Lumaktaw sa main content
Isang paglalarawan ng isang futuristic na lungsod, na kumakatawan sa Ethereum ecosystem.

Maligayang pagdating sa Ethereum

Ang Ethereum ay ang teknolohiyang pinapatakbo ng komunidad na nagpapagana sa cryptocurrency na ether (ETH) at libo-libong decentralized na application.

I-explore ang Ethereum

Magsimula

ang ethereum.org ay ang iyong portal sa mundo ng Ethereum. Ang teknolohiya ay bago at patuloy na umuunlad – nakakatulong na magkaroon ng gabay. Narito ang inirerekomenda naming gawin mo kung gusto mong alamin pa ang tungkol dito.
Ilustrasyon ng isang taong nagtatrabaho sa isang computer.

Ano ang Ethereum?

Ang Ethereum ay isang teknolohiya na tahanan ng digital na pera, mga pandaigdigang pagbabayad, at mga application. Nakabuo ang komunidad ng umuusbong na digital na ekonomiya, mga bagong paraan para kumita ang mga creator online, at marami pang iba. Bukas ito sa lahat, nasaan ka man sa mundo – ang kailangan mo lang ay ang internet.
Ano ang Ethereum?Higit pa sa digital pera
Ilustrasyon ng isang taong sumilip sa isang bazaar, na nilalayong kumatawan sa Ethereum.

Isang mas patas na sistema ng pananalapi

Ngayon, bilyon-bilyong tao ang hindi makapagbukas ng mga bank account, samantalang naba-block naman ang mga pagbabayad ng iba. Ang decentralized na sistema ng pananalapi (DeFi) ng Ethereum ay hindi kailanman natutulog o nandidiskrimina. Sa pamamagitan lang ng isang koneksyon sa internet, maaari kang magpadala, tumanggap, humiram, kumita ng interes, at kahit na mag-stream ng mga pondo saanman sa mundo.
Ilustrasyon ng mga kamay na nag-aalok ng simbolo ng ETH.

Ang internet ng mga asset

Ang Ethereum ay hindi lang para sa digital na pera. Ang anumang bagay na maaari mong pag-aari ay maaaring katawanin, i-trade at gamitin bilang mga non-fungible token (NFTs). Maaari mong i-tokenize ang iyong sining at awtomatikong makakuha ng mga royalty sa tuwing ito ay muling ibenta. O gumamit ng token para sa isang bagay na pagmamay-ari mo para makapag-loan. Ang mga posibilidad ay lumalaki sa lahat ng oras.
Isang logo ng Eth na ipinapakita sa pamamagitan ng hologram.

Isang open na internet

Ngayon, nakakakuha kami ng access sa 'libreng' mga serbisyo sa internet sa pamamagitan ng pagbibigay ng kontrol sa aming personal na data. Ang mga serbisyo ng Ethereum ay open bilang default – kailangan mo lang ng wallet. Ang mga ito ay libre at madaling i-set up, kinokontrol mo, at gumagana nang walang anumang personal na impormasyon.
Ilustrasyon ng isang futuristic na computer set up, na pinapagana ng mga kristal ng Ethereum.
Mga halimbawa ng code
Sarili mong bangko
Puwede kang gumawa ng bangko gamit ang logic na na-program mo.
Sarili mong salapi
Maaari kang lumikha ng mga token na maaari mong ilipat at gamitin sa mga application.
Isang JavaScript Ethereum wallet
Maaari mong gamitin ang mga umiiral na language upang makipag-ugnayan sa Ethereum at iba pang mga application.
Isang DNS na open at walang kinakailangang pahintulot
Maaari mong muling isipin ang mga kasalukuyang serbisyo bilang mga decentralized at open na appication.

Isang bagong hangganan para sa development

Ang Ethereum at ang mga app nito ay transparent at open source. Maaari mong i-fork ang code at muling gamitin ang functionality na binuo na ng iba. Kung ayaw mong matuto ng bagong language, maaari ka lang makipag-ugnayan sa open-sourced code gamit ang JavaScript at iba pang mga language.

Ethereum ngayon

Ang pinakabagong mga istatistika ng network

Sumali sa komunidad ng ethereum.org

Sumali sa halos 40,000 miyembro sa aming Discord server(opens in a new tab).

Sumali sa ating mga buwanang tawag ng komunidad para sa mga nakasasabik na update sa development ng Ethereum.org at mahalagang balita sa ecosystem. Magkaroon ng pagkakataong magtanong, magbahagi ng mga ideya, at magbigay ng feedback - ito ang pinakamagandang pagkakataon upang maging bahagi ng umuunlad na komunidad ng Ethereum.

☎️ ethereum.org Community Call - August 2024

Agosto 29, 2024 nang 15:00

(UTC)

Join Discord(opens in a new tab)Idagdag sa kalendaryo(opens in a new tab)

Mga paparating na tawag


Ago 6, 2024

Mga dating tawag


I-explore ang ethereum.org