Magpatakbo ng Node
Ikaw ang magkokontrol sa lahat.
Magpatakbo ng sarili mong node.
Maging ganap na sovereign habang tumutulong na i-secure ang network. Maging Ethereum.
Ano ang ibig sabihin ng "pagpapatakbo ng node"?
Magpatakbo ng software.
Kilala bilang 'client', nagda-download ang software na ito ng kopya ng Ethereum blockchain at vine-verify nito ang validity ng bawat block, at pagkatapos ay pinapanatili nito itong updated sa mga bagong block at transaksyon, at tumutulong ito sa ibang mag-download at mag-update ng kanilang sariling mga kopya.
May hardware.
Ang Ethereum ay idinisenyo para magpatakbo ng node sa karaniwang computer na ginagamit ng consumer. Puwede kang gumamit ng anumang personal na computer, pero pinipili ng karamihan sa mga user na patakbuhin ang kanilang node sa hardware na para lang talaga dito, nang sa gayon ay maiwasang makaapekto sa performance ng kanilang machine at bawasan ang downtime ng node.
Habang online.
Mukhang kumplikado sa simula ang pagpapatakbo ng Ethereum node, pero sa katunayan, tuloy-tuloy na pagpapatakbo lang ito ng client software sa computer habang nakakonekta sa internet. Kapag offline, hindi magiging aktibo ang iyong node hanggang sa maging online na ito ulit at makahabol sa mga pinakabagong pagbabago.
Sino ang dapat magpatakbo ng node?
Kayong lahat! Hindi lang para sa mga validator ng patunay ng stake ang mga node. Kahit sino ay puwedeng magpatakbo ng node—hindi mo kailangan ng ETH.
Hindi mo kailangang mag-stake ng ETH para magpatakbo ng node. Sa katunayan, pinapanagot ng lahat ng iba pang node sa Ethereum ang mga validator.
Maaaring hindi mo makuha ang mga financial reward na nakukuha ng mga validator, pero marami pang ibang benepisyo ng pagpapatakbo ng node na dapat isaalang-alang ng anumang user ng Ethereum, kasama na ang privacy, seguridad, hindi masyadong pagdepende sa mga third-party server, paglaban sa censorship, at pinabuting kalagayan at decentralization ng network.
Ang pagkakaroon ng sarili mong node ay nangangahulugang hindi mo na kailangang umasa sa impormasyon tungkol sa estado ng network mula sa third party.
Huwag magtiwala. Mag-verify.
Bakit dapat magpatakbo ng node?
Pagsisimula
Noong bago pa ang lang ang network, kailangan ng mga user na magkaroon ng kakayahan na makipag-interface sa command-line upang magamit ang isang Ethereum node.
Kung ito ang gusto mo, at mayroon kang mga kasanayan, huwag kang mag-atubiling tingnan ang aming mga teknikal na dokumento.
Ngayon, mayroon tayong DAppNode, na isang libre at open-source na software na nagbibigay sa mga user ng karanasang katulad ng sa app habang pinapamahalaan ang kanilang node.
Sa ilang tap lang, mapapatakbo mo na ang iyong node.
Sa tulong ng DAppNode, madali para sa mga user na magpatakbo ng mga full node, pati na rin ng mga dapp at iba pang P2P network, nang hindi kailangang galawin ang command-line. Pinapadali nito para sa lahat na makilahok at gumawa ng mas decentralized na network.
Ikaw ang pipili ng adventure mo
Kakailanganin mo ng hardware para magsimula. Bagama't puwede kang magpatakbo ng node software sa personal computer, mas maganda kung may sariling machine ang node mo para mas maganda ang performance nito at hindi nito masyadong maapektuhan ang iyong pangunahing computer.
Kapag pumipili ng hardware, isiping patuloy na lumalaki ang chain, at tiyak na kakailanganin ang maintenance. Kapag mas mataas ang specs, mas matagal bago mangailangan ng maintenance ang node.
Bumili ng fully loaded
Mag-order ng plug and play option sa mga vendor para sa pinakamadaling onboarding experience.
- Walang kailangang gawin.
- App-like setup na may GUI.
Hindi kailangan ng command-line.
Gumawa ng sarili mong node
Mas mura at mas customizable na opsyon para sa mga medyo mas teknikal na user.
- Ikaw ang kukuha ng sarili mong parts.
- I-install ang DAppNode.
- O, pumili ng sarili mong OS at mga client.
Gumawa ng sarili mong node
Hakbang 1 – Hardware
Minimum na specs
4 - 8 GB RAM
2 TB SSD
Kailangan ang SSD para sa mga kinakailangang bilis ng pag-write.
推荐的
- Intel NUC, 7th gen o mas bago
x86 processor
- Wired na internet connection
Hindi kailangan, pero mas madaling mag-set up at tuloy-tuloy ang koneksyon kapag mayroon nito
- Display screen at keyboard
Maliban na lang kung ginagamit mo ang DAppNode, o ssh/headless setup
Hakbang 2 – Software
Opsyon 1 – DAppNode
Kapag handa ka na sa iyong hardware, mada-download ang DAppNode operating system gamit ang anumang computer at mai-install ito sa isang bagong SSD sa pamamagitan ng USB drive.
Opsyon 2 – Command line
Para sa maximum na kontrol, maaaring mas gusto ng mga experienced na user na gamitin ang command line.
Tingnan ang aming mga dokumento ng developer para sa iba pang impormasyon sa pagsisimula sa pagpili ng client.
Maghanap ng mga tutulong sa iyo
Sa mga online platform tulad ng Discord o Reddit, maraming community builder ang handang tumulong kung mayroon kang anumang tanong.
Hindi ka nag-iisa. Kung may tanong ka, malaman na may makakatulong sa iyo ditong mahanap ang sagot.
Karagdagang pagbabasa
Stake your ETH
Bagama't hindi kinakailangan, kapag mayroon kang isang node na pinapatakbo, lalo kang mapapalapit sa pag-stake ng ETH mo para makakuha ng mga reward at makatulong sa pag-contribute sa ibang component ng seguridad ng Ethereum.
May planong mag-stake?
Upang i-maximize ang efficiency ng iyong validator, inirerekomenda ang minimum na 16GB RAM, ngunit mas mainam kung 32GB, na may CPU benchmark score na 6667+ sa cpubenchmark.net(opens in a new tab). Inirerekomenda rin na may access ang mga staker sa unlimited at high-speed na internet bandwidth, bagama't hindi ito ganap na kinakailangan.
Mas maraming idinedetalye ang EthStaker sa isang oras na special na ito - Paano bumili ng Ethereum validator hardware(opens in a new tab)
Isang note tungkol sa Raspberry Pi (ARM processor)
Ang mga Raspberry Pi ay mga lightweight at abot-kayang computer, ngunit may mga limitasyon ang mga ito na maaaring makaapekto sa performance ng iyong node. Bagama't hindi ito inirerekomenda sa ngayon para sa staking, maaari itong maging maganda at murang opsyon para sa pagpapatakbo ng isang node para sa personal na paggamit, kahit na mayroon lang 4 - 8 GB na RAM.
- Ethereum sa dokumentasyon ng ARM(opens in a new tab) - Alamin kung paano mag-set up ng node sa pamamagitan ng command line sa Raspberry Pi
- Magpatakbo ng node gamit ang Raspberry Pi - Sundan ito kung mas gusto mo ang mga tutorial