Lumaktaw sa pangunahing content

Mga decentralized autonomous organization (mga DAO)

  • Mga komunidad na pag-aari ng mga miyembro na walang sentralisadong pamumuno.
  • Isang ligtas na paraan upang makipagtulungan sa mga hindi kakilala sa internet.
  • Isang ligtas na lugar upang magbigay ng pondo sa partikular na layunin.

Ano ang mga DAO?

Ang DAO ay isang organisasyong pag-aari ng sama-sama na nagtatrabaho patungo sa pinagsamang misyon.

Ang mga DAO ay nagbibigay-daan sa atin na makipagtulungan sa mga taong may kaparehong pananaw sa buong mundo nang hindi umaasa sa isang mapagkawanggawang lider upang pamahalaan ang mga pondo o operasyon. Walang CEO na maaaring gumastos ng pondo ng basta-basta o CFO na maaaring mameke. Sa halip, ang mga patakaran na nakabatay sa blockchain na nakapaloob sa code ang nagtatakda kung paano gumagana ang organisasyon at kung paano ginagastos ang mga pondo.

Mayroon silang mga nakareserbang pondo na walang sinuman ang may awtoridad na ma-access nang walang pahintulot ng grupo. Ang mga desisyon ay pinamamahalaan ng mga panukala at pagboto upang matiyak na ang lahat sa organisasyon ay may boses, at ang lahat ay nangyayari nang malinaw .

Bakit kailangan natin ang mga DAO?

Ang pagsisimula ng isang organisasyon kasama ang iba na may kinalaman sa pondo at pera ay nangangailangan ng malaking tiwala sa mga taong kasama mo sa trabaho. Ngunit mahirap magtiwala sa isa na nakausap mo lang sa internet. Sa mga DAO, hindi mo na kailangang magtiwala sa kahit sino sa grupo, kundi sa code lang ng DAO, na 100% na malinaw at mabe-verify ng kahit sino.

Magbubukas ito ng maraming bagong oportunidad para sa pandaigdigang pakikipagtulungan at koordinasyon.

Paghahambing

DAOTradisyonal na organisasyon
Karaniwang pantay, at ganap na demokratiko.Karaniwang may hirarkiya.
Kailangang magbotohan ang mga miyembro upang maipatupad ang anumang pagbabago.Depende sa estruktura, maaaring hilingin ang mga pagbabago mula sa iisang panig, o maaaring magkaroon ng botohan.
Bibilangin ang mga boto, at awtomatikong ipapatupad ang resulta nang walang pinagkakatiwalaang tagapamagitan.Kung pinapayagan ang pagboto, bibilangin ang mga boto sa loob, at ang resulta ng pagboto ay dapat pangasiwaan nang manu-mano.
Ang mga serbisyong inaalok ay awtomatikong pinangangasiwaan sa decentralized na paraan (halimbawa, pamamahagi ng mga pondong pang-donasyon).Kailangang pangasiwaan ng tao, o sentral na kinokontrol na awtomasyon, na madaling manipulahin.
Malinaw at ganap na pampubliko ang lahat ng aktibidad.Karaniwang pribado at hindi ipinapakita sa publiko ang aktibidad.

Mga halimbawa ng DAO

Upang mas maging malinaw ito, narito ang ilang halimbawa kung paano mo magagamit ang isang DAO:

  • Charity –maaari kang tumanggap ng mga donasyon mula sa sinuman sa mundo at bumoto kung aling mga layunin ang popondohan.
  • Sama-samang pagmamay-ari – maaari kang bumili ng pisikal o digital na mga asset at ang mga miyembro ay maaaring bumoto kung paano ito gagamitin.
  • Mga negosyo at pondo –maaari kang lumikha ng pondo sa negosyo na nag-iipon ng kapital ng pamumuhunan at bumoto sa mga negosyong susuportahan. Ang nabayarang pera ay maaaring muling ipamahagi sa mga miyembro ng DAO.

Paano gumagana ang mga DAO?

Ang pundasyon ng DAO ay ang nito, na nagtatakda ng mga patakaran ng organisasyon at nangangasiwa ng kaban ng grupo. Kapag aktibo na ang kontrata sa Ethereum, walang sinuman ang makakapagbago ng mga tuntunin maliban sa pamamagitan ng pagboto. Kung may magtatangkang gumawa ng isang bagay na hindi saklaw ng mga tuntunin at programa ng code, hindi ito maisasagawa. At dahil ang kaban ay tinutukoy din ng smart contract, nangangahulugan ito na walang sinuman ang maaaring gumastos ng pera nang walang pahintulot ng grupo. Ibig sabihin nito, hindi nangangailangan ang mga DAO ng isang sentral na awtoridad. Sa halip, ang grupo ay nagdedesisyon nang sama-sama, at ang mga pagbabayad ay awtomatikong pinapahintulutan kapag pumasa ang mga boto.

Posible ito dahil hindi mababago ang mga smart contract kapag live na ang mga ito sa Ethereum. Hindi mo mae-edit nang basta-basta ang code (ang mga panuntunan ng DAO) nang hindi napapansin ng mga tao dahil ang lahat ay pampubliko.

Ethereum at Mga DAO

Ang Ethereum ay ang magandang pundasyon para sa mga DAO para sa ilang kadahilanan:

  • Ang sariling consensus ng Ethereum ay decentralized at sapat na itinatag para magtiwala ang mga organisasyon sa network.
  • Hindi na mababago ang smart contract code kapag live na ito, kahit ng mga may-ari nito. Dahil dito, tumatakbo ang DAO ayon sa mga panuntunang itinakda para dito.
  • Nakakapagpadala/nakakatanggap ng mga pondo ang mga smart contract. Kung wala nito, kakailanganin mo ng mapagkakatiwalaang tagapamagitan para pamahalaan ang pondo ng grupo.
  • Napatunayan na ang komunidad ng Ethereum ay mas nakikipagtulungan kaysa mapagkumpitensya, na nagpapahintulot sa mabilis na paglitaw ng mga pinakamahusay na kasanayan at mga sistema ng suporta.

Pamamahala ng DAO

Maraming dapat isaalang-alang kapag namamahala ng DAO, tulad ng proseso ng pagboto at panukala.

Delegasyon

Ang delegasyon ay tulad ng bersyon ng DAO ng kinatawan ng demokrasya. Ang mga nagmamay-ari ng token ay nagtatalaga ng mga boto sa mga gumagamit na iniaatas sa kanilang sarili at nangako na pangalagaan ang protokol at manatiling may kaalaman.

Isang sikat na halimbawa

ENS(opens in a new tab) – Maaaring italaga ng mga may-ari ng ENS ang kanilang mga boto sa mga aktibong miyembro ng komunidad upang katawanin sila.

Awtomatikong pamamahala ng transaksyon

Sa maraming DAO, ang mga transaksyon ay awtomatikong isasagawa kung ang isang quorum ng mga miyembro ay bumoto ng pabor.

Isang sikat na halimbawa

Nouns(opens in a new tab) – Sa Nouns DAO, ang isang transaksyon ay awtomatikong isinasagawa kung ang korum ng mga boto ay natamo at ang nakararami ay bumoto ng pabor, basta't hindi ito pinagbawalan ng mga nagtatag.

Multisig na pamamahala

Habang ang mga DAO ay maaaring magkaroon ng libu-libong miyembro na bumoboto, ang mga pondo ay maaaring nasa na ibinabahagi ng 5-20 aktibong miyembro ng komunidad na pinagkakatiwalaan at karaniwang binunyag (mga pampublikong pagkakakilanlan na kilala sa komunidad). Matapos ang isang boto, ang mga na pumirma ay isinagawa ang kagustuhan ng komunidad.

Mga batas sa DAO

Noong 1977, nalikha sa Wyoming ang LLC, na nagpoprotekta sa mga negosyante at nagbibigay limitasyon sa kanilang pananagutan. Kamakailan lamang, sila ang nanguna sa batas ng DAO na nagtatatag ng legal na katayuan para sa mga DAO. Sa kasalukuyan, may mga batas sa DAO ang Wyoming, Vermont, at Virgin Islands.

Isang sikat na halimbawa

CityDAO(opens in a new tab) – Ginamit ng CityDAO ang batas sa DAO ng Wyoming para bumili ng 40 ektarya ng lupa malapit sa Yellowstone National Park.

Pagiging miyembro ng DAO

Mayroong iba't ibang mga modelo para sa pagiging miyembro ng DAO. Ang pagiging miyembro ay maaaring magtakda kung paano gumagana ang pagboto at iba pang mahahalagang bahagi ng DAO.

Pagiging miyembro na nakabatay sa token

Karaniwang ganap na , depende sa token na ginamit. Kadalasan, ang mga pamamahal ng token na ito ay maaaring ipagpalit nang walang pahintulot sa isang . Ang iba ay dapat kumita sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity o ilang iba pang 'patunay ng trabaho'. Sa alinmang paraan, ang simpleng paghawak ng token ay nagbibigay ng access sa pagboto.

Karaniwang ginagamit upang pamahalaan ang mga malawak at decentralized na protokol at/o mismong mga token.

Isang sikat na halimbawa

MakerDAO(opens in a new tab) – Ang token ng MakerDAO na MKR ay malawak na makukuha sa mga decentralized na palitan, at sinuman ay maaaring bumili upang magkaroon ng kapangyarihang bumoto sa hinaharap na protokol ng Maker.

Pagiging miyembro na batay sa token

Ang mga DAO na nakabatay sa pagbabahagi ay mas pinahintulutan, ngunit medyo bukas pa rin. Anumang potensyal na miyembro ay maaaring magsumite ng isang panukala upang sumali sa DAO, karaniwang nag-aalok ng parangal na may halaga sa anyo ng mga token o trabaho. Ang mga pagbabahagi ay kumakatawan sa direktang kapangyarihan sa pagboto at pagmamay-ari. Maaaring umalis ang mga miymembro anumang oras kasama ang kanilang karampatang bahagi sa treasury.

Karaniwang ginagamit para sa mas malapit na magkakaugnay, mga organisasyong nakasentro sa tao tulad ng mga charity, samahang manggagawa, at mga investment club. Maaari din nitong pamahalaan ang mga protokol at token.

Isang sikat na halimbawa

MolochDAO(opens in a new tab) – Nakatuon ang MolochDAO sa pagpopondo ng mga proyekto sa Ethereum. Nangangailangan sila ng isang panukala para sa pagiging miyembro upang masuri ng grupo kung mayroon kang kinakailangang kaalaman at kapital upang makagawa ng mga may kaalamang pasya tungkol sa mga potensyal na tatanggap ng pondo. Hindi ka basta makakabili ng access sa DAO sa open market.

Pagiging miyembro na nakabatay sa reputasyon

Ang reputasyon ay kumakatawan sa patunay ng pakikilahok at nagbibigay ng kapangyarihan sa pagboto sa DAO. Hindi tulad ng token o pagiging miyembro na nakabatay sa bahagi, hindi inililipat ng mga nakabatay sa reputasyon ng DAO ang pagmamay-ari sa mga contributor. Ang reputasyon ay hindi mabibili, maililipat, o maitatalaga; ang mga miyembro ng DAO ay dapat makakuha ng reputasyon sa pamamagitan ng pakikilahok. Hindi kailangan ng pahintulot sa on-chain na pagboto at magagawa ng mga nagnanais maging miyembro na magsumite ng mga panukala para makasali sa DAO at humiling na makatanggap ng reputasyon at mga token kapalit ng kanilang mga kontribusyon.

Karaniwang ginagamit para sa decentralized na pagbuo at pamamahala ng mga protokol at , ngunit angkop din para sa iba't ibang uri ng mga organisasyon tulad ng mga charity, sama-samang manggagawa, investment club, at iba pa.

Isang sikat na halimbawa

DXdao(opens in a new tab) – Ang DXdao ay isang pandaigdigang soberanya na sama-samang bumubuo at namamahala ng mga decentralized na protocol at aplikasyon mula pa noong 2019. Ginamit nito ang pamamahala na nakabatay sa reputasyon at upang i-coordinate at pamahalaan ang mga pondo, ibig sabihin walang sinuman ang makakabili ng kanilang paraan upang maimpluwensyahan ang hinaharap o pamamahala nito.

Sumali/magsimula ng DAO

Join a DAO

Magsimula ng DAO

Karagdagang pagbabasa

Mga artikulo ng DAO

Videos

Test your Ethereum knowledge

Nakatulong ba ang pahinang ito?