Lumaktaw sa pangunahing content

Magpatakbo ng node

Ikaw ang magkokontrol sa lahat.
Patakbuhin ang sarili mong node.

Maging ganap na sovereign habang tumutulong na i-secure ang network. Maging Ethereum.

Graphic ng node

Ano ang ibig sabihin ng "pagpapatakbo ng node"?

Magpatakbo ng software.

Kilala bilang 'kliyente', nagda-download ang software na ito ng kopya ng Ethereum blockchain at bine-verify nito ang validity ng bawat block, at pagkatapos ay pinapanatili nito itong updated sa mga bagong block at transaksyon, at tumutulong ito sa ibang mag-download at mag-update ng kanilang sariling mga kopya.

May hardware.

Ang Ethereum ay idinisenyo upang magpatakbo ng node sa karaniwang computer na ginagamit ng consumer. Maaari kang gumamit ng anumang personal na computer, pero pinipili ng karamihan sa mga user na patakbuhin ang kanilang node sa hardware na para lang talaga dito, nang sa gayon ay maiwasang makaapekto sa performance ng kanilang machine at bawasan ang hindi paggana ng node.

Habang online.

Mukhang kumplikado sa simula ang pagpapatakbo ng Ethereum node, pero sa katunayan, tuloy-tuloy na pagpapatakbo lang ito ng software ng kliyente sa computer habang nakakonekta sa internet. Kapag offline, hindi magiging aktibo ang iyong node hanggang sa maging online na ito ulit at makahabol sa mga pinakabagong pagbabago.

Sino ang dapat magpatakbo ng node?

Lahat! Ang mga node ay hindi lang para sa mga validators. Sino man ay maaaring magpatakbo ng node—hindi mo kailangang magkaroon ng ETH.

Hindi mo kailangang - ng ETH upang magpatakbo ng node. Sa katunayan, ang bawat ibang node sa Ethereum ang nangangasiwa sa mga validator upang maging responsable.

Maaaring hindi mo makuha ang mga reward na pananalapi na nakukuha ng mga validator, pero marami pang ibang benepisyo ng pagpapatakbo ng node na dapat isaalang-alang ng sinumang user ng Ethereum, kasama na ang privacy, seguridad, hindi masyadong pagdepende sa mga server ng third-party, paglaban sa censorship, at pinabuting kalagayan at decentralization ng network.

Ang pagkakaroon ng sarili mong node ay nangangahulugang hindi mo kailangang pagkatiwalaan ang impormasyon tungkol sa kalagayan ng network na ibinibigay ng third party.

Huwag magtiwala. I-verify.

Bakit dapat magpatakbo ng node?

Pagsisimula

Noong bago pa ang lang ang network, kailangan ng mga user na magkaroon ng kakayahan na makipag-ugnayan sa command-line upang magamit ang isang Ethereum node.

Kung ito ang iyong kagustuhan, at mayroon kang mga kasanayan, huwag kang mag-atubiling tingnan ang aming mga teknikal na dokumento.

Magpatakbo ng Ethereum node

Ngayon, mayroon tayong DAppNode, na libre at open-source na software na nagbibigay sa mga user ng karanasang katulad ng sa app habang pinapamahalaan ang kanilang node.

Sa ilang tap lang, mapapatakbo mo na ang iyong node.

Ginagawang madali ng DAppNode para sa mga gumagamit na magpatakbo ng mga full node, pati na rin ng mga at iba pang na network, nang hindi kinakailangang gumamit ng command-line. Pinadadali nito ang pakikilahok ng lahat at nagtataguyod ng mas decentralized na network.

Pumili ng iyong pakikipagsapalaran

Kakailanganin mo ng ilang hardware upang makapagsimula. Bagaman posible ang pagpapatakbo ng node software sa isang personal na computer, ang pagkakaroon ng nakatalagang makina ay makakapagpahusay nang malaki sa pagganap ng iyong node habang binabawasan ang epekto nito sa iyong pangunahing computer.

Kapag pumipili ng hardware, isaalang-alang na ang chain ay patuloy na lumalaki, at ang pagpapanatili ay tiyak na kakailanganin. Ang pagtaas ng specs ay makakatulong upang maantala ang pangangailangan para sa pagpapanatili ng node.

Bumili ng fully loaded

Mag-order ng plug and play na opsyon mula sa mga vendor para sa pinakasimpleng karanasan sa onboarding.

  • Hindi kailangang buuin.
  • Pag-setup ng App-like sa GUI.
  • Hindi kailangan ng command-line.
Shop ng DAppNode(opens in a new tab)Shop ng Avado(opens in a new tab)

Sarili mong buuin

Mas mura at mas nako-cuztomize na opsyon para sa mga medyo mas teknikal na user.

  • Kumuha ng sarili mong mga parte.
  • I-install ang DAppNode.
  • O, pumili ng sarili mong OS at mga kliyente.

Sarili mong buuin

Hakbang 1 – Hardware

Minimum na specs

Inirerekomenda

  • Intel NUC, 7th gen o mas bago

    x86 processor

  • Koneksyon sa wired internet

    Hindi kinakailangan, ngunit nagbibigay ng mas madaling pagsasaayos at tuloy-tuloy na koneksyon

  • Ipakita ang screen at keyboard

    Maliban kung ginagamit mo ang DAppNode, o ssh/headless setup

Hakbang 2 – Software

Opsyon 1 – DAppNode

Kapag handa ka na sa iyong hardware, maaari nang i-download ang DAppNode operating system gamit ang anumang computer at mai-install ito sa bagong SSD sa pamamagitan ng USB drive.

Opsyon 2 – Command line

Para sa maximum na kontrol, maaaring mas gusto ng mga may karanasang user na gamitin ang command line.

Tingnan ang aming mga dokumento ng developer para sa iba pang impormasyon sa pagsisimula sa pagpili ng kliyente.

Pag-setup ng command line

Maghanap ng ilang tutulong

Ang mga online na platform tulad ng Discord o Reddit ay tahanan ng maraming community builders na handang tumulong sa iyo sa anumang mga katanungan na maaari mong makaharap.

Hindi ka nag-iisa. Kung mayroon kang tanong, malamang na mayroong makakatulong sa iyo dito upang mahanap ang sagot.

Stake your ETH

Bagama't hindi kinakailangan, kapag mayroon kang node na pinapatakbo, lalo kang mapapalapit sa pagpupusta ng iyong ETH upang kumita ng mga reward at makatulong sa pag-ambag sa ibang bahagi ng seguridad ng Ethereum.

Plano mo bang pumusta?

Upang tumaas ang kahusayan ng iyong validator, inirerekomenda ang pinakamababa na 16 GB RAM, ngunit mas mainam ang 32 GB, kasama ang CPU benchmark score na 6667+ sa cpubenchmark.net(opens in a new tab). Inirerekomenda rin na ang mga pumusta ay may access sa walang limitasyong high-speed internet bandwidth, bagama't hindi ito ganap na kinakailangan.

Nagbibigay ng mas detalyadong impormasyon ang EthStaker sa espesyal na oras na ito - Paano bumili ng Ethereum validator hardware(opens in a new tab)

Tala tungkol sa Raspberry Pi (ARM processor)

Ang mga Raspberry Pi ay mga lightweight at abot-kayang computer, ngunit may mga limitasyon ang mga ito na maaaring makaapekto sa performance ng iyong node. Bagama't hindi ito inirerekomenda sa ngayon para sa pagpupusta, maaari itong maging maganda at murang opsyon para sa pagpapatakbo ng node para sa personal na paggamit, kahit na mayroon lang 4 - 8 GB na RAM.

Test your Ethereum knowledge

Nakatulong ba ang pahinang ito?