Ano ang ReFi?
Regenerative finance (ReFi) ay isang set ng mga tool at ideya na ginawa sa pamamagitan ng , na naglalayong lumikha ng mga ekonomiya na regenerative, sa halip na nakakapinsala o mapagsamantala. Kalaunan, mauubos ng mga extractive system ang mga resource na available, at magko-collapse ang mga ito. Kapag walang regenerative na mekanismo, kulang ang katatagan ng mga ito. Ipinagpapalagay sa ReFi na dapat i-decouple ang paggawa ng monetary value sa hindi sustainable na paghango ng mga resource mula sa ating planeta at mga komunidad.
Sa halip, layunin ng ReFi na lutasin ang mga problemang pangkalikasan, pangkomunidad, o panlipunan sa pamamagitan ng paggawa ng mga regenerative cycle. Mapapakinabangan ng mga kalahok ang mga system na ito habang nakikinabang din sa mga ito ang mga ecosystem at komunidad.
Ang isa sa mga pundasyon ng ReFi ay ang konsepto ng regenerative economics na unang ginamit ni John Fullerton ng Capital Institute. Nag-propose siya ng walong magkakaugnay na mga prinsipyo(opens in a new tab) na sumasailalim sa sistematikong kalusugan:
Isinasakatuparan ng mga proyekto sa ReFi ang mga prinsipyong ito gamit ang at mga application para hikayatin ang mga regenerative na kagaiwan, hal., pagpapanumbalik ng sigla ng mga napinsalang ecosystem, at pangasiwaan ang malakihang pakikipagtulungan sa mga pandaigdigang isyu tulad ng pagbabago ng klima at pagkaubos ng biodiversity.
May pagkakapareho ang ReFi sa decentralized science (DeSci) movement, na gumagamit ng Ethereum bilang platform para pondohan, gawin, suriin, kilalanin, i-store, at ipakalat ang siyentipikong kaalaman. Ang mga tool sa DeSci ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa pagbuo ng mga nave-verify na pamantayan at pamamaraan para sa pagpapatupad at pagsusubaybay sa mga regenerative na aktibidad tulad ng pagtatanim ng mga puno, pag-aalis ng plastic sa karagatan, o pagpapanumbalik ng sigla ng napinsalang ecosystem.
Tokenization ng mga carbon credit
Ang voluntary carbon market (VCM)(opens in a new tab) ay mekanismo para pondohan ang mga proyekto na may napatunayang positibong epekto sa mga carbon emission, tulad ng pababain ang mga kasalukuyang emission o alisin ang mga greenhouse gas na nasa atmospera na. Matapos ma-verify, makakatanggap ang mga proyektong ito ng asset na tinatawag na "mga carbon credit," na maibebenta ang mga ito sa mga indibidwal at organisasyon na gustong suportahan ang mga pagsisikap para protektahan ang klima.
Bukod sa VCM, may mga carbon market na itinatakda ng pamahalaan (βmga compliance marketβ) na naglalayong magtakda ng presyo ng carbon sa pamamagitan ng mga batas o regulasyon sa isang partikular na hurisdiksyon (hal. bansa o rehiyon), na nagkokontrol sa supply ng mga permit na ipapamahagi. Hinihikayat ng mga compliance market ang mga polluter sa kanilang hurisdiksyon na bawasan ang mga emission, pero wala silang kakayahang alisin ang mga greenhouse na gas na nasa atmospera na.
Kahit sa pag-unlad nito sa mga nakaraang dekada, patuloy na nakakaranas ang VCM ng iba't ibang isyu:
- Labis na fragmented na liquidity
- Mga hindi malinaw na mekanismo para sa transaksyon
- Mahal na bayarin
- Napakabagal na trading
- Kakulangan sa scalability
Ang paglipat ng VCM sa bagong batayang blockchain na digital carbon market (DCM) ay maaaring maging oportunidad upang ma-upgrade ang kasalukuyang teknolohiya para sa pag-validate, pag-transact at paggamit ng mga carbon credit. Nagbibigay-daan ang mga blockchain sa publicly verifiable data, access para sa iba't ibang user, at higit na liquidity.
Gumagamit ang mga proyekto sa ReFi ng teknolohiya ng blockchain para solusyonan ang marami sa mga problema ng tradisyonal na market:
- Tinitipon ang liquidity sa iilang liquidity pool na malayang mate-trade ng kahit sino. Ginagamit ng malalaking organisasyon, pati na rin ng mga indibidwal na user ang mga pool na ito nang hindi manual na naghahanap ng mga seller/buyer, bayarin sa paglahok, o paunang pagpaparehistro.
- Nire-record ang lahat ng transaksyon sa mga pampublikong blockchain. Ang daang tinatahak ng bawat carbon credit dahil sa aktibidad sa trading ay palaging masusubaybayan sa sandaling maging available ito sa digital carbon market (DCM).
- Halos agaran ang bilis ng transaksyon. Maaaring abutin nang ilang araw o linggo ang pagkuha ng maraming carbon credit sa pamamagitan ng mga legacy market, pero magagawa ito sa loob ng ilang segundo sa DCM.
- Isinasagawa ang mga gawain sa trading nang walang intermediary, na naniningil ng mahal na bayarin. Ang mga digital carbon credit ay kumakatawan sa makabuluhang pagbawas ng gastos kumpara sa mga tradisyonal na credit.
- Scalable ang DCM at kaya nitong tugunan ang mga demand ng mga indibidwal at multinational corporation.
Mga pangunahing bahagi ng DCM
Apat na pangunahing bahagi ang bumubuo sa kasalukuyang landscape ng DCM:
- Tinitiyak ng mga registry tulad ng Verra(opens in a new tab) at Gold Standard(opens in a new tab) na mapagkakatiwalaan ang mga proyektong gumagawa ng mga carbon credit. Nagpapatakbo rin ang mga ito ng mga database kung saan nagmumula ang mga digital carbon credit at maaaring i-transfer o maubos (hindi na gagamitin) ang mga ito.
May bagong wave ng mga inobatibong proyekto na ibinabatay sa mga blockchain na sinusubukang baguhin ang mga kasalukuyang nasa sektor na ito.
- Ang mga carbon bridge, na kilala rin bilang mga tokenizer, ay nagbibigay ng teknolohiya upang ipakita o i-transfer sa DCM ang mga carbon credit mula sa mga tradisyonal na registry. Kabilang sa mga kilalang halimbawa ang Toucan Protocol(opens in a new tab), C3(opens in a new tab), at Moss.Earth(opens in a new tab).
- Nag-aalok ang mga naka-integrate na serbisyo ng pag-iwas sa paglalabas ng carbon at/o credit sa pag-aalis sa mga end-user nang sa gayon ay makuha nila ang benepisyong pangkapaligiran ng isang credit at ibahagi sa mundo ang kanilang suporta sa mga pagsisikap para protektahan ang klima.
May ilang serbisyo tulad ng Klima Infinity(opens in a new tab) at Senken(opens in a new tab) na nag-aalok ng iba't ibang uri ng mga proyektong binuo ng mga third party at inilabas sa ilalim ng mga itinakdang pamantayan tulad ng Verra; habang ang ibang serbisyo tulad ng Nori(opens in a new tab) ay nag-aalok lang ng mga partikular na proyekto na ginawa sa ilalim ng sarili nilang pamantayan para sa carbon credit, na ibinibigay nila at pinaglalaanan nila ng sariling marketplace.
- Pinapangasiwaan ng mga kasalukuyang rail at infrastructure ang pagpapalawak ng epekto at kahusayan ng buong supply chain ng carbon market. Nagsu-supply ang KlimaDAO(opens in a new tab) ng liquidity bilang public good (nagbibigay-daan sa kahit sino na bumili o magbenta ng mga carbon credit sa transparent na presyo), nagbibigay ito ng mga reward kapalit ng mas mataas na throughput ng mga carbon market at pag-retire, at nagbibigay ito ng madaling gamiting interoperable tooling para ma-access ang data tungkol sa, pati na rin ang kumuha at mag-retire ng, iba't ibang tokenized na carbon credit.
Ang ReFi sa labas ng mga carbon market
Bagama't may matinding pagpapahalaga sa mga carbon market sa pangkalahatan at pag-transition ng VCM sa DCM partikular na sa loob ng space, hindi limitado sa carbon ang terminong βReFiβ. Maaaring gumawa at mag-tokenize ng iba pang environmental asset at hindi lang mga carbon credit. Ipinapahiwatig nitong maaari ding itakda ang presyo ng iba pang negatibong externality sa mga base layer ng mga susunod pang sistema ng ekonomiya. Dagdag pa rito, ang aspeto ng muling paglikha ng modelo ng economiko na ito ay maaaring gamitin sa iba't ibang aspeto, tulad ng pagsuporta sa pagpopondo sa mga pampublikong kalakal sa pamamagitan ng mga quadratic funding platform gaya ng Gitcoin(opens in a new tab). Ang mga organisasyong binuo batay sa ideya ng pakikilahok na bukas sa lahat at pantay-pantay na pamamahagi ng mga mapagkukunan ang lahat na maglaan ng pera sa mga proyekto sa bukas na mapagkukunan na software, pati na rin sa mga proyektong pang-edukasyon, pangkalikasan, at pangkomunidad.
Sa pamamagitan ng pagbabago ng direksyon ng kapital mula sa mga nakakapinsalang gawi patungo sa nagbibigay-buhay na daloy, ang mga proyekto at kumpanya na nagbibigay ng benepisyo sa lipunan, kapaligiran, o komunidadβat na maaaring hindi makakuha ng pondo sa tradisyonal na pananalapiβay maaaring magsimula at makabuo ng positibong epekto para sa lipunan nang mas mabilis at madali. Ang paglipat sa modelong ito ng pagpopondo ay nagbibigay ng pagkakataon sa mas inklusibong mga sistemang pang-ekonomiya, kung saan ang mga tao mula sa lahat ng demograpiko ay maaaring maging aktibong kalahok sa halip na maging mga tagamasid lamang. Ipinapakita ng ReFi ang Ethereum bilang mekanismo para sa pagsasaayos ng pagkilos sa mga banta sa pamumuhay na kinakaharap ng ating species at lahat ng buhay sa ating planetaβbilang pangunahing haligi ng bagong uri ng ekonomiya, na nagbibigay daan sa mas matatag na kinabukasan sa mga susunod na siglo.
Karagdagang babasahin tungkol sa ReFi
- Isang high-level na pangkalahatang-ideya ng mga carbon currency at ang kanilang lugar sa ekonomiya(opens in a new tab)
- The Ministry for the Future, na isang nobela na nagpapakita ng papel ng isang carbon-backed currency sa paglaban sa pagbabago ng klima(opens in a new tab)
- Isang detalyadong ulat mula sa Taskforce for Scaling Voluntary Carbon Markets(opens in a new tab)
- Ang CoinMarketCap Glossary entry nina Kevin Owocki at Evan Miyazono tungkol sa ReFi(opens in a new tab)