Lumaktaw sa main content

Pooled staking

  • Mag-stake at makakuha ng mga reward sa anumang halaga ng ETH sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba
  • Ipaubaya ang validator sa third party para sa mas madali at simpleng proseso
  • Ilagay ang mga staking token sa sarili mong wallet

Ano ang mga staking pool?

Isang collaborative approach ang mga staking pool para payagan ang maraming may mas maliliit na halaga ng ETH na makuha ang 32 ETH na kailangan para ma-activate ang isang set ng mga key ng validator. Hindi native na sinusuportahan sa protocol ang pooling functionality, kaya hiwalay na gumawa ng mga solution para tugunan ang pangangailangang ito.

May ilang pool na gumagamit ng mga smart contract, kung saan maaaring ideposito ang mga pondo sa isang contract, na namamahala at sumusubaybay sa stake mo nang hindi umaasa sa third party, at nagbibigay sa iyo ng token na kumakatawan sa halagang ito. Maaaring hindi gumagamit ang ibang pool ng mga smart contract at off-chain na lang isinasaayos.

Bakit dapat mag-stake sa isang pool?

Bukod sa mga benepisyo na aming inilahad sa aming panimula sa staking, ang staking sa isang pool ay may iba't ibang natatanging benepisyo.

Madaling makapasok

Not a whale? No problem. Most staking pools let you stake virtually any amount of ETH by joining forces with other stakers, unlike staking solo which requires 32 ETH.

Mag-stake ngayon

Staking with a pool is as easy as a token swap. No need to worry about hardware setup and node maintenance. Pools allow you to deposit your ETH which enables node operators to run validators. Rewards are then distributed to contributors minus a fee for node operations.

Mga Staking token

Many staking pools provide a token that represents a claim on your staked ETH and the rewards it generates. This allows you to make use of your staked ETH, e.g. as collateral in DeFi applications.

Paghahambing sa iba pang mga opsyon

Solo staking

Sa pooled staking, mas madaling sumali kaysa sa solo staking, pero may kaakibat itong karagdagang panganib dahil ibinibigay ang lahat ng gawain sa third party, at magbabayad ka pa. Sa solo staking, ganap ang sovereignty at kontrol sa mga desisyon sa pagpili ng staking setup. Hindi kailangang ipaubaya ng mga staker ang kanilang mga key sa iba, at makakakuha sila ng mga kumpletong reward nang walang anumang middleman na makikihati.

Magbasa pa tungkol sa solo staking

Staking as a service (SaaS)

Msasabing magkatulad ang mga ito dahil hindi ang mga staker ang mismong nagpapatakbo ng mga validator software, pero hindi tulad ng mga opsyon sa pooling, kailangan ng SaaS ang kumpletong deposito ng 32 ETH para mag-activate ng validator. Sa staker mapupunta ang mga reward, at karaniwang may bayarin kada buwan o ibang stake para magamit ang serbisyo. Kung gusto mo ng sarili mong mga key ng validator at pinaplano mong mag-stake ng hindi bababa sa 32 ETH, maaaring magandang opsyon para sa iyo ang paggamit ng SaaS provider.

Magbasa pa tungkol sa staking as a service

Ano ang dapat isaalang-alang

Ang pooled o delegated staking ay hindi native na sinusuportahan ng Ethereum protocol, ngunit dahil sa demand ng mga user na mag-stake ng wala pang 32 ETH, mas maraming solution ang binuo upang punan ang demand na ito.

Ang bawat tool at ang mga tool o smart contract na ginagamit ng mga ito ay ginawa ng iba't ibang team, at may mga benepisyo at panganib ang bawat isa sa mga ito. Binibigyang-daan ng mga pool ang mga user na i-swap ang ETH nila sa token na kumakatawan sa staked ETH. Ang token ay kapaki-pakinabang dahil ito'y binibigyang-daan nito ang mga user na i-swap ang kahit anong halaga ng ETH sa yield-bearing token na may katumbas na halaga na kumikita mula sa mga reward sa staking na inilalapat sa kasalukuyang staked ETH (at vice versa) sa mga decentralized exchange kahit na ang mismong ETH ay mananatiling staked sa consensus layer. Nangangahulugan ito na ang pag-swap sa at mula sa yield-bearing staked-ETH product at "raw ETH" ay mabilis, madali, at hindi lang available sa mga multiple ng 32 ETH.

Gayunpaman, ang mga staked-ETH token na ito ay karaniwang nagdudulot ng mga kagawiang mala-cartel kung saan nakokontrol ng ilang centralized na organisasyon ang malaking halaga ng staked ETH sa halip na sa maraming independiyenteng indibidwal. Dahil dito, nagkakaroon ng sitwasyong nagbibigay-daan sa censorship o pagkuha ng halaga. Sa staking, palaging ang pinakamainam na sitwasyon ay ang mga indibidwal ang nagpapatakbo ng mga validator sa sarili nilang hardware hangga't maaari.

Iba pang detalye tungkol sa mga panganib ng pag-stake ng mga token(opens in a new tab).

Gumagamit ng mga attribute indicator sa ibaba para ipakita ang mga kapansin-pansing kalakasan o kahinaan ng isang nakalistang staking pool. Gamitin ang seksyong ito bilang sanggunian sa kung paano namin tinutukoy ang mga attribute na ito habang pumipili ka ng pool na sasalihan.

  • Buksan ang pinagmulan
  • Sinuri
  • Bug bounty
  • Battle tested
  • Hindi Kailangang Umasa sa Third Party
  • Mga permissionless node
  • Iba't ibang pagsasagawa
  • Consensus diversity
  • Liquidity token

Buksan ang pinagmulan

Ang essential code ay 100% open source at puwedeng i-fork at gamitin ng lahat

Buksan ang pinagmulan

Closed source

Tingnan ang mga staking pool

May iba't ibang opsyon na available upang tulungan ka sa iyong setup. Gamitin ang mga indicator sa itaas para magabayan ka sa mga tool sa ibaba.

Ang mga Produkto at Serbisyong nakalista ay para sa kaginhawahan ng komunidad ng Ethereum. Ang pagsasama ng isang produkto o serbisyo ay hindi nangangahulugang ineendorso ito ng team ng ethereum.org website, o ng Ethereum Foundation.

Tandaan ang kahalagahan ng pagpili ng serbisyo na seryoso sa client diversity, dahil pinapaigting nito ang seguridad ng network, at nililimitahan nito ang iyong panganib. Matutukoy ang mga serbisyo na may patunay ng paglilimita ng pangunahing paggamit ng kliyente sa pamamagitan ng "execution client diversity" at "consensus client diversity."

May mungkahi para sa staking tool na hindi namin nabanggit? Tingnan ang aming patakaran sa product listing para malaman kung ito ay angkop, at isumite ito para masuri.

Mga karaniwang itanong

Karagdagang pagbabasa

Nakatulong ba ang page na ito?