Lumaktaw sa main content

Paano i-stake ang iyong ETH

Magkaroon ng mga reward habang sine-secure ang Ethereum

Ang staking ay public good para sa Ethereum ecosystem. Ang sinumang user na may kahit ilang ETH ay makakatulong na i-secure ang network at makakakuha ng mga reward habang isinasagawa ito.

    Larawan ng Rhino mascot para sa staking launchpad.
    31,288,891
    Kabuuang halaga ng ETH na na-stake
    979,185
    Kabuuang bilang ng mga validator
    3.3%
    Kasalukuyang APR

    Ano ang staking?

    Ang staking ay tumutukoy sa pagdedeposito ng 32 ETH upang ma-activate ang software ng validator. Bilang validator, ikaw ang magiging responsable sa pag-store ng data, pagpoproseso ng mga transaksyon, at pagdadagdag ng mga bagong block sa blockchain. Papanatilihin nitong secure ang Ethereum para sa lahat at makakakuha ka ng bagong ETH habang isinasagawa ito.

    Bakit dapat i-stake ang iyong ETH?

    Makakuha ng mga reward

    Ibinibigay ang mga reward para sa mga pagkilos na tutulong sa network na maabot ang consensus. Makakatanggap ka ng mga reward para sa pagpapatakbo ng software na maaayos na nagba-batch ng mga transaksyon sa mga bagong block at sumusuri sa gawa ng iba pang validator dahil pinapanatili nitong tumatakbo nang secure ang chain.

    Mas maigting na seguridad

    Habang dumarami ang ETH na sine-stake, mas tumatatag ang network laban sa mga atake, dahil kailangan ng mas maraming ETH para kontrolin ang malaking bahagi ng network. Upang maging isang banta, kakailanganin mong pangasiwaan ang karamihan sa mga validator na nangangahulugang kakailanganin mong kontrolin ang malaking bahagi ng ETH sa system–ang dami no'n!

    Mas napapanatiling

    Hindi kailangang gumawa ng mga staker ng mga energy-intensive computation para sa patunay ng gawain para lumahok sa pag-secure sa network. Ibig sabihin nito, mapapatakbo ang mga staking node sa simpleng hardware na napakakaunti lang ang kinokonsumong enerhiya.

    Iba pang detalye tungkol sa pagkonsumo ng enerhiya ng Ethereum

    Paano i-stake ang iyong ETH

    Nakadepende ito sa kung gaano kalaki ang kaya mong i-stake. Kailangan mo ng 32 ETH upang i-activate ang sarili mong validator, pero posible ring mag-stake ng mas kaunti dito.

    Tingnan ang mga opsyon sa ibaba at piliin ang pinakamainam para sa iyo, at para sa network.

    Solo home staking

    Pinakamabisa

    Ganap na kontrol

    Kumpletong reward

    Hindi Kailangang Umasa sa Third Party

    Ang solo staking sa Ethereum ang pinakamainam na sitwasyon para sa staking. Ibinibigay nito ang kumpletong reward para sa pakikilahok, pinapaganda nito ang decentralization ng network, at hinding-hindi nito hihilinging ipaubaya sa iba ang pondo mo.

    Ang mga nagpaplanong mag-solo staking ay dapat mayroong hindi bababa sa 32 ETH at nakalaang computer na nakakonekta sa internet ~24/7. Makakatulong kung may kaunting teknikal na kaalaman, pero mayroon nang mga madaling gamiting tool para tumulong na pasimplehin ang prosesong ito.

    Iba pang detalye tungkol sa solo staking

    Staking bilang serbisyo

    Ang Iyong 32 ETH

    Ang mga key ng iyong validator

    Ipinagkatiwalang operasyon ng node

    Kung ayaw mo o hindi ka kumportableng mangasiwa ng hardware pero gusto mo pa ring i-stake ang iyong 32 ETH, binibigyang-daan ka ng mga opsyon sa staking-as-a-service na italaga ang mahirap na trabaho habang nakakakuha ka ng mga native na block reward.

    Kadalasang ginagabayan ka ng mga opsyong ito sa paggawa ng set ng mga kredensyal ng validator, pag-upload ng iyong mga signing key sa mga ito, at pagdedeposito ng iyong 32 ETH. Binibigyang-daan nito ang serbisyo na mag-validate para sa iyo.

    Sa paraang ito ng staking, kailangang magtiwala sa provider. Para malimitahan ang counter-party risk, kadalasang ikaw ang magtatabi ng mga key para ma-withdraw ang iyong ETH.

    Pooled staking

    Mag-stake ng kahit anong halaga

    Kumita ng mga gantimpala

    Panatilih itong simple

    Tinatangkilik

    Mayroon na ngayong ilang pooling solution na tutulong sa mga user na wala o hindi kumportableng mag-stake ng 32 ETH.

    Kasama sa mga opsyong ito ang kilala bilang 'liquid staking' na gumagamit ng ERC-20 liquidity token na kumakatawan sa iyong staked ETH.

    Madaling makakaalis kahit kailan dahil sa liquid staking at ginagawa nitong kasing simple ng token swap ang staking. Pinapayagan din ng opsyong ito ang mga user na itabi ang kanilang mga asset sa sarili nilang Ethereum wallet.

    Hindi native sa Ethereum network ang pooled staking. Mga third party ang gumagawa ng mga solution na ito, at may kanya-kanyang panganib ang mga ito.

    Centralized exchanges

    Pinakahindi mabisa

    Pinakamatataas na trust assumption

    Nagbibigay ang maraming centralized exchange ng mga serbisyo sa staking kung hindi ka pa kumportable sa pagtatabi ng ETH sa sarili mong wallet. Puwedeng gamiting fallback ang ito para kumita ka sa mga hawak mong ETH nang hindi masyadong nakatutok o napapagod.

    Ang kapalit nito ay pinagsasama-sama ng mga centralized provider ang malalaking pool ng ETH para magpatakbo ng maraming validator. Ito ay maaaring mapanganib para sa network at sa mga user nito dahil gumagawa ito ng malaki at centralized na target at point of failure, at dahil dito, mas madaling mabibikitma ng mga atake o bug ang network.

    Ayos lang kung hindi ka kumportableng pangasiwaan ang sarili mong mga key. Narito ang mga opsyong ito para sa iyo. Sa ngayon, tingnan ang aming wallets page, kung saan puwede mong simulang alamin kung paano mo magiging tunay na pagmamay-ari ang mga pondo mo. Kapag handa ka na, bumalik ka at i-level up ang staking game mo sa pamamagitan ng pagsubok sa isa sa mga serbisyo sa self-custody na pooled staking.

    Kung napansin mo, maraming paraan para makilahok sa Ethereum staking. Iba't ibang user ang tina-target ng mga paraang ito, at sa pangkalahatan, natatangi ang lahat ng paraan at magkakaiba ang mga panganib, reward, at trust assumption ng mga ito. Mas decentralized, battle-tested at/o mapanganib ang ilan kaysa sa iba. Nagbibigay kami ng kaunting impormasyon sa mga tinatangkilik na page sa space, pero palaging mag-research bago magpadala ng ETH kahit saan.

    Paghahambing ng opsyon sa staking

    Walang nag-iisang solution na babagay sa lahat pagdating sa staking, at natatangi ang bawat isa sa mga ito. Dito, ihahambing natin ang ilan sa mga panganib, reward, at kahingian ng iba't ibang paraan ng pag-stake.

    Solo staking

    Mga Reward

    • Maximum rewards - matanggap ang kumpletong reward nang direkta mula sa protocol
    • Makakatanggap ka ng mga reward para sa pag-batch ng mga transaksyon sa isang bagong block o pagsusuri sa gawa ng iba pang validator para panatilihing secure na tumatakbo ang chain
    • Matatanggap mo rin ang mga hindi nagamit na bayarin sa transaksyon para sa mga block na imumungkahi mo

    风险

    • Naka-stake ang ETH mo
    • May mga penalty na babayaran gamit ang ETH kapag nag-offline ka
    • Maaaring magresulta ang mapaminsalang kagawian sa 'pag-slash' ng malalaking halaga ng ETH at puwersahang pagtatanggal sa network

    Mga Kahingian

    • Dapat kang magdeposito ng 32 ETH
    • Pangalagaan ang hardware na nagpapatakbo ng Ethereum execution client at consensus client habang nakakonekta sa internet
    • Gagabayan ka ng Staking Launchpad(opens in a new tab) sa buong proseso at sa mga kahingian sa hardware

    Staking bilang serbisyo

    Mga Reward

    • Kadalasang makukuha dito ang kumpletong protocol reward nang ibinawas ang buwanang bayarin para sa operasyon ng node
    • Madalas na available ang mga dashboard para madali mong masubaybayan ang iyong validator client

    风险

    • Kapareho ng mga panganib ng solo staking, at counter-party risk ng service provider
    • Ipinagkakatiwala ang paggamit ng iyong mga signing key sa ibang taong puwedeng kumilos sa mapaminsalang paraan

    Mga Kahingian

    • Magdeposito ng 32 ETH at gawin ang iyong mga key nang may tulong
    • I-store nang maayos ang iyong mga key
    • Hindi mo na kailangang problemahin ang iba pa, bagama't mag-iiba-iba ang mga partikular na serbisyo

    Pooled staking

    Mga Reward

    • Iba ang paraan ng pagkakamit ng mga reward ng mga pooled staker, depende sa paraan ng pooled staking na pinili
    • Maraming serbisyo sa staking ang nag-aalok ng isa o higit pang liquidity token na kumakatawan sa iyong staked ETH at sa iyong share ng mga validator reward
    • Ang mga liquidity token ay maaaring pangasiwaan sa sarili mong wallet, gamitin sa DeFi, at ibenta kung magpapasya kung umalis

    风险

    • Nag-iiba-iba ang mga panganib depede sa paraang ginamit
    • Sa pangkalahatan, ang mga panganib ay binubuo ng kumbinasyon ng counter-party, smart contract at execution risk

    Mga Kahingian

    • Pinakamababang halaga ng ETH ang kinakailangan, 0.01 ETH lang ang kailangan sa ilang proyekto
    • Direktang magdeposito mula sa iyong wallet sa ibang mga pooled staking platform o i-trade lang para sa isa sa mga staking liquidity token

    FAQ

    Nakatulong ba ang page na ito?