Ang DeFi ay isang bukas at pandaigdigang sistemang pinansyal na binuo para sa panahon ng internet - isang alternatibo sa isang sistema na mahirap unawain, mahigpit na kontrolado, at pinagbubuklod ng infrastructure at mga prosesong ilang dekada nang ginagamit. Magkakaroon ka ng kontrol at makita mo ang iyong pera. Binibigyan ka nito ng pagkakataong makita ang mga pandaigdigang market at mga alternatibo sa iyong lokal na currency o mga opsyon sa pagbabangko. Binubuksan ng mga produkto ng DeFi ang mga serbisyong pinansyal sa sinumang may koneksyon sa internet at ang karamihan sa mga ito ay pagmamay-ari at pinapanatili ng mga user ng mga ito. Sa ngayon, daan-daang bilyong dolyar ng crypto na ang dumaan sa mga DeFi application at patuloy itong dumarami araw-araw.
Ano ang DeFi?
DeFi ang tawag sa mga produkto at serbisyong pinansyal na maaring gamitin ng sinumang makakagamit ng Ethereum - kahit sinong may koneksyon sa internet. Sa DeFi, laging bukas ang mga market at walang centralized na awtoridad na makakapigil ng mga pagbabayad o hindi magbibigay sa iyo ng access sa kahit ano. Ang mga serbisyong dating mabagal at nanganganib dahil sa human error ay awtomatiko at mas ligtas na ngayon dahil pinapangasiwaan na ang mga ito ng code na masusuri at mabubusisi ng kahit sino.
Lumalaki ang ekonomiya ng crypto, kung saan puwede kang magpautang, manghiram, mag-trade, kumita ng interes, at iba pa. Gumamit ng DeFi ang mga taga-Argentina na marunong sa crypto para takasan ang matinding pagtaas ng presyo. May mga kumpanya nang nagsimulang i-stream kaagad sa kanilang mga empleyado ang kanilang mga suweldo. May ibang nakahiram at nakapagbayad ng mga loan na milyong-milyong dolyar ang halaga nang hindi nangangailangan ng anumang personal na pagkakakilanlan.
DeFi laban sa tradisyonal na pinansyal
Ang isa sa mga pinakamagandang paraan upang makita ang potensyal ng DeFi ay unawain ang mga problemang umiiral ngayon.
- May mga tao na hindi pinagkakalooban ng access para gumawa ng bank account o gumamit ng mga serbisyong pinansyal.
- Ang kakulangan ng access sa mga serbisyong pinansyal ay maaaring nakakahadlang para makahanap ng trabaho ang mga tao.
- Maaaring mapigilan ng mga serbisyong pinansyal na makuha mo ang iyong suweldo.
- Isa sa mga nakatagong singil ng mga serbisyong pinansyal ay ang iyong personal na data.
- Maaaring ipasara ng mga pamahalaan at centralized institution ang mga market kapag gusto nila.
- Ang oras ng pag-trade ay karaniwang limitado sa oras ng negosyo ng partikular na time zone.
- Maaaring maabot nang ilang araw ang mga paglipat ng pera dahil sa mga internal na prosesong ginagawa ng tao.
- May premium ang mga serbisyong pinansyal dahil kailangan ng mga institusyong tagapamagitan ang kanilang parte.
Paghahambing
DeFi | Tradisyonal na pinansya |
---|---|
Hawak mo ang iyong pera. | Ang iyong pera ay hawak ng mga kumpanya. |
Kontrolado mo kung saan mapupunta ang iyong pera at kung paano ito gagastusin. | Kailangan mong magtiwalang hindi papabayaan ng mga kumpanya ang pera mo, tulad ng pagpapahiram nito sa mga hindi mapagkakatiwalaang nangungutang. |
Nangyayari ang mga pag-transfer ng pondo sa loob ng ilang minuto. | Maaaring tumagal nang ilang araw ang mga pagbabayad dahil sa mga manual na proseso. |
Gumagamit ng mga hindi tunay na pangalan sa mga aktibidad sa transaksyon. | Talagang konektado ang pinansyal na aktibidad sa iyong identity. |
Ang DeFi ay bukas para sa lahat. | Kailangan mong mag-apply para magamit ang mga serbisyong pinansyal. |
Ang mga market ay palaging bukas. | Nagsasara ang mga market dahil kailangang magpahinga ng mga empleyado. |
Transparency ang pundasyon nito β puwedeng tingnan ng kahit sino ang data ng produkto at suriin kung paano gumagana ang system. | Ang mga pinansyal na institusyon ay parang mga saradong libro: hindi mo maaaring tingnan ang kanilang kasaysayan ng pautang, record ng mga pinapamahalaan nilang asset, at iba pa. |
Nagsimula ito sa Bitcoin...
Sa maraming paraan, ang Bitcoin ang unang DeFi application. Talagang pinapayagan ka ng Bitcoin na magmay-ari at kontrolin ang halaga nito at ipadala ito kahit saan sa mundo. Ginagawa nito ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng paraan para sa maraming tao, na hindi umaasa sa isa't isa, na sumang-ayon sa isang ledger ng mga account na hindi nangangailangan ng isang pinagkakatiwalaang tagapamagitan. Ang Bitcoin ay bukas sa lahat at walang sinuman ang may awtoridad na baguhin ang mga panuntunan nito. Ang mga panuntunan ng Bitcoin, tulad ng kanyang kakapusan at pagiging bukas, ay nakalagay na sa teknolohiya. Hindi ito katulad ng tradisyonal na pinansyal kung saan maaaring mag-print ang pamahalaan ng pera na nagpapababa sa halaga ng iyong ipon at mga kumpanyang maaaring magpasara ng mga market.
Kaya nabuo ang Ethereum dahil dito. Tulad ng Bitcoin, hindi maaaring magbago ang mga panuntunan sa iyo at sa lahat ng may access. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit programmable ang digital na pera, gamit ang , kung kaya, hindi lang pag-store at pagpapadala ng halaga ang magagawa mo.
Programmable na pera
Medyo kakaiba itong pakinggan... "bakit ko gugustuhing i-program ang pera ko"? Gayunpaman, isa itong default na feature ng mga token sa Ethereum. Kahit sino ay maaaring mag-program ng logic sa mga pagbabayad. Kaya makukuha mo ang kontrol at seguridad ng Bitcoin pati ang mga serbisyong ibinibigay ng mga pinansyal na institusyon. Dahil dito, magagawa mo sa mga cryptocurrency ang mga bagay na hindi mo magagawa sa Bitcoin, tulad ng pagpapautang at panghihiram, pag-i-schedule ng mga pagbabayad, pag-invest sa mga index fund at iba pa.
Ano ang magagawa mo sa DeFi?
May decentralized na alternatibo sa karamihan sa mga serbisyong pinansyal. Ngunit nagbibigay din ang Ethereum ng pagkakataon para gumawa ng mga talagang bagong pinansyal na produkto. Lumalago ang listahang ito.
- Magpadala ng pera sa iba't ibang bahagi ng mundo
- Mag-stream ng pera sa iba't ibang bahagi ng mundo
- Ma-access ang mga stable na currency
- Humiram ng pondo na may collateral
- Humiram nang walang collateral
- Simulan ang pag-iipon ng crypto
- Mag-trade ng mga token
- Palaguin ang iyong portfolio
- Pondohan ang iyong mga ideya
- Bumili ng insurance
- Pamahalaan ang iyong portfolio
Mabilis na magpadala ng pera sa iba't ibang bahagi ng mundo
Bilang isang blockchain, ang Ethereum ay idinisenyo para magpadala ng mga transaksyon sa ligtas at pandaigdigang paraan. Tulad ng Bitcoin, pinapadali ng Ethereum ang pagpapadala ng pera sa iba't ibang bahagi ng mundo, na parang nagpapadala lang ng email. Ilagay lang ang (tulad ng bob.eth) ng recipient mo o ang kanyang account address mula sa iyong wallet at sa loob ng ilang minuto (karaniwan), direkta na niyang matatanggap ang bayad mo. Upang magpadala o tumanggap ng mga pagbabayad, kakailanganin mo ng wallet.
Tingnan ang dapps para sa pagbabayadMag-stream ng pera sa iba't ibang bahagi ng mundo...
Maaari ka ring mag-stream ng pera sa Ethereum. Pinapahintulutan ka nitong bayaran ang suweldo ng isang tao kung sakali, kaya agad niyang makukuha ang kanyang pera sakaling kailanganin niya ito. O magrenta ng isang bagay kung sakali, tulad ng storage locker o electric scooter.
At kung ayaw mong magpadala o mag-stream ng dahil sa pabago-bagong halaga nito, may mga alternatibong currency sa Ethereum: .
Ma-access ang mga stable na currency
Ang volatility ng cryptocurrency ay problema para sa maraming pinansyal na produkto at pangkalahatang paggastos. Inayos ito ng komunidad ng DeFi gamit ang mga stablecoin. Ipinapareho ang halaga ng mga ito sa isa pang asset, na karaniwang mas ginagamit na currency tulad ng dolyar.
Ang mga coin tulad ng Dai o USDC ay may halagang nananatiling malapit sa isang dolyar. Dahil dito, mainam ito para sa pagkakaroon ng kita o retail. Maraming tao sa Latin America ang gumamit ng mga stablecoin bilang paraan para protektahan ang kanilang naipong pera sa panahon ng kawalan ng katiyakan pagdating sa mga currency na mula sa kanilang pamahalaan.
Iba pang detalye tungkol sa mga stablecoinPaghiram
Ang paghiram ng pera mula sa mga decentralized provider ay may dalawang pangunahing uri.
- Kasama sa kasama na nangangahulugang direktang hihiram ang borrower sa isang partikular na lender.
- Pool-based kung saan nagbibigay ng pondo (liquidity) ang mga lender sa isang pool na mahihiraman ng mga borrower.
Maraming benepisyo sa paggamit ng decentralized lender...
Paghiram nang may privacy
Sa kasalukuyan, ang pagpapautang at panghihiram ng pera ay nauugnay sa mga indibidwal na may kinalaman dito. Kailangang malaman ng mga bangko kung mababayaran mo ang loan bago ito magpautang.
Ang decentralized na pagpapautang ay nangyayari nang hindi kinakailangang magpakilala ng kahit aling panig. Sa halip, ang borrower ay dapat maglaan ng collateral na awtomatikong matatanggap ng lender kung sakaling hindi mabayaran ang kanilang loan. May ilang lenders na tumatanggap ng mga bilang collateral. Ang mga NFT ay titulo para sa natatanging asset, tulad ng painting. Iba pang detalye tungkol sa mga NFT
Binibigyang-daan ka nitong humiram ng pera nang walang pagsusuri ng iyong credit o pagbibigay ng pribadong impormasyon.
Access sa pandaigdigang pondo
Kapag gumamit ka ng decentralized lender, may access ka sa pondong idineposito sa iba't ibang bahagi ng mundo, hindi lang sa pondong hawak ng pinili mong bangko o institusyon. Pinapadali nito ang pagkuha ng mga loan at pinapababa nito ang interes.
Tax-efficiencies
Kapag nanghiram, maa-access mo ang pondong kailangan mo nang hindi ibinebenta ang iyong ETH (isang taxable event). Sa halip, maaari mong gamitin ang ETH bilang collateral para sa stablecoin loan. Dahil dito, makukuha mo ang cash-flow na kailangan mo at hindi mawawala sa iyo ang ETH mo. Ang mga stablecoin ay mga token na mas mainam kapag kailangan mo ng cash dahil hindi nagbabago-bago ang halaga ng mga ito gaya ng ETH. Iba pang detalye tungkol sa mga stablecoin.
Mga flash loan
Ang mga flash loan ay mas eksperimental na uri ng decentralized na pagpapautang kung saan puwede kang humiram kahit walang collateral o nang hindi nagbibigay ng anumang personal na impormasyon.
Sa ngayon, hindi pa ito magagamit ng mga hindi maalam sa teknolohiya, pero ipinapahiwatig ng mga ito ang mga posibleng maisagawa ng lahat sa hinaharap.
Gumagana ito kapag inutang ang loan at binayaran ito sa iisang transaksyon. Kung hindi ito mababayaran, bababalik sa dati ang transaksyon na parang walang nangyari.
Ang pondo na kadalasang ginagamit ay nasa mga liquidity pool (malalaking pool ng pondo na ginagamit para sa panghihiram). Kung hindi ginagamit ang mga ito sa ngayon, binibigyan nito ng pagkakataon ang isang tao na hiramin ang pondong ito, magnegosyo gamit ang mga ito, at bayaran ang mga ito nang buo sa halos parehong pagkakataon na hiniram ito.
Ibig sabihin nito, maraming logic na dapat isama sa isang pinasadya na transaksyonn. Ang isang simpleng halimbawa ay ang paggamit ng isang tao ng flash loan para manghiram ng maraming asset sa isang presyo upang maibenta ito sa ibang exchange kung saan mas mataas ang presyo.
Kung kaya, sa iisang transaksyon, ganito ang nangyayari:
- Humiram ka ng halagang X ng $asset sa halagang $1.00 mula sa exchange A
- Ibinenta mo ang X na $asset sa exchange B sa halagang $1.10
- Binayaran mo ang loan sa exchange A
- Makukuha mo ang kita maliban sa bayarin sa transaksyon
Kung biglang bumaba ang supply ng exchange B at kulang ang binili ng user para sapatan ang orihinal na loan, hindi maisasagawa ang transaksyon.
Para magawa ang halimbawa sa itaas sa tradisyonal na mundo ng pinansyal, kakailanganin mo ng napakalaking halaga ng pera. Ang mga may pera lang ang makakagamit ng mga pamamaraang ito ng pagkakapera. Ang mga flash loan ay halimbawa ng hinaharap kung saan hindi kailangang magkaroon ng pera para kumita ng pera.
Iba pang detalye tungkol sa mga flash loanMagsimulang mag-ipon gamit ang crypto
Pagpapautang
Maaari kang kumita ng interes sa iyong crypto sa pamamagitan ng pagpapautang nito at subaybayan ang paglago kaagad ng iyong pondo. Sa ngayon, mas mataas ang interes kaysa sa karaniwang makukuha mo sa iyong lokal na bangko (kung susuwertihin kang magkaroon ng access sa isang bangko). Narito ang isang halimbawa:
- Ipapautang mo ang iyong 100 Dai, isang stablecoin, sa isang produkto gaya ng Aave.
- Tatanggap ka ng 100 Aave Dai (aDai) na isang token na kumakatawan sa iyong ipinautang na Dai.
- Ang iyong aDai ay tataas batay sa interes at makikita mo ang paglaki ng iyong balanse sa iyong wallet. Depende sa , maaaring maging 100.1234 ang balanse ng iyong wallet pagkatapos ng ilang araw o kahit ilang oras lang!
- Maaari kang mag-withdraw ng regular na Dai na katumbas ng iyong balanse sa aDai anumang oras.
Mga no-loss lottery
Ang mga no-loss lottery tulad ng PoolTogether ay masaya at bagong paraan upang mag-ipon ng pera.
- Bibili ka ng 100 na ticket gamit ang 100 Dai token.
- Makakatanggap ka ng 100 plDai na kumakatawan sa iyong 100 ticket.
- Kung mananalo ang isa sa mga ticket mo, tataas ang iyong plDai balance ayon sa halaga ng prize pool.
- Kung hindi ka mananalo, maililipat ang iyong 100 plDai sa draw sa susunod na linggo.
- Maaari kang mag-withdraw ng regular na Dai na katumbas ng iyong plDai balance anumang oras.
Ang prize pool ay mula sa lahat ng interes na kinikita mula sa pagpapautang ng mga ticket deposit tulad ng nabanggit sa halimbawa sa pagpapautang sa itaas.
Subukan ang PoolTogetherMag-exchange ng mga token
May libo-libong token sa Ethereum. Sa tulong ng mga decentralized exchange (DEX), magagawa mong i-trade ang iba't ibang token kahit kailan mo gusto. Hinding-hindi mo bibitawan ang pagkontrol sa mga asset mo. Dito, para kang gumagamit ng currency exchange kapag pumunta sa ibang bansa. Ngunit hinding-hindi nagsasara ang bersyong DeFi. Ang mga market ay bukas 24/7, 365 araw kada taon at iginagarantiya ng teknolohiya na palaging may tatanggap ng trade.
Halimbawa, kung nais mong gamitin ang no-loss lottery na PoolTogether (na inilalarawan sa itaas), kakailanganin mo ng token tulad ng Dai o USDC. Ang mga DEX na ito ay nagbibigay-daan sa iyo na i-swap ang iyong ETH sa mga token na iyon at i-swap ito ulit kapag tapos ka na.
Tingnan ang mga token exchangeAdvance na pag-trade
Mayroong mga mas advanced na opsyon para sa mga trader na gusto ng kaunti pang kontrol. Ang mga limit order, perpetual, margin trading, at iba pa ay posibleng gawin. Sa pamamagitan ng Decentralized trading, magkakaroon ka ng access sa global na liquidity, hinding-hindi nagsasara ang market, palagi mong makokontrol ang mga asset mo.
Kapag gumagamit ka ng centralized exchange, dapat mong ideposito ang mga asset mo bago mag-trade at dapat mong ipaubaya sa kanila ang mga ito. Habang nakadeposito ang iyong mga asset, nanganganib ang mga ito dahil mainit sa mata ng mga hacker ang mga centralized exchange.
Tingnan ang mga decentralized application (dapps) para sa tradingPalaguin ang iyong portfolio
May mga produkto para sa pamamahala ng pondo sa Ethereum na susubukang palaguin ang iyong portfolio batay sa estratehiyang iyong pipiliin. Ito ay awtomatiko, bukas sa lahat, at hindi nangangailangan ng manager na makikihati sa iyong kita.
Isang magandang halimbawa ang DeFi Pulse Index fund (DPI)(opens in a new tab). Ito ay isang pondo na awtomatiko na muling gawing balanse upang tiyaking palaging makikita sa portfolio mo ang mga nangungunang DeFi token ayon sa market capitalization. Hindi mo kailangang pamahalaan ang alinman sa mga detalye at puwede kang mag-withdraw sa pondo kung kailan mo gusto.
Tingnan ang mga decentralized application (dapps) para sa investmentPondohan ang iyong mga ideya
Magandang platform ang Ethereum para sa crowdfunding:
- Maaaring manggagaling ang mga potensyal na funder kahit saan β bukas ang Ethereum at ang mga token nito para sa kahit sino at kahit saang sulok ng mundo.
- Transparent ito kaya maipapakita ng mga fundraiser kung magkano na ang naipong pera. At malalaman mo kung saan napupunta o nagagastos ang lahat ng ito.
- Maaaring mag-set up ang mga fundraiser ng mga awtomatikong refund kung, halimbawa, may tiyak na takdang oras at minimum na halaga na hindi natugunan.
Quadratic na pagpopondo
Ang Ethereum ay open source na software at marami sa mga naunang gawain nito ay pinondohan ng komunidad. Dahil dito, nagkaroon ng interesante at bagong fundraising model: ang quadratic na papopondo. This has the potential to improve the way we fund all types of public goods in the future.
Quadratic funding makes sure that the projects that receive the most funding are those with the most unique demand. In other words, projects that stand to improve the lives of the most people. Narito kung paano ito gumagana:
- May matching pool ng mga donasyon.
- Magsisimula ang isang round ng publikong pagpopondo.
- Maaaring ipahiwatig ng mga tao ang kanilang demand para sa isang proyekto sa pamamagitan ng pag-donate ng pera.
- Kapag natapos na ang round, ang matching pool ay ipinapamahagi sa mga proyekto. Ang may pinakakakaibang demand ang makakakuha ng pinakamalaking halaga mula sa matching pool.
Ibig sabihin nito, ang Proyekto A na may 100 na donasyon na nagkakahalaga ng 1 dolyar ay maaaring magkaroon ng mas maraming pondo kaysa sa Proyekto B na may isang donasyon na nagkakahalaga ng 10,000 dolyar (depende sa laki ng matching pool).
Iba pang detalye tungkol sa quadratic na pagpopondoInsurance
Ang decentralized insurance ay may layuning gawing mas abot-kaya, mas pabilisin ang payout, at mas transparent ang insurance. Sa pamamagitan ng higit pang automation, mas abot-kaya ang coverage at mas mabibilis ang pay-out. Ang data na ginagamit upang magpasya sa iyong claim ay ganap na transparent.
Ang mga produkto ng Ethereum, gaya ng anumang software, ay puwedeng magkaroon ng mga bug at puwedeng abusuhin. Kaya sa ngayon, maraming produkto ng insurance ang nakatuon sa pagprotekta sa mga user laban sa pagkawala ng pondo. Gayunpaman, may mga proyekto na nagsisimulang bumuo ng coverage para sa lahat ng puwede nating harapin sa buhay. Isang magandang halimbawa nito ay ang Crop cover ng Etherisc na may layuning protektahan ang maliliit na magsasaka sa Kenya laban sa tagtuyot at pagbaha(opens in a new tab). Ang decentralized insurance ay maaaring magbigay ng mas abot-kayang presyo para sa mga magsasaka na kadalasang hindi kayang magbayad para sa tradisyonal na insurance.
Tingnan ang decentralized application (dapps) para sa insuranceMga aggregator at manager ng portfolio
Sa dami ng mga nangyayari, kakailanganin mo ng paraan upang subaybayan ang lahat ng iyong mga investment, loan, at trade. May iba't ibang produkto na nagbibigay-daan sa iyong i-coordinate ang lahat ng iyong aktibidad sa DeFi mula sa isang lugar. Ito ang kagandahan ng open architecture ng DeFi. Ang mga team ay maaaring bumuo ng mga interface kung saan hindi mo lang makikita ang iyong mga balanse sa iba't ibang produkto, maaari mo ring gamitin ang kanilang mga feature. Maaaring maging kapaki-pakinabang ito para sa iyo habang tinitingnan mo ang iba pang bahagi ng DeFi.
Tingnan ang decentralized application (dapps) para sa portfolioPaano gumagana ang DeFi?
Ang DeFi ay gumagamit ng mga cryptocurrency at smart contract upang magbigay ng mga serbisyong hindi nangangailangan ng mga tagapamagitan. Sa kasalukuyang mundo ng pinansya, ang mga institusyong pinansyal ay nagsisilbing guarantor ng mga transaksyon. Binibigyan nito ang mga institusyong ito ng labis na kapangyarihan dahil dumadaan sa kanila ang pera mo. Dagdag pa rito, bilyon-bilyong tao sa buong mundo ang walang access sa bank account.
Sa DeFi, pinapalitan ng smart contract ang pinansyal na institusyon sa transaksyon. Ang smart contract ay isang uri ng Ethereum account na maaaring humawak ng pondo at ipadala/ibalik ang mga ito batay sa ilang partikular na kundisyon. Walang sinuman ang puwedeng magbago ng smart contract kapag live ito β palagi itong tatakbo ayon sa kung paano ito na-program.
Ang isang kontrata na idinisenyo upang magbigay ng allowance o pocket money ay maaaring i-program na magpadala ng pera sa Account B mula sa Account A tuwing Biyernes. At gagawin lamang nito ito kung may sapat na pondo ang Account A. Walang sinuman ang puwedeng magbago ng kontrata at magdagdag ng Account C bilang recipient upang magnakaw ng pondo.
Ang mga kontrata ay bukas din para tingnan at i-audit ng kahit sino. Ibig sabihin nito, madalas na masisiyasat kaagad ng komunidad ang hindi magagandang kontrata.
Ito ay nangangahulugan na kailangan nating magtiwala sa mga mas teknikal na miyembro ng komunidad ng Ethereum na kayang bumasa ng code. Ang open-source based na komunidad ay tumutulong sa pagbabantay sa mga developer, pero hindi na ito masyadong kakailanganin sa paglipas ng panahon habang nagiging mas madaling basahin ang mga smart contract at gumagawa ng iba pang paraan para patunayan ang pagiging mapagkakatiwalaan ng code.
Ethereum at DeFi
Ang Ethereum ang perpektong pundasyon para sa DeFi dahil sa mga sumusunod:
- Walang nagmamay-ari sa Ethereum o sa mga smart contract na narito β binibigyan nito ang lahat ng pagkakataon na gumamit ng DeFi. Ibig sabihin din nito, walang makakapagbago ng mga panuntunan sa iyo.
- Iisa ang wika na ginagamit ng lahat ng produkto ng DeFi: Ethereum. Ibig sabihin, maayos na magagamit nang sama-sama ang marami sa mga produkto. Magagawa mong magpautang ng mga token sa isang platform at i-exchange ang token na may interes sa ibang market sa isang ganap na ibang application. Dito, para kang nagpapapalit ng loyalty points sa bangko mo.
- Ang mga token at cryptocurrency ay bahagi ng Ethereum, na isang nakabahaging ledger β magaling ang Ethereum sa pagsubaybay sa mga transaksyon at pagmamay-ari.
- Nagbibigay ng ganap na financial freedom ang Ethereum β hinding-hindi hahawakan ng karamihan sa mga produkto ang pondo mo, kaya ikaw talaga ang may kontrol.
Maaaring isipin na may mga layer ang DeFi:
- Ang blockchain β na Ethereum ay naglalaman ng kasaysayan ng mga transaksyon at kalagayan ng mga account.
- Ang mga asset β ETHat iba pang token (mga currency).
- Ang mga protokol β na nagbibigay ng kakayahan, halimbawa, sa isang serbisyong nagpapahintulot ng decentralized na pagpapautang ng mga asset.
- Ang mga application β ang mga produkto na ginagamit natin para pamahalaan at i-access ang mga protokol.
Tandaan: karamihan ng DeFi ay gumagamit ng . Ang mga application sa DeFi ay gumagamit ng wrapper para sa ETH na tinatawag na Wrapped Ether (WETH). Alamin pa ang tungkol sa wrapped ether.
Gumawa ng DeFi
Ang DeFi ay isang open-source movement. Ang mga protokol at application ng DeFi ay bukas para suriin, i-fork, at pagandahin mo. Dahil sa layered stack na ito (gumagamit ang lahat ng ito ng parehong base blockchain at mga asset), ang mga protokol ay maaaring pagsama-samahin upang gumawa ng mga natatanging oportunidad.
Iba pang detalye tungkol sa mga decentralized application (dapps) para sa paggawaKaragdagang pagbabasa
DeFi data
Mga artikulo tungkol sa DeFi
- Gabay para sa mga baguhan sa DeFi(opens in a new tab) β Sid Coelho-Prabhu, Enero 6, 2020
Videos
- Finematics - edukasyon tungkol sa decentralized finance(opens in a new tab) β Mga video tungkol sa DeFi
- The Defiant(opens in a new tab) - Mga pangunahing kaalaman sa DeFi: Lahat ng kailangan mong malaman para makapagsimula sa nakakalitong lugar na ito.
- Whiteboard Crypto(opens in a new tab)Ano ang DeFi?