Lumaktaw sa main content

I-set up ang iyong lokal na development environment

Kung handa ka nang magsimulang gumawa, oras na para pumili ng iyong stack.
Ito ang mga tool at framework na magagamit mo at makakatulong sa iyong gawin ang iyong Ethereum application.

Mga framework at pre-made stack

Inirerekomenda naming pumili ng framework, lalo na kung baguhan ka pa lang. Ang pagbuo ng isang buong dapp ay nangangailangan ng iba't ibang teknolohiya. Mayroon ang mga framework ng marami sa mga kinakailangang feature o nagbibigay ito ng madadaling plugin system para mapili ang mga tool na gusto mo.

Maraming out-of-the-box functionality ang mga framework na ito, tulad ng:

  • Mga feature para gumawa ng lokal na blockchain instance.
  • Utilities para ma-compile at ma-test ang mga smart contract mo.
  • Mga client development add-on para gawin ang iyong user-facing application sa parehong proyekto/repository.
  • Configuration na gagamitin para kumonekta sa mga Ethereum network at mag-deploy ng mga kontrata, sa locally running instance man o sa isa sa mga pampublikong network ng Ethereum.
  • Decentralized na app distribution - mga integration sa mga opsyon sa storage tulad ng IPFS.
alt-eth-blocks

Nakatulong ba ang page na ito?