Lumaktaw sa main content

Mga decentralized autonomous organization (mga DAO)

  • Mga komunidad ng mga miyembro na walang sentralisadong pamumuno.
  • Isang ligtas na paraan para makipag-collaborate sa mga hindi kakilala sa internet.
  • Isang lugar kung saan ligtas magbigay ng pondo para sa partikular na layunin.
Representasyon ng botohan ng DAO sa isang panukala.

Ano ang mga DAO?

Ang DAO ay isang collectively-owned, blockchain-governed na organisasyon na naglalayong makamit ang iisang layunin.

Ang mga DAO ay nagbibigay-daan sa atin na makipagtulungan sa mga kapwa natin sa buong mundo nang hindi kinakailangang umasa sa isang mapagmalasakit na pinuno para pamahalaan ang pera o operasyon. Walang CEO na gagastos sa pondo nang basta-basta o CFO na magmamanipula ng mga libro. Sa halip, ang mga blockchain-based na panuntunan na inilagay sa code ang nagtatakda sa kung paano gumagana ang organisasyon at paano ginagastos ang pondo.

May mga built-in treasury ang mga ito na hindi maa-access ng kahit sino kung walang pahintulot mula sa grupo. Nagpapasya sa pamamagitan ng mga panukala at botohan para tiyaking may boses ang lahat sa organisasyon, at transparent na nangyayari ang lahat on-chain.

Bakit kailangan natin ang mga DAO?

Sa pagsisimula ng organisasyon kasama ng isang tao kung saan maglalabas ng pondo at pera, kailangang magtiwala nang husto sa mga makakatrabaho mo. Ngunit mahirap magtiwala sa isang taong nakausap mo lang sa internet. Sa pamamagitan ng mga DAO, hindi mo na kailangang magtiwala sa kahit sino sa grupo, kundi sa code lang mismo ng DAO, na 100% transparent at mave-verify ng kahit sino.

Magbubukas ito ng maraming bagong oportunidad para sa global na collaboration at koordinasyon.

Paghahambing

DAOIsang tradisyonal na organisasyon
Karaniwang pantay, at ganap na demokratiko.Karaniwang may hirarkiya.
Kailangang magbotohan ang mga miyembro para ipatupad ang anumang pagbabago.Depende sa structure, maaaring hilingin ang mga pagbabago mula sa iisang panig, o maaaring magkaroon ng botohan.
Bibilangin ang mga boto, at awtomatikong ipapatupad ang resulta kahit walang pinagkakatiwalaang intermediary.Kung papayagan ang botohan, internal na binibilang ang mga boto, at dapat mano-manong pangasiwaan ang resulta ng botohan.
Awtomatikong decentralized ang pangangasiwa sa mga serbisyong iniaalok (halimbawa, pamamahagi ng philantropic funds).Kailangang pangasiwaan ng tao, o ng centrally controlled automation, maaaring mamanipula.
Transparent at ganap na pampubliko ang lahat ng aktibidad.Karaniwang pribado at hindi ipinapakita sa publiko ang aktibidad.

Mga halimbawa ng DAO

Upang mas madali itong maunawaan, narito ang ilang halimbawa kung paano maaaring gamitin ang DAO:

  • Charity – puwede kang tumanggap ng donasyon mula sa kahit sino sa mundo at bumoto sa kung aling mga layunin ang susuportahan.
  • Collective ownership – puwede kang bumili ng mga physical at digital asset at puwedeng magbotohan ang mga miyembro sa kung paano gagamitin ang mga ito.
  • Mga venture at grant – puwede kang bumuo ng venture fund kung saan pinagsama-sama ang kapital para sa investment at magbobotohan para pumili ng mga venture na susuportahan. Ang perang ibinayad ay maaaring i-redistribute sa mga miyembro ng DAO kalaunan.

Paano gumagana ang mga DAO?

Ang pundasyon ng isang DAO ay ang smart contract nito, na nagtatakda ng mga panuntunan ng organisasyon at nagpapanatili ng treasury ng grupo. Kapag live na ang kontrata sa Ethereum, walang sinumang makakapagbago ng mga panuntunan maliban sa pamamagitan ng boto. Kung may magtatangkang gumawa ng isang bagay na hindi saklaw ng mga panuntunan at logic sa code, hindi ito maisasagawa. At dahil itinatakda rin ng smart contract ang treasury, wala ring sinumang puwedeng gumastos ng pera nang walang pahintulot ng grupo. Ibig sabihin nito, hindi nangangailangan ang mga DAO ng isang sentral na awtoridad. Sa halip, ang grupo ay nagdedesisyon nang sama-sama, at ang mga pagbabayad ay awtomatikong pinapahintulutan kapag pumasa ang mga boto.

Posible ito dahil hindi mababago ang mga smart contract kapag live na ang mga ito sa Ethereum. Hindi mo mae-edit nang basta-basta ang code (ang mga panuntunan ng DAO) nang hindi napapansin ng mga tao dahil ang lahat ay pampubliko.

Ethereum at Mga DAO

Ang Ethereum ang angkop na pundasyon para sa mga DAO dahil sa mga sumusunod:

  • Ipinapamahagi at napatunayan na ang sariling consensus ng Ethereum, kung kaya, mapagkakatiwalaan ng mga organisasyon ang network.
  • Hindi na mababago ang smart contract code kapag live na ito, kahit ng mga may-ari nito. Dahil dito, tumatakbo ang DAO ayon sa mga panuntunang itinakda para dito.
  • Nakakapagpadala/nakakatanggap ng pondo ang mga smart contract. Kung wala nito, kakailanganin mo ng mapagkakatiwalaang intermediary para pamahalaan ang pondo ng grupo.
  • Napatunayan nang mas collaborative kaysa kompetitibo ang komunidad ng Ethereum, kung kaya, mabilis na lumalabas ang pinakamagagandang kagawian at mga support system.

Pamamahala ng DAO

Maraming dapat isaalang-alang kapag namamahala ng DAO, tulad ng proseso ng pagboto at pagpapanukala.

Delegasyon

Ang delegasyon ay parang bersyon ng DAO ng representative democracy. Dine-delegate ng mga may-ari ng token ang kanilang mga boto sa mga user na nagpresenta ng kanilang sarili at nakatuon sa pangangalaga sa protocol at sa pananatiling updated.

Isang kilalang halimbawa

ENS(opens in a new tab) – Maaaring i-delegate ng mga may-ari ng ENS ang kanilang mga boto sa mga aktibong miyembro ng komunidad upang katawanin sila.

Awtomatikong pamamahala ng transaksyon

Sa mga DAO, ang mga transaksyon ay awtomatikong isasagawa kung bumoto ng pabor ang isang partikular na bilang ng mga miyembro.

Isang kilalang halimbawa

Nouns(opens in a new tab) – Sa Nouns DAO, awtomatikong isasagawa ang transaksyon kung naabot ang isang partikular na bilang ng mga boto, at marami sa mga ito ang bumoto ng pabor, basta't hindi babaligtarin ng mga founder ang pasya.

Multisig na pamamahala

Bagama't may libo-libong miyembrong bumoboto sa mga DAO, puwedeng itabi ang pondo sa wallet na pinaghahatian ng 5-20 akitbong miyembro ng komunidad na pinagkakatiwalaan at karaniwang doxxed (mga pampublikong indibidwal na kilala ng komunidad). Matapos ang botohan, ipapatupad ng mga multisig signer ang kagustuhan ng komunidad.

Mga batas sa DAO

Noong 1977, nilikha sa Wyoming ang LLC, na nagpoprotekta sa mga negosyante at nagbibigay limitasyon sa kanilang pananagutan. Kamakailan lang, ipinanukala rito ang batas sa DAO na nagtatakda ng legal na status para sa mga DAO. Sa kasalukuyan, may mga batas sa DAO ang Wyoming, Vermont, at Virgin Islands.

Isang kilalang halimbawa

CityDAO(opens in a new tab) – Ginamit ng CityDAO ang batas sa DAO ng Wyoming para bumili ng 40 acres ng lupa malapit sa Yellowstone National Park.

Membership sa DAO

May iba't ibang klase ng membership sa DAO. Itinatakda ng membership ang proseso ng botohan at ang iba pang mahahalagang aspeto ng DAO.

Token-based membership

Karaniwang ganap na walang pahintulot, depende sa token na ginamit. Maaaring i-trade nang walang pahintulot sa isang decentralized exchange ang karamihan sa mga governance token na ito. Kailangan namang kitain ang iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity o iba pang 'patunay ng gawain'. Sa anumang paraan, makakaboto ka basta't mayroon kang mga token grant.

Karaniwang ginagamit para pamahalaan ang mga malawak at decentralized na protocol at/o mga token mismo.

Isang kilalang halimbawa

MakerDAO(opens in a new tab) – Ang token ng MakerDAO na MKR ay malawakang makukuha sa mga decentralized exchange at puwedeng magbayad ang sinuman para magkaroon ng kapangyarihang bumoto para sa patutunguhan ng protocol ng Maker.

Membership na token-based

Sa mga share-based DAO, mas maraming pahintulot, pero medyo open pa rin ang mga ito. Ang sinumang interesadong maging miyembro ay maaaring magsumite ng proposal upang sumali sa DAO, at karaniwang nagbibigay ng tribute na may halaga, gaya ng mga token o gawa. Ang mga share ay nagbibigay ng kapangyarihan para bumoto nang direkta at ng pagmamay-ari. Puwede umalis ang mga miyembro kahit kailan at ibibigay sa kanila ang karampatang share nila ng treasury.

Karaniwan itong gamit sa mga organisasyon tulad ng mga charity, worker collective, at investment club. Maaari din nitong pamahalaan ang mga protocol at token.

Isang kilalang halimbawa

MolochDAO(opens in a new tab) – Ang MolochDAO ay nakatuon sa pagpopondo ng mga proyekto sa Ethereum. Kailangan ng grupo ng proposal para maging miyembro upang malaman nito kung may sapat kang kaalaman at kapital para magpasya tungkol sa mga potensyal na grantee. Hindi ka puwedeng bumili lang ng access sa DAO sa open market.

Membership na Reputation-based

Ang reputasyon ay nagpapakita ng patunay ng partisipasyon at nagbibigay ng kapangyarihang bumoto sa DAO. Hindi tulad ng token o share-based membership, hindi inililipat ng mga reputation-based DAO ang pagmamay-ari sa mga contributor. Hindi mabibili, mata-transfer, o made-delegate ang reputasyon. Dapat makuha ng mga miyembro ng DAO ang reputasyon sa pamamagitan ng pakikilahok. Hindi kailangan ng pahintulot sa on-chain na pagboto at magagawa ng mga nagnanais maging miyembro na magsumite ng mga proposal para makasali sa DAO at humiling na makatanggap ng reputasyon at mga token kapalit ng kanilang mga kontribusyon.

Karaniwan itong ginagamit para sa decentralized development at pamamahala ng mga protocol at dapp, pati na rin sa iba't ibang organisasyon tulad ng mga charity, worker collective, at investment club.

Isang kilalang halimbawa

DXdao(opens in a new tab) – Ang DXdao ay isang global sovereign collective na bumubuo at namamahala ng mga decentralized na protocol at application mula pa noong 2019. Ginagamit nito ang reputation-based governance at holographic consensus upang isaayos at pamahalaan ang mga pondo. Ibig sabihin nito, walang makakapagbayad para baguhin ang patutunguhan nito.

Sumali/magsimula ng DAO

Sumali sa DAO

Magsimula ng DAO

Karagdagang pagbabasa

Mga artikulo ng DAO

Videos

Nakatulong ba ang page na ito?