Saan makakakuha ng ETH
Maaari mong kitain ang ETH, matanggap ito mula sa iyong mga kasamahan, o bilhin ito mula sa mga palitan at app.
Kasalukuyang presyo ng ETH (USD)
Mga sentralisadong palitan
Ang mga palitan ay mga negosyong nagbibigay-daan sa iyong bumili ng crypto at mga tradisyonal na pera. Hawak nila ang anumang ETH na bibilhin mo hanggang sa ipadala mo ito sa isang wallet na kinkontrol mo.
Kumita ng ETH
Maaari kang kumita ng ETH sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa mga DAO o mga kumpanyang nagbabayad ng crypto, pagpanalo ng mga bounty, paghahanap ng mga software bug at iba pa.
Tumanggap ng ETH mula sa iyong mga kasamahan
Kapag mayroon ka nang Ethereum account, ang kailangan mo na lang gawin ay ibahagi ang iyong address para magsimulang magpadala at tumanggap ng ETH (at iba pang mga token) mula sa iyong mga kasamahan.
Mga decentralized exchange (DEX)
Kung gusto mo ng higit pang kontrol, bumili ng ETH gamit ang mga . Sa DEX, maaari kang magpapalit ng mga digital asset nang hindi ibinibigay sa centralized na kumpanya ang kontrol sa pondo mo.
Mga wallet
Pinapahintulutan ka ng ilang wallet ka na bumili ng crypto gamit ang debit/credit card, bank transfer o kahit Apple Pay. Heograpiyang paghihigpit ay inilalapat.
Mga reward sa pagpupusta
Kung mayroon ka nang ilang ETH, maaari mo itong maparami sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng validator node. Babayaran ka sa paggawa ng verification work na ito sa ETH.
Ang lahat ng produktong nakalista sa pahinang ito ay hindi opisyal na ineendorso, at ibinibigay lang ang mga ito para sa mga layuning pang-impormasyon. Kung nais mong mag dagdag ng produkto o magbigay ng feedback sa mga polisiya, mangyaring magsumite ng issue sa GitHub. Maghain ng issue
Saang bansa ka nakatira?
May mga paghihigpit sa palitan sa kung saan sila makakapagbenta ng crypto. Ito ay isang palatandaan ng listahan ng mga serbisyo na inaakalang nagpapatakbo sa bawat bansa. Ang pagkakasama dito ay hindi isang pag-endorso - dapat kang magsagawa ng sarili mong pananaliksik!
Isulat ang iyong bansang tinitirhan upang makakita ang listahan ng mga palitan na maaari mong gamitin
Mga decentralized exchange (DEX)
Ano ang mga DEX?
Ang mga decentralized exchange ay mga marketplace para sa ETH at iba pang mga token na bukas sa lahat. Direktang ikinokonekta ng mga ito ang mga mamimili at nagbebenta sa isa't isa.
Sa halip na gumamit ng pinagkakatiwalaang third party para pangalagaan ang pondo sa transaksyon, gumagamit sila ng code. Mata-transfer lang ang ETH ng seller kapag garantisado na ang pagbabayad. Ang ganitong uri ng code ay tinatawag ding smart contract. Higit pang idetalye sa mga smart contract
Nangangahulugan ito na may mas kaunting mga paghihigpit sa heograpiya kaysa sa mga centralized na alternatibo. Kung may nagbebenta ng gusto mo at tinatanggap niya ang paraan ng pagbabayad na maibibigay mo, ayos na.
Kakailanganin mo ng wallet upang magamit ang DEX.
Kumuha ng walletBumili gamit ang ibang crypto
I-swap ang iyong mga token para sa ETH ng ibang tao. At vice versa.
Pagpapanatiling ligtas ang iyong ETH
Mga post ng komunidad tungkol sa seguridad
Ang Ethereum ay hindi kontrolado ng anumang nag-iisang organisasyon - ito ay desentralisado.
Nangangahulugan ito na kailangan mong seryosohin ang seguridad ng iyong pondo. Sa ETH, hindi ka nagtitiwala sa isang bangko o kumpanya na ingatan ang iyong mga asset, pinagkakatiwalaan mo ang iyong sarili.
Panatilihin ang iyong ETH sa iyong sariling wallet
Ang isa sa mga pangunahing tampok ng Ethereum ay ang patuloy mong pagkontrol sa iyong sariling mga asset sa pamamagitan ng pamamahala sa iyong sariling account. Nangangahulugan ito na hindi mo kailangang ipagkatiwala sa anumang third party ang iyong mga asset, at protektado ka mula sa anumang custodian na kumikilos nang hindi tapat, mabangkarote o ma-hack. Gayunpaman, nangangahulugan din ito na inaako mo ang responsibilidad para sa iyong sariling seguridad.
Tingnan ang mga walletAng iyong ETH address
Kapag nag-download ka ng wallet, lilikha ito ng pampublikong ETH address para sa iyo. Narito ang hitsura nito:
0x0125e2478d69eXaMpLe81766fef5c120d30fb53f
Halimbawa: Wag kopyahin
Isipin na tulad ito ng iyong email address, ngunit sa halip na sulat ay makakatanggap ito ng ETH. Kung gusto ninyong ilipat ang ETH mula sa isang exchange papunta sa inyong wallet, gamitin ang inyong address bilang destinasyon. Tiyaking palaging mag-double check bago ka magpadala!
Sundin ang mga tagubilin ng wallet
Kung nawalan ka ng access sa iyong account, mawawalan ka ng access sa iyong pondo. Ang iyong wallet ay dapat magbigay ng mga tagubilin sa iyo sa pagprotekta laban dito. Siguraduhing maingat na sundin ang mga ito – sa karamihan ng mga kaso, walang makakatulong sa iyo kung mawawalan ka ng access sa iyong account.