Lumaktaw sa pangunahing content

Mga wallet ng Ethereum

Hawak ang susi patungo sa digital future mo

Nakakatulong ang mga wallet para ma-access mo ang iyong mga digital asset at mag-sign in sa mga application.

Larawan ng isang robot na may katawang gawa sa vault, na kumakatawan sa Ethereum wallet

Ano ang Ethereum wallet?

Ang mga Ethereum wallet ay mga application na nagpapahintulot sa iyong kontrolin ang iyong account. Katulad ng iyong pisikal na wallet, narito ang lahat ng kailangan mo para patunayan ang iyong pagkakakilanlan at pangasiwaan ang mga asset mo. Gamit ang wallet, magagawa mong mag-sign in sa mga application, tingnan ang balanse mo, magpadala ng mga transaksyon, at i-verify ang iyong pagkakakilanlan.

Karaniwang ginagamit ng karamihan ang mga wallet para pangasiwaan ang kanilang mga digital asset at pagkakakilanlan.

Ang iyong wallet ay isang tool para pamahalaan ang iyong Ethereum account. Ibig sabihin, pmaaari kang magpalit ng wallet provider anumang oras. Gamit ang maraming wallet, mapapamahalaan mo rin ang ilang Ethereum account mula sa isang application.

Hindi hawak ng mga wallet provider ang iyong pondo. Binibigyan ka lang nila ng paraan para makita ang mga asset mo sa Ethereum at mga tool upang madali mo itong pamahalaan.

Ang app para sa pamamahala ng iyong pondo

Ipinapakita ng iyong wallet ang iyong mga balanse, at kasaysayan ng transaksyon at nagbibigay ito sa iyo ng paraan upang magpadala/makatanggap ng pondo. Ang ilang wallet ay maaaring mag-alok ng iba pang mga bagay.

Ang iyong Ethereum account

Ang iyong wallet ay ang iyong window sa iyong Ethereum account – ang iyong balanse, kasaysayan ng transaksyon, at higit pa. Ngunit maaari kang magpalit ng mga wallet provider anumang oras.

Ang iyong login para sa Ethereum apps

Pinapahintulutan ka ng iyong wallet na kumonekta sa mga application gamit ang iyong Ethereum account. Para itong pag-login na magagamit mo sa iba't ibang app.

Mga wallet, account, key at address

Mahalaga na maintindihan ang pagkakaiba sa mga importanteng termino.

  • Isang pares ng susi ang ethereum account. Ang ay ginagamit upang lumikha ng address na maaari mong ibahagi ng malaya, at ang ay dapat mong itago dahil ito ay ginagamit upang lagdaan ang mga bagay. Ang mga susi na ito ang magpapahintulot sa iyo na magkaroon ng mga asset at gumawa ng mga transaksyon.

  • Mayroong address ang isang Ethereum account, katulad ng inbox ay mayroong email address. Ito ay ginagamit upang matukoy ang iyong mga digital na asset.

  • Ang wallet ay isang tool na magpapahintulot sa iyo na pamahalaan ang iyong account, gamit ang iyong mga susi. Pinapahintulutan ka nitong tingnan ang iyong account balance, magpadala ng mga transaksyon, at marami pang iba.

Karamihan sa mga produkto ng wallet ay papahintulutan kang bumuo ng isang Ethereum account. Kaya hindi mo na kailangan bago ka mag-download ng wallet.

Mga uri ng wallet

May ilang paraan upang mag-interface at mag-interact sa inyong account:

Ang mga physical hardware wallet ay mga device na nagpapahintulot sa iyo na itago ang iyong crypto nang offline – napakaligtas

Mga mobile application na ginagawang accessible ang iyong mga pondo kahit saan

Ang browser wallets ay mga web application na nagbibigay-daan sa iyo na pamahalaan ang iyong account nang direkta sa browser

Ang mga browser extension wallet ay mga extension na iyong ida-download na nagbibigay-daan sa iyo na pamahalaan ang iyong account at mga application sa pamamagitan ng browser

Mga desktop application kung mas pinipili mong pamahalaan ang iyong pondo sa pamamagitan ng macOS, Windows o Linux

Ihambing ang mga wallet batay sa mga feature

Matutulungan ka naming piliin ang iyong wallet batay sa mga feature na mahalaga sa iyo.
Maghanap ng wallet

Paano manatiling ligtas

Ang kalayaan sa pananalapi at ang kakayahan na ma-access at magamit ang pondo kahit saan ay may kasamang responsibilidad – walang customer support sa crypto. Responsibilidad mong panatilihing ligtas ang iyong mga susi.

Magkaroon ng responsibilidad para sa sarili mong pondo

Sa sentralisadong palitan, iuugnay ang iyong wallet sa isang username at password na mare-recover mo sa tradisyonal na paraan. Tandaan lang na iniaasa mo sa palitan na iyon ang pangangalaga sa iyong pondo. Kung magkakaroon ng problemang pinansyal ang palitan na iyon, malalagay sa panganib ang iyong pondo.

Isulat ang iyong

Ang mga wallet ay madalas na magbibigay sa iyo ng isang seed phrase na dapat mong isulat sa isang lugar na ligtas. Ito lang ang paraan upang mabawi mo ang iyong wallet.

Narito ang isang halimbawa:

there aeroplane curve vent formation doge possible product distinct under spirit lamp

Huwag itong ilagay sa isang computer. Isulat ito at panatilihin itong ligtas.

I-bookmark ang iyong wallet

Kung gumagamit ka ng web wallet, i-bookmark ang site upang protektahan ang iyong sarili laban sa mga phishing scam.

Tatlong beses suriin ang lahat

Tandaan na ang mga transaksyon ay hindi nababawi at ang mga wallet ay hindi madaling ma-recover kaya palaging mag-ingat.

Iba pang mga tip sa pananatiling ligtas

Mula sa komunidad

Tuklasin ang Ethereum

Test your Ethereum knowledge

Nakatulong ba ang pahinang ito?