Lumaktaw sa main content

I-solo stake ang iyong ETH

  • Direktang makatanggap ng maximum rewards mula sa protocol para sa pagpapatakbo nang maayos sa iyong validator at pagpapanatili ritong online
  • Patakbuhin ang home hardware at personal na magdagdag sa seguridad at decentralization ng Ethereum network
  • Iwasang umasa sa iba, at huwag ibigay sa iba ang kontrol ng mga key sa pondo mo

Ano ang solo staking?

Ang solo staking ay tumutukoy sa pagpapatakbo ng Ethereum node na nakakonekta sa internet at pagdedeposito ng 32 ETH para mag-activate ng validator, na nagbibigay sa iyo ng kakayahang direktang lumahok sa network consensus.

Pinapaigting ng solo staking ang decentralization ng Ethereum network, kung kaya, mas naiiwasan ng Ethereum ang censorship at nalalabanan nito ang mga atake. Maaaring hindi makatulong sa network ang ibang paraan ng staking sa ganitong paraan. Ang solo staking ang pinakamainam na opsyon para sa pag-secure ng Ethereum.

Ang isang Ethereum node ay binubuo ng execution layer (EL) client at consensus layer (CL) client. Ang mga client na ito ay mga software na nagtutulungan, kasama ang valid na set ng mga signing key, upang mag-verify ng mga transaksyon at mga block, patunayan ang tamang head ng chain, mag-aggregate ng mga attestation, at magmungkahi ng mga block.

Ang mga solo staker ay responsable sa pagpapatakbo ng hardware na kinakailangan upang patakbuhin ang mga client na ito. Lubos na inirerekomendang gumamit ng nakalaang machine para dito na pinapatakbo mo sa tahanan–makakabuti ito para sa kalagayan ng network.

Tinatanggap ng solo staker ang mga reward nang direkta mula sa protocol para sa maayos na pagpapatakbo sa kanyang validator at pagpapanatili ritong online.

Bakit dapat mag-solo stake?

Sa solo staking, mas malaki ang responsibilidad mo pero makokontrol mo nang husto ang pondo at staking setup mo.

Kumita ng ETH

Earn ETH-denominated rewards directly from the protocol when your validator is online, without any middlemen taking a cut.

Ganap na kontrol

Keep your own keys. Choose the combination of clients and hardware that allows you to minimize your risk and best contribute to the health and security of the network. Third-party staking services make these decisions for you, and they don't always make the safest choices.

Seguridad ng network

Solo staking is the most impactful way to stake. By running a validator on your own hardware at home, you strengthen the robustness, decentralization, and security of the Ethereum protocol.

Mga dapat isaalang-alang bago mag-solo staking

Kahit na gusto nating maging accessible at walang panganib ang solo staking para sa lahat, hindi ito makatotohanan. May ilang praktikal at seryosong bagay na dapat isaalang-alang bago piliing i-solo stake ang iyong ETH.

Comparison with other options

Staking as a service (SaaS)

Sa mga SaaS provider, kailangan mo pa ring magdeposito ng 32 ETH, pero hindi mo kailangang magpatakbo ng hardware. Karaniwang hindi ka mawawalan ng access sa mga key ng iyong validator, pero kailangan mo ring ibahagi ang iyong mga signing key para makakilos ang operator para sa iyong validator. Nagdaragdag ito ng tiwala na wala kapag nagpapatakbo ka ng sarili mong hardware, at hindi tulad ng solo staking sa tahanan hindi masyadong nakakatulong ang SaaS sa heograpikong distribusyon ng mga node. Kung hindi ka kumportableng magpatakbo ng hardware pero pinaplano mo pa ring mag-stake ng 32 ETH, maaaring mainam na opsyon para sa iyo ang paggamit ng SaaS provider.

Magbasa pa tungkol sa staking as a service

Pooled staking

Ang solo staking ay mas matrabaho kaysa sa staking gamit ang serbisyo ng pooling, pero nag-aalok ito ng ganap na access sa mga ETH reward at ganap na kontrol sa setup at seguridad ng iyong validator. Ang pooled staking ay mas madaling pasukin. Puwedeng mag-stake ang mga user ng kaunting ETH, hindi nila kailangang gumawa ng mga validator key, at hindi nila kailangan ng kahit anong hardware maliban sa standard na koneksyon sa internet. Sa tulong ng mga liquidity token, makakaalis sa staking bago ito i-enable sa antas ng protocol. Kung interesado ka sa mga feature na ito, maaaring bagay sa iyo ang pooled staking.

Magbasa pa tungkol sa pooled staking

Paano ito gumagana

  1. Kumuha ng hardware: Kailangan mong magpatakbo ng node para mag-stake

  2. Mag-sync ng execution layer client

  3. Mag-sync ng consensus layer client

  4. Gawin ang mga key mo at i-load ang mga ito sa iyong validator client

  5. I-monitor at pangalagaan ang iyong node

Habang aktibo ka, magkakaroon ka ng mga ETH reward, na ide-deposito paminsan-minsan sa iyong withdrawal address.

Kung gusto mo, maaari kang umalis bilang validator, kung kaya, hindi mo na kailangang maging online at hindi mo na matatanggap ang anupamang reward. Ang iyong natitirang balanse ay iwi-withdraw sa withdrawal address na itatalaga mo sa panahon ng pag-set up.

Iba pang detalye tungkol sa mga pag-withdraw sa staking

Magsimula sa Staking Launchpad

Ang Staking Launchpad ay isang open source na application na tutulong sa iyong maging staker. Gagabayan ka nito sa pagpili ng iyong mga client, paggawa ng mga key mo at pagdedeposito ng ETH mo sa staking deposit contract. May checklist na ibinibigay upang tiyakin na nagawa mo ang lahat para ligtas na ma-set up ang iyong validator.

Pumili ng network
Holesky testnet

Ang mga solo validator ay inaasahang i-test ang setup nila at mga kasanayan sa operasyon sa Holesky testnet bago itaya ang pondo. Tandaang mahalagang pumili ng minority client dahil pinapaigting nito ang seguridad ng network at nililimitahan nito ang posibilidad na manganib ka.

Kung kumportable kang gawin ito, puwede mong i-set up ang lahat ng kailangan mula sa command line gamit lang ang Staking Launchpad.

Magsimulang mag-stake sa Holesky testnet(opens in a new tab)

Para mas mapadali, tingnan ang ilan sa mga tool at gabay sa ibaba na makakatulong sa iyo, pati na rin ang Staking Launchpad para ma-set up ang iyong mga client nang walang kahirap-hirap.

Mga tool at gabay sa software

Ano ang dapat isaalang-alang sa mga tool para sa node at client setup

Dumarami ang mga tool at serbisyo na tutulong sa iyong i-solo stake ang ETH mo, pero may iba't ibang panganib at benepisyo ang bawat isa sa mga ito.

Ang mga attribute indicator ay ginagamit sa ibaba upang ipahiwatig ang mga kapansin-pansing kalakasan o kahinaan ng isang nakalistang staking tool. Gamitin ang seksyong ito bilang sanggunian sa kung paano namin tinutukoy ang mga attribute na ito habang pumipili ka ng mga tool na tutulong sa iyong staking journey.

  • Buksan ang pinagmulan
  • Sinuri
  • Bug bounty
  • Battle tested
  • Hindi Kailangang Umasa sa Third Party
  • Permissionless
  • Multi-client
  • Pag-iingat sa sarili
  • Ekonomikal

Buksan ang pinagmulan

Ang essential code ay 100% open source at puwedeng i-fork at gamitin ng lahat

Buksan ang pinagmulan

Closed source

Tingnan ang mga tool para sa pag-set up ng node at client

May iba't ibang opsyon na available upang tulungan ka sa iyong setup. Gamitin ang mga indicator sa itaas para magabayan ka sa mga tool sa ibaba.

Ang mga Produkto at Serbisyong nakalista ay para sa kaginhawahan ng komunidad ng Ethereum. Ang pagsasama ng isang produkto o serbisyo ay hindi nangangahulugang ineendorso ito ng team ng ethereum.org website, o ng Ethereum Foundation.

Mga tool para sa node

Tandaan ang kahalagahan ng pagpili ng minority client dahil pinapaigting nito ang seguridad ng network, at nililimitahan nito ang iyong panganib. Ang mga tool na nagbibigay-daan sa iyong mag-set up ng minority client ay tinutukoy bilang "multi-client."

Mga Generator ng Key

Ang mga tool na ito ay maaaring gamitin bilang alternatibo sa Staking Deposit CLI(opens in a new tab) upang tumulong sa paggawa ng key.

May mungkahi para sa staking tool na hindi namin nabanggit? Tingnan ang aming patakaran sa product listing para malaman kung ito ay angkop, at isumite ito para masuri.

Tingnan ang mga gabay sa solo staking

Mga karaniwang itanong

Ilan ito sa mga pinakakaraniwang tanong tungkol sa staking na mahalagang malaman.

Karagdagang pagbabasa

Nakatulong ba ang page na ito?