-daan ka ng mga opsyon sa staking-as-a-service na italaga ang mahirap na trabaho habang nakakakuha ka ng mga native na block reward.

Kadalasang ginagabayan ka ng mga opsyong ito sa paggawa ng set ng mga kredensyal ng validator, pag-upload ng iyong mga signing key sa mga ito, at pagdedeposito ng iyong 32 ETH. Binibigyang-daan nito ang serbisyo na mag-validate para sa iyo.

Sa paraang ito ng staking, kailangang magtiwala sa provider. Para malimitahan ang counter-party risk, kadalasang ikaw ang magtatabi ng mga key para ma-withdraw ang iyong ETH.

Pooled staking

Mag-stake ng kahit anong halaga

Kumita ng mga gantimpala

Panatilih itong simple

Tinatangkilik

Mayroon na ngayong ilang pooling solution na tutulong sa mga user na wala o hindi kumportableng mag-stake ng 32 ETH.

Kasama sa maraming mga opsyong ito ang tinatawag na 'liquid staking' na nagsasangkot ng liquidity token na kumakatawan sa iyong nakapusta na ETH.

Ang liquid staking ay nagbibigay-daan sa madaling pag-exit kahit anong oras at ginagawang kasing simple ng pagpapalit ng token ang pagpupusta. Ang opsyong ito ay nagbibigay-daan din sa mga gumagamit na pangasiwaan ang kanilang mga ari-arian sa kanilang sariling Ethereum .

Hindi native sa Ethereum network ang pooled staking. Mga third party ang gumagawa ng mga solution na ito, at may kanya-kanyang panganib ang mga ito.

Centralized exchanges

Pinakahindi mabisa

Pinakamatataas na trust assumption

Nagbibigay ang maraming centralized exchange ng mga serbisyo sa staking kung hindi ka pa kumportable sa pagtatabi ng ETH sa sarili mong wallet. Puwedeng gamiting fallback ang ito para kumita ka sa mga hawak mong ETH nang hindi masyadong nakatutok o napapagod.

Ang kapalit nito ay pinagsasama-sama ng mga centralized provider ang malalaking pool ng ETH para magpatakbo ng maraming validator. Ito ay maaaring mapanganib para sa network at sa mga user nito dahil gumagawa ito ng malaki at centralized na target at point of failure, at dahil dito, mas madaling mabibikitma ng mga atake o bug ang network.

Ayos lang kung hindi ka kumportableng pangasiwaan ang sarili mong mga ,. Narito ang mga opsyong ito para sa iyo. Sa ngayon, tingnan ang aming wallets page, kung saan maaari mong simulang alamin kung paano magiging tunay na nagmamay-ari ng iyong mga pondo. Kapag handa ka na, bumalik ka at i-level up ang iyong larong pagpupusta sa pamamagitan ng pagsubok sa isa sa mga serbisyo sa sariling pamamahala sa pinagsama-samang pagpupusta.

Kung napansin mo, maraming paraan para makilahok sa Ethereum staking. Iba't ibang user ang tina-target ng mga paraang ito, at sa pangkalahatan, natatangi ang lahat ng paraan at magkakaiba ang mga panganib, reward, at trust assumption ng mga ito. Mas decentralized, battle-tested at/o mapanganib ang ilan kaysa sa iba. Nagbibigay kami ng kaunting impormasyon sa mga tinatangkilik na page sa space, pero palaging mag-research bago magpadala ng ETH kahit saan.

Paghahambing ng opsyon sa staking

Walang nag-iisang solution na babagay sa lahat pagdating sa staking, at natatangi ang bawat isa sa mga ito. Dito, ihahambing natin ang ilan sa mga panganib, reward, at kahingian ng iba't ibang paraan ng pag-stake.

Solo staking

Mga Reward

  • Maximum rewards - matanggap ang kumpletong reward nang direkta mula sa protocol
  • Makakatanggap ka ng mga reward para sa pag-batch ng mga transaksyon sa isang bagong block o pagsusuri sa gawa ng iba pang validator para panatilihing secure na tumatakbo ang chain
  • Matatanggap mo rin ang mga hindi nagamit na bayarin sa transaksyon para sa mga block na imumungkahi mo

风险

  • Naka-stake ang ETH mo
  • May mga penalty na babayaran gamit ang ETH kapag nag-offline ka
  • Maaaring magresulta ang mapaminsalang kagawian sa 'pag-slash' ng malalaking halaga ng ETH at puwersahang pagtatanggal sa network
  • Minting a liquid staking token will introduce smart contract risk, but this is entirely optional

Mga Kahingian

Iba pang detalye tungkol sa solo staking

Staking bilang serbisyo

Mga Reward

  • Kadalasang makukuha dito ang kumpletong protocol reward nang ibinawas ang buwanang bayarin para sa operasyon ng node
  • Madalas na available ang mga dashboard para madali mong masubaybayan ang iyong validator client

风险

  • Kapareho ng mga panganib ng solo staking, at counter-party risk ng service provider
  • Ipinagkakatiwala ang paggamit ng iyong mga signing key sa ibang taong puwedeng kumilos sa mapaminsalang paraan

Mga Kahingian

  • Magdeposito ng 32 ETH at may gabay na buuin ang iyong mga key
  • I-store nang maayos ang iyong mga key
  • Hindi mo na kailangang problemahin ang iba pa, bagama't mag-iiba-iba ang mga partikular na serbisyo
Iba pang detalye tungkol sa staking as a service

Pooled staking

Mga Reward

  • Iba ang paraan ng pagkakamit ng mga reward ng mga pooled staker, depende sa paraan ng pooled staking na pinili
  • Maraming mga pinagsama-samang serbisyo ng pagpupusta ang nag-aalok ng isa o higit pang na kumakatawan sa iyong nakapusta na ETH kasama ang iyong bahagi sa mga reward ng validator
  • Ang mga liquidity token ay maaaring pangasiwaan sa sarili mong wallet, na ginagamit sa , at ibenta kung magpapasya kang umalis

风险

  • Nag-iiba-iba ang mga panganib depede sa paraang ginamit
  • Sa pangkalahatan, ang mga panganib ay binubuo ng kumbinasyon ng counter-party, at panganib sa pagpapatupad

Mga Kahingian

  • Pinakamababang halaga ng ETH ang kinakailangan, 0.01 ETH lang ang kailangan sa ilang proyekto
  • Direktang magdeposito mula sa iyong wallet sa iba't ibang mga pooled staking platform o i-trade lang para sa isa sa mga staking liquidity token
Iba pang detalye tungkol sa pooled staking

FAQ

Nakatulong ba ang page na ito?