Panimula sa pamamahala ng Ethereum
Kung walang nagmamay-ari sa Ethereum, paano pinagpapasyahan ang mga nakaraan at susunod pang pagbabago sa Ethereum? Ang pamamahala ng Ethereum ay tumutukoy sa prosesong nagbibigay-daan sa mga naturang pagpapasya.
Ano ang pamamahala?
Ang pamamahala ang mga sistemang ipinapatupad na nagbibigay-daan sa pagpapasya. Sa isang karaniwang istraktura ng organisasyon, ang executive team o board of directors ang nakakapagtakda ng pinal na pasya pagdating sa pagpapasya. O marahil ay pinagbobotohan ng mga shareholder ang mga proposal upang maisakatuparan ang pagbabago. Sa isang sistemang pulitikal, ang mga inihalal na opisyal ay maaaring magpatupad ng batas na nagsusumikap na katawanin ang mga ninanais ng kanilang mga nasasakupan.
Desentrelisadong pamamahala
Walang sinumang nagmamay-ari o nagkokontrol sa protokol ng Ethereum, ngunit kailangan pa ring pagpasyahan ang pagpapatupad ng mga pagbabago upang tiyaking magtatagal at magtatagumpay ang network. Dahil walang nagmamay-ari dito, hindi tugmang solusyon ang tradisyonal na pamamahala ng organisasyon.
Pamamahala ng Ethereum
Ang pamamahala ng Ethereum ang proseso kung saan ginagawa ang mga pagbabago sa protokol. Mahalagang bigyang-diin na hindi nauugnay ang prosesong ito sa kung paano ginagamit ng mga tao at application ang protokol - walang pahintulot ang Ethereum. Makakasali ang kahit sino mula sa kahit saan sa mundo sa mga aktibidad on-chain. Walang nakatakdang tuntunin pagdating sa kung sino ang maaari o hindi maaaring gumawa ng application o magpadala ng transaksyon. Gayunpaman, mayroong proseso upang magmungkahi ng mga pagbabago sa pangunahing protokol kung saan pinapatakbo ang mga decentralized na application. Dahil maraming tao ang umaasa sa katatagan ng Ethereum, napakataas ng threshold sa koordinasyon para sa mga pagbabago sa core, kasama na ang mga social at teknikal na proseso, upang tiyaking ligtas at susuportahan ng nakararami sa komunidad ang anumang pagbabago sa Ethereum.
On-chain vs off-chain na pamamahala
Ang teknolohiya ng blockchain ay nagbibigay-daan sa mga bagong kakayahan sa pamamahala, na kilala bilang on-chain na pamamahala. Ang on-chain na pamamahala ay kapag pinagpapasyahan ang mga iminumungkahing pagbabago sa protokol sa pamamagitan ng pagboto ng stakeholder, na kadalasang mga nagmamay-ari ng pamamahala ng token, at sa blockchain isinasagawa ang botohan. Sa ilang uri ng on-chain na pamamahala, ang mga iminumungkahing pagbabago sa protokol ay nakalagay na sa code at awtomatikong inilalapat kung inaprubahan ng mga stakeholder ang mga pagbabago sa pamamagitan ng pagpirma ng transaksyon.
Sa kabaligtaran, ang off-chain na pamamahala ay kung saan nangyayari ang anumang pagpapasya kaugnay ng pagbabago sa protokol sa pamamagitan ng hindi pormal na proseso ng social na pagtalakay, na kung maaaprubahan ay ilalagay sa code.
Isinasagawa off-chain ang pamamahala ng Ethereum kung saan ang iba't ibang stakeholder ay bahagi ng proseso.
Kahit off-chain ang pamamahala ng Ethereum sa antas ng protokol, maraming use case na ginawa sa Ethereum, tulad ng DAOs, ang gumagamit ng on-chain na pamamahala.
Iba pang detalye tungkol sa mga DAOSino ang bahagi nito?
May iba't ibang stakeholder sa komunidad ng Ethereum, at may papel ang bawat isa sa proseso ng pamamahala. Narito ang mga stakeholder simula sa mga pinakamalayo sa protokol hanggang sa mga pinakamalapit:
- Mga may-ari ng Ether: nagmamay-ari ang mga taong ito ng iba't ibang halaga ng ETH. Iba pang detalye tungkol sa ETH.
- Mga User ng Application: nakikipag-ugnauan ang mga taong ito sa mga application sa Ethereum blockchain.
- Mga Developer ng Application/Tooling: sumusulat ang mga taong ito ng mga application na pinapatakbo sa Ethereum blockchain (hal., DeFi, NFT, atbp.) o bumubuo sila ng tooling para magkipag-ugnayan sa Ethereum (hal., mga wallet, test suite, atbp.). Iba pang detalye tungkol sa dapps.
- Mga Node Operator: nagpapatakbo ang mga taong ito ng mga node na nagpaparami ng mga block at transaksyon, at hindi tinatanggap ng mga ito ang anumang hindi valid na transaksyon o block na matutuklasan ng mga ito. Iba pang detalye tungkol sa mga node.
- Mga EIP Author: nagmumungkahi ang mga taong ito ng mga pagbabago sa Ethereum protocol, sa pamamagitan ng mga Ethereum Improvement Proposal (EIP). Iba pang detalye tungkol sa EIPs.
- Mga Validator: nagpapatakbo ang mga taong ito ng mga node na makakapagdagdag ng mga bagong block sa Ethereum blockchain.
- Mga Developer ng Protokol (kilala rin bilang "Core Developers" ): these people maintain the various Ethereum implementations (e.g. go-ethereum, Nethermind, Besu, Erigon, Reth at the execution layer or Prysm, Lighthouse, Nimbus, Teku, Lodestar, Grandine at the consensus layer). Iba pang detalye tungkol sa mga kliyente ng Ethereum.
Tandaan: maaaring hindi lang sa isa sa mga grupong ito napapabilang ang sinumang indibidwal (hal. maaaring magtaguyod ng EIP, at magpatakbo ng beacon chain validator, at gumamit ng mga DeFi application ang isang developer ng protokol). Para malinaw itong maunawaan, pinakamadali kung pag-iiba-ibahin ang mga ito.
Ano ang EIP?
Isang mahalagang proseso na ginagamit sa pamamahala ng Ethereum ang pagmumungkahi ng mga Ethereum Improvement Proposal (EIP). Ang mga EIP ay mga pamantayan na nagtatakda ng mga potensyal na bagong feature o proseso para sa Ethereum. Makakagawa ng EIP ang kahit sino sa komunidad ng Ethereum. Kung interesado kang magsulat ng EIP o lumahok sa pagsusuri ng mga kasamahan at/o pamamahala, tingnan ang:
Iba pang detalye tungkol sa mga EIPAng pormal na proseso
Ganito ang pormal na proseso para sa paglulunsad ng mga pagbabago sa protokol ng Ethereum:
Magmungkahi ng Core EIP: gaya ng inilarawan sa EIP-1(opens in a new tab), ang unang hakbang sa opisyal na pagmumungkahi ng pagbabago sa Ethereum ay idetalye ito sa isang Core EIP. Magsisilbi itong opisyal na specification para sa EIP na ipapatupad ng mga Developer ng protokol kung matatanggap ito.
Ipresenta ang iyong EIP sa mga Developer ng Protokol: kapag nabuo mo na ang Core EIP na may input ng komunidad, dapat mo itong ipresenta sa mga Developer ng Protokol. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagmumungkahing pag-usapan ito sa isang AllCoreDevs na tawag(opens in a new tab). Malamang na mayroon ng mga usaping nangyari nang asynchronous sa Ethereum Magician's forum(opens in a new tab) o sa Ethereum R&D Discord(opens in a new tab).
Ang mga sumusunod ay ang mga posibleng resulta ng yugtong ito:
- Isasaalang-alang ang EIP para sa network upgrade sa hinaharap
- Hihiling ng mga teknikal na pagbabago
- Maaaring hindi ito tanggapin kung hindi ito priyoridad o kung maliit lang ang pagbabago kung ikukumpara sa tindi ng pagsisikap sa pagpapatupad nito
Ulitin ang proseso hanggang sa mabuo ang pinal na proposal: matapos matanggap ang feedback mula sa lahat ng nauugnay na stakeholder, malamang na kailangan mong baguhin ang una mong proposal para paigtingin ang seguridad nito o para mas mahusay nitong matugunan ang mga pangangailangan ng iba't ibang user. Kapag naisama na ng iyong EIP ang lahat ng pagbabagong sa tingin mo ay kinakailangan, kakailanganin mong ipresenta ito ulit sa mga Developer ng Protocol. Pagkatapos nito, mapupunta ka sa susunod na hakbang ng prosesong ito, o magkakaroon ng mga bagong alalahanin, kaya kakailanganin mo ulit baguhin ang iyong proposal.
Isasama ang EIP sa Network Upgrade: ipagpalagay na maaprubahan, ite-test at ipapatupad ang EIP, isasaayos ito bilang bahagi ng isang pag-upgrade ng network. Dahil malaki ang gagastusin sa koordinasyon ng mga network upgrade (kailangang sabay-sabay mag-upgrade ang lahat), karaniwang pinagsasama-sama ang mga EIP sa mga upgrade.
Na-activate na ang Network Upgrade: kapag na-activate na ang pag- upgrade sa network, magiging live na ang EIP sa Ethereum network. Tandaan: karaniwang ina-activate ang mga network upgrade sa mga testnet bago ito i-activate sa Ethereum Mainnet.
Ang proseso na ito, bagama't lubhang pinasimple, ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya ng mahahalagang yugto para ma-activate ang isang pagbabago sa protokol sa Ethereum. Ngayon, tingnan natin ang mga hindi pormal na salik na nakakaapekto sa prosesong ito.
Ang hindi pormal na proseso
Pag-unawa sa mga naunang gawain
Dapat pag-aralan ng mga EIP Champion ang mga naunang gawain at proposal bago gumawa ng EIP na maaari talagang ipatupad sa Ethereum Mainnet. Sa ganitong paraan, inaasahang magdadala ang EIP ng bagong bagay na hindi pa tinatanggihan. Ang tatlong pangunahing lugar para i-research ito ay ang imbakan sa EIP(opens in a new tab), Ethereum Magicians(opens in a new tab), at ethresear.ch(opens in a new tab).
Mga nagtratrabahong grupo
Maliit ang posibilidad na ipatupad sa Ethereum Mainnet ang unang draft ng EIP nang walang kailangang i-edit o pagababago. Karaniwang makikipagtulungan ang mga EIP Champion sa isang subset ng mga Developer ng Protokol para tiyakin, ipatupad, i-test, ulitin, at tapusin ang kanilang proposal. Noon pa man, nangangailangan ang mga nagtratrabahong grupo na ito ng ilang buwan (at kung minsan ay ilang taon!) ng pagsisikap. Tulad nito, dapat ding makipagtulungan ang mga EIP Champion para sa mga naturang pagbabago sa mga nauugnay na Developer ng Application/Tooling para makakuha ng feedback mula sa mga end user at maiwasan ang anumang panganib sa pagpapatupad.
Pinagkasunduan ng komunidad
Bagama't mga direktang teknikal na pagpapahusay ang ilang EIPs, mas kumplikado ang iba at may mga tradeoff na makakaapekto sa iba't ibang stakeholder sa iba't ibang paraan. Ibig sabihin nito, may ilang mga EIP na mas pinagtatalunan sa komunidad kaysa sa iba.
Walang tiyak na estratehiya sa kung paano pangasiwaan ang mga pinagtatalunang proposal. Resulta ito ng decentralized na disenyo ng Ethereum kung saan hindi puwedeng puwersahin ng nag-iisang grupo ng mga stakeholder ang kabilang grupo: puwedeng piliin ng mga developer ng protokol na hindi ipatupad ang mga pagbabago sa code; maaaring hindi patakbuhin ng mga node operator ang pinakabagong Ethereum client; puwedeng piliin ng mga pangkat at user ng application na hindi mag-transact sa chain. Dahil walang paraan ang mga Developer ng Protokol para puwersahin ang mga taong gamitin ang mga network upgrade, iiwasan nilang magpatupad ng EIPs na mas pagtatalunan ng komunidad kaysa makakabenepisyo rito.
Inaasahang hihingi ang mga EIP Champion ng feedback mula sa lahat ng nauugnay na stakeholder. Kung magiging champion ka ng pinagtatalunang EIP, dapat mong subukang tugunan ang mga pagtutol para magkaroon ng kasunduan ang iyong EIP. Dahil sa laki at pagkakaiba-iba ng komunidad ng Ethereum, walang nag-iisang pamantayan (hal., coin vote) na magagamit para sukatin ang kasunduan ng komunidad, at inaasahang makakaangkop ang mga EIP Champion sa mga sitwasyong nauugnay sa kanilang proposal.
Bukod pa sa seguridad ng Ethereum network, dati pa man ay lubha nang pinapahalagahan ng mga Developer ng Protokol sa pinapahalagahan ng mga Developer ng Application/Tooling at mga user ng Application, lalo na't ang paggamit at pag-develop nila sa Ethereum ang dahilan kung bakit naeengganyo sa ecosystem ang iba pang stakeholder. Bukod pa rito, kailangang ipatupad ang mga EIP sa lahat ng pagpapatupad ng kliyente, na pinapamahalaan ng iba't ibang pangkat. Bilang bahagi ng prosesong ito, karaniwan na kailangang hikayatin ang maraming pangkat ng mga Developer ng Protokol na mahalaga ang isang partikular na pagbabago at tinutulungan nito ang mga end user o may nilulutas itong problema sa seguridad.
Pag-aayos ng mga hindi pagkakasundo
Dahil maraming stakeholder na may iba't ibang motibasyon at paniniwala, hindi bihirang magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan.
Karaniwang inaayos ang mga hindi pagkakaunawaan sa mahabang usapan sa mga pampublikong forum para maunawaan ang sanhi ng problema at hayaan ang sinuman na magpahayag ng kanyang opinyon. Kadalasang nagpaparaya ang isang grupo, o nagkakasundo sa isang opsyong katanggap-tanggap sa lahat. Kung ayaw magparaya ng isang grupo, maaaring magresulta sa chain split kung ipipilit ipatupad ang isang partikular na pagbabago. Nangyayari ang chain split kapag may ilang stakeholder na tututol sa pagpapatupad ng pagbabago sa protocol na magreresulta sa magkaiba at hindi magkatugma na bersyon ng pinapatakbong protokol, kung saan magmumula ang dalawang magkaibang blockchain.
Ang DAO fork
Nangyayari ang mga fork kapag may mga pangunahing teknikal na pag-upgrade o pagbabago at babaguhin nito ang "mga panuntunan" ng protocol. Dapat i-update ng mga Ethereum client ang kanilang software upang ipatupad ang mga panuntunan para sa fork.
Ang DAO fork ay ginawa bilang tugon sa DAO attack noong 2016(opens in a new tab) kung saan nakuha sa isang hindi secure na contract ang mahigit 3.6 milyong ETH sa isang hack. Inilipat ng fork ang mga pondo mula sa palyadong contract sa bagong contract, kaya mare-recover ito ng kahit sinong nawalan ng pondo dahil sa pag-hack.
Pinagbotohan ng komunidad ng Ethereum ang pagkilos na ito. Any ETH holder was able to vote via a transaction on a voting platform(opens in a new tab). Ang desisyong mag-fork ay umabot ng mahigit 85% ng mga boto.
Mahalaga ring tandaan na bagama't nag-fork ang protocol para bumalik sa normal mula sa pag-hack, may ilang dahilan para kuwestiyunin ang katumbas na bigat ng boto sa pagpapasyang mag-fork:
- Kaunti lang ang bumoto
- Hindi alam ng karamihan sa mga tao na mayroong botohan
- Ang mga may-ari ng ETH lang ang kinatawan ng boto, at hindi ang sinumang kalahok sa sistema
Hindi pumayag na mag-fork ang isang subset ng komunidad dahil sa tingin nila ay hindi isang depekto ang insidente ng DAO sa protokol. Kalaunan ay binuo nila ang Ethereum Classic(opens in a new tab).
Kasalukuyang gumagamit ang komunidad ng Ethereum ng patakaran sa hindi panghihimasok kung sakaling magkaroon ng mga bug sa contract o mawalan ng pondo para mapanatili ang mapagkakatiwalaang neutrality ng sistema.
Manood pa ng mga video tungkol sa DAO hack:
Ang kahalagahan ng pag-fork
Ang fork ng Ethereum/Ethereum Classic ay isang magandang halimbawa ng isang maayos na fork. Nagkaroon kami ng dalawang grupo na talagang hindi magkasundo sa ilang core value. Kalaunan, napagpasyahan ng mga ito na kakayaning harapin ang mga panganib na magkasundo para maisagawa ang kanya-kanyang partikular na pagkilos.
Malaki ang naiaambag ng kakayahang mag-fork sa kabila ng malalaking pagkakaiba sa pulitika, pilosopiya, o ekonomiya sa pagtatagumpay ng pamamahala ng Ethereum. Kung walang kakayahan na mag-fork, ang alternatibo ay patuloy na pag-aaway, puwersahan at sapilitang pakikilahok para sa mga gumawa ng Ethereum Classic, at pagkakaroon ng magkakaibang pananaw sa tagumpay para sa Ethereum.
Pamamahala ng Beacon Chain
Sa proseso ng pamamahala ng Ethereum, madalas na ipinagpapalit ang bilis at kahusayan para sa pagiging bukas at inklusibo. Upang mapabilis ang pag-unlad ng Beacon Chain, inilunsad ito nang hiwalay sa patunay ng gawain na Ethereum network at sinunod nito ang mga sarili nitong kagawian sa pamamahala.
Bagama't palaging ganap na open source ang pagtutukoy at mga pagpapatupad ng pagbabago, hindi ginamit ang mga pormal na prosesong ginagamit para magmungkahi ng mga update. Dahil dito, mas mabilis na natukoy at napagkasunduan ng mga mananaliksik at tagapagpatupad ang mga pagbabago.
Noong magsama ang Beacon Chain at Ethereum execution layer noong ika-15 ng Setyembre, 2022, natapos ang The Merge bilang bahagi ng Paris network upgrade. Ang proposal na EIP-3675(opens in a new tab)ay ginawang 'Final' mula sa 'Last Call', kaya nailipat ito sa patunay ng stake.
Iba pang detalye tungkol sa The MergePaano ako makakalahok?
- Magmungkahi ng EIP
- Pag-usapan ang mga kasalukuyang proposal(opens in a new tab)
- Makiisa sa diskusyon ng R&D(opens in a new tab)
- Sumali sa Ethereum R&D discord(opens in a new tab)
- Magpatakbo ng node
- Mag-contribute sa pagpapaunlad ng kliyente
- Core Developer Apprenticeship Program(opens in a new tab)
Karagdagang pagbabasa
Walang partikular na pagpapakahulugan ang pamamahala sa Ethereum. May iba't ibang pananaw dito ang iba't ibang miyembro ng komunidad. Narito ang ilan sa mga ito:
- Mga Tala sa Pamamahala ng Blockchain(opens in a new tab) - Vitalik Buterin
- Paano gumagana ang Pamamahala ng Ethereum?(opens in a new tab) β Cryptotesters
- Paano gumagana ang pamamahala ng Ethereum(opens in a new tab) β Micah Zoltu
- Ano ang Ethereum core developer?(opens in a new tab) - Hudson Jameson
- Pamamahala, Bahagi 2: Hindi Pa Rin Maayos ang Plutocracy(opens in a new tab) - Vitalik Buterin
- Higitan ang pamamahala sa coin voting(opens in a new tab) - Vitalik Buterin