Paano "gumawa" ng Ethereum account
Maaaring gumawa ng Ethereum account nang libre ang kahit sino, kahit kailan. May ilang paraan, ngunit ang pinakamadali at pangkaraniwang paraan ay gamitin ang isang app na kilala bilang wallet. Gumagawa at sine-secure ng mga wallet ang mga key na nagbibigay-daan sa iyong gamitin ang Ethereum. Puwede mong gamitin ang wallet mo para magpadala ng mga transaksyon, tingnan ang mga balanse ng iyong token, at kumonekta sa mga apps na ginawa sa Ethereum, gaya ng mga token exchange, laro, mga NFT marketplace, at iba pa. Pinapayagan ka na rin ngayon ng ilang "web2" app na mag-sign in sa Ethereum.
Hindi tulad ng pagbubukas ng bagong account sa isang kumpanya, ang paggawa ng Ethereum account ay malaya, pribado, at hindi kailangan ng pahintulot. Ang mga account ay kontrolado ng mga key na ginagawa mo sa tulong ng wallet mo, at hindi ibinibigay ng third party, o naka-store sa isang central registry.
Step 1: Pumili ng wallet
Ang wallet ay isang app na tumutulong sa iyong pamahalaan ang iyong Ethereum account. Ginagamit nito ang iyong mga key para magpadala at tumanggap ng mga transaksyon at mag-sign in sa mga app. Maraming iba't ibang wallet na mapagpipilian—mobile, desktop, o kahit mga browser extension.
Maghanap ng walletKung bago ka, maaari mong piliin ang filter na “Baguhan sa crypto” sa page na "maghanap ng wallet" upang matukoy ang mga wallet na naglalaman ng lahat ng kinakailangang feature na angkop para sa mga baguhan.
Mayroon ding iba pang filter ng profile na tutugon sa iyong mga pangangailangan. Ito ang mga halimbawa ng mga wallet na karaniwang ginagamit - dapat kang mag-research bago magtiwala sa anumang software.
Hakbang 2: I-download at i-install ang iyong wallet app
Kapag nakapili ka na ng partikular na wallet, bisitahin ang opisyal na website o app store nito, i-download at i-install ito. Libre ang lahat ng ito.
Hakbang 3: Buksan ang app at gawin o i-import ang iyong Ethereum account
Kapag binuksan mo ang bago mong wallet sa unang pagkakataon, posibleng papiliin ka kung gagawa ka ng bagong account o mag-i-import ka ng kasalukuyang account. Mag-click sa paggawa ng bagong account.
Hakbang 4: I-store ang iyong recovery phrase
Hihilingin sa iyo ng ilang app na mag-save ng lihim na 'seed phrase' (makikita mo ring tinutukoy ito bilang "recovery phrase" o "mnemonic"). Napakahalagang panatilihing ligtas ang seed phrase na ito! Ang seed phrase ay ginagamit upang gumawa ng isang lihim na key para sa isang account na magagamit upang mag-sign at magpadala ng mga transaksyon. Makokontrol ng sinumang nakakaalam sa seed phrase ang lahat ng account nagawa nito. Huwag ibahagi ang seed phrase sa kahit sino. Ang seed phrase ay dapat maglaman ng 12 hanggang 24 na salitang random na pinili (mahalaga ang pagkakasunod-sunod ng mga salita).
Kapag na-save mo na ang iyong seed phrase, makikita mo ang iyong balanse sa dashboard ng wallet mo. Tingnan ang aming gabay: paano gumamit ng wallet.
Mga karaniwang itanong
Magkapareho ba ang wallet ko at ang Ethereum account ko?
Hindi. Ang wallet ay isang tool sa pamamahala na tumutulong sa iyong pamahalaan ang mga account. Maaaring magbigay ng access ang isang wallet sa ilang account, at maaaring ma-access ang isang account ng maraming wallet. Ang seed phrase ay ginagamit para gumawa ng mga account na kinokontrol ng wallet.
Puwede mong ituring ang mga account bilang mga dahon sa puno na 'tumutubo' mula sa iisang seed phrase. Ang bawat natatanging seed ay magbubunga ng talagang naiibang puno ng mga account.
Maaari ba akong magpadala ng bitcoin sa isang Ethereum address, o ether sa isang Bitcoin address?
Hindi puwede. Ang bitcoin at ether ay nasa dalawang magkahiwalay na network (ibig sabihin, magkaibang blockchain). May kanya-kanyang bookkeeping model at address format ang mga ito. May iba't ibang pagsisikap nang ginawa upang i-bridge ang dalawang magkaibang network, at ang pinakaaktibo sa mga ito ay ang Wrapped bitcoin o WBTC(opens in a new tab). Hindi ito isang endorsement, dahil ang WBTC ay isang custodial solution (ibig sabihin, isang grupo ng mga tao na nagkokontrol ng ilang partikular na mahalagang function) at isinasaad lang ito dito para magbigay-kaalaman.
Kung nagmamay-ari ako ng ETH address, pagmamay-ari ko rin ba ang address na ito sa iba pang blockchain?
Maaari mong gamitin ang parehong address sa lahat ng blockchains na gumagamit ng pangunahing software na katulad ng sa Ethereum (kilala bilang 'EVM-compatible'). Ipapakita sa iyo ng listahang ito(opens in a new tab) kung aling mga blockchain ang maaari mong gamitin sa parehong address. Ang ilang blockchain, tulad ng Bitcoin, ay nagpapatupad ng ganap na naiibang set ng mga panuntunan ng network at kakailanganin mo ng ibang address na may ibang format. Kung mayroon kang smart contract wallet, dapat mong tingnan ang product website nito para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung aling mga blockchain ang sinusuportahan.
Mas ligtas ba kung may sarili akong wallet kaysa kung ilalagay ko sa isang exchange ang pondo ko?
Kapag may sarili kang wallet, ikaw ang responsable sa seguridad ng iyong mga asset. Sa kasamaang-palad, maraming halimbawa ng mga pumalyang exchange kung saan nawala ang pera ng mga customer nila. Kapag may wallet ka (na may seed phrase), mawawala ang panganib na nauugnay sa pagtitiwala sa isang entity na pangasiwaan ang mga asset mo. Gayunpaman, kailangan mong i-secure ang mga sarili mong key at iwasan ang mga phishing scam, hindi sinasadyang pag-apruba ng mga transaksyon o pagkakalantad ng mga key, pag-interact sa mga pekeng website, at iba pang panganib sa self-custody. Ang mga panganib at benepisyo ay magkaiba.
Kung mawawala ang aking telepono/hardware wallet, kailangan ko bang gamitin ulit ang parehong wallet app para maibalik ang nawalang pondo?
Hindi, puwede kang gumamit ng ibang wallet. Hangga't hawak mo ang seed phrase, maaari mo itong ilagay sa karamihan sa mga wallet at ibabalik ng mga ito ang iyong account. Mag-ingat kung gagawin mo ito: siguraduhing hindi ka nakakonekta sa internet kapag nire-recover ang wallet para hindi mabunyag nang hindi sinasadya ang seed phrase mo. Madalas na hindi na mare-recover ang mga nawalang pondo kung wala ang seed phrase.