Ano ang Ethereum?
Ang mga cryptocurrency, gaya ng bitcoin, ay nagbibigay-daan sa sinuman na maglipat ng pera sa buong mundo. Ginagawa din ng Ethereum, ngunit maaari rin itong magpatakbo ng code na nagbibigay-daan sa mga tao na lumikha ng mga app at organisasyon. Pareho itong matatag at nababagay: maaaring tumakbo ang anumang programa ng computer sa Ethereum. Matuto pa at alamin kung paano magsimula:
Ano ang Ethereum?
Kung bago ka lang, magsimula dito upang malaman kung bakit mahalaga ang Ethereum.
Ano ang ETH?
Ang Ether (ETH) ang currency na ginagamit sa Ethereum network at mga app.
Ano ang Web3?
Ang Web3 ay isang model para sa internet valuing ownership ng iyong mga asset at identity.
Iba pang detalye tungkol sa mga pangunahing kaalaman sa Ethereum
Paano ko magagamit ang Ethereum?
Ginagamit ng iba't ibang tao ang Ethereum sa iba't ibang paraan. Baka gusto mong mag-sign in sa isang app, patunayan ang iyong online identity, o mag-transfer ng ETH. Ang unang bagay na kakailanganin mo ay isang account. Ang pinakamadaling paraan para gumawa at mag-access ng account ay gumamit ng software na tinatawag na wallet.
Ano ang wallet?
Ang digital wallet ay parang mga totoong wallet; sino-store ng mga ito ang kailangan mo para patunayan ang iyong identity at makakuha ng access sa mga lugar na mahalaga sa iyo.
Maghanap ng wallet
Mag-browse ng mga wallet base sa mga feature na mahalaga sa iyo.
Ethereum networks
Save money by using cheaper and faster Ethereume extentions.
Mga bagay na dapat isaalang-alang kapag gumagamit ng Ethereum
- Ang bawat transaksyon sa Ethereum ay kailangang bayaran ng ETH, kahit kailangan mong maglipat ng iba't ibang token na ginawa sa Ethereum tulad ng mga stablecoin na USDC o DAI.
- Puwedeng mahal ang mga bayarin depende sa bilang ng mga taong sumusubok na gumamit ng Ethereum, kaya inirerekomenda naming gumamit ng mga Mga Layer 2.
Higit pang detalye tungkol sa Ethereum
Saan ginagamit ang Ethereum?
Ang Ethereum ay nagdulot ng paggawa ng mga bagong produkto at serbisyong maaaring mapabuti ang iba't ibang aspeto ng ating buhay. Nasa unang yugto pa lang tayo pero maraming dapat abangan.
Decentralized finance (DeFi)
Tuklasin ang alternatibong sistemang pinansyal na itinatag nang walang bangko at bukas sa lahat.
Mga Stablecoin
Mga cryptocurrency na nakabatay sa halaga ng isang currency, commodity, o iba pang financial instrument.
Non-fungible tokens (NFTs)
Kumakatawan sa pagmamay-ari sa mga natatanging item, mula sa sining hanggang sa mga titulo ng ari-arian at concert ticket.
Mga decentralized autonomous organization (mga DAO)
Gumawa ng mga bagong paraan para pangasiwaan ang trabaho nang walang boss.
Mga decentralized application (dapp)
Gumawa ng digital economy ng mga peer-to-peer na serbisyo.
Mga bagong use case
Mayroon ding iba pang kilalang industriyang ginagawa o pinapaganda ng Ethereum:
Palakasin ang Ethereum network
Makakatulong kang i-secure ang Ethereum at makakakuha ka ng mga reward habang sine-stake mo ang iyong ETH. May iba't ibang opsyon para sa staking depende sa iyong teknikal na kaalaman at sa dami ng iyong ETH.
Pagpupusta sa Ethereum
Alamin kung paano magsimulang pumusta sa iyong ETH.
Magpatakbo ng node
Magkaroon ng mahalagang papel sa Ethereum network sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng isang node.
Matuto tungkol sa Ethereum protocol
Para sa mga user na labis na interesado sa teknikal na bahagi ng Ethereum network.
Kinokonsumong enerhiya
Gaano karaming enerhiya ang ginagamit ng Ethereum?
Roadmap ng Ethereum
Ginagawang mas scalable, secure, at sustainable ng roadmap ng Ethereum ang Ethereum.
Whitepaper ng Ethereum
Ang orihinal na proposal ng Ethereum na isinulat ni Vitalik Buterin noong 2014.
Higit pang detalye tungkol sa Ethereum protocol
Matuto tungkol sa komunidad ng Ethereum
Ang tagumpay ng Ethereum ay bunga ng napakasipag na komunidad nito. Libo-libong inspirado at determinadong tao ang tumutulong na isulong ang mithiin ng Ethereum, habang nagbibigay rin ng seguridad sa network sa pamamagitan ng staking at governance. Sumali na sa amin!
Sentro ng komunidad
Ang aming komunidad ay binubuo ng mga tao mula sa iba't ibang background.
Paano ako makakalahok?
Ikaw (oo, ikaw!) ay malugod na inaanyayahang mag-ambag sa komunidad ng Ethereum.
Mga online na komunidad
Ang aming komunidad ay binubuo ng mga tao mula sa iba't ibang background.
Mga Aklat at Podcast
Mga aklat tungkol sa Ethereum
- The Cryptopians Pebrero 22, 2022 - Laura Shin
- Out of the Ether Setyembre 29, 2022 - Matthew Leising
- The Infinite Machine Hulyo 14, 2020 - Camille Russo
- Mastering Ethereum Disyembre 23, 2018 – Andreas M. Antonopoulos, Gavin Wood Ph.D.
- Proof of Stake Setyembre 13, 2022 - Vitalik Buterin, Nathan Schneider
Mga podcast tungkol sa Ethereum
- Green Pill Tinutuklas ang mga crypto-economic system na gumagawa ng positibong epekto sa mundo
- Zero Knowledge Idinedetalye ang teknolohiyang magpapatakbo sa umuusbong na decentralized web at sa komunidad na bumubuo nito
- Unchained Idinedetalye ang mga taong bumubuo ng decentralized internet, mga detalye ng teknolohiyang ito na maaaring suportahan ang ating hinaharap, at ilan sa mga pinakakumplikadong usaping may kinalaman sa crypto, tulad ng regulasyon, seguridad, at privacy
- The Daily Gwei Balita, mga update, at pagsusuri sa Ethereum
- Bankless Gabay sa pananalapi ng Crypto