Ano ang NFTs?
Ang mga NFT ay mga token na magkakaiba. May iba't ibang property (non-fungible) ang bawat NFT at limitado lang ang bilang nito. Iba ito sa mga token tulad ng mga ERC-20 kung saan magkakapareho at may magkakaparehong property ('fungible') ang bawat token. Wala kang pakialam sa partikular na dollar bill sa wallet mo, dahil pare-pareho at magkakasing halaga ang mga ito. Gayunpaman, mahalaga sa'yo kung aling partikular na NFT ang pagmamay-ari mo, dahil may mga natatanging property ang bawat isa, kung kaya, matutukoy mo ang pagkakaiba nito sa iba ('non-fungible').
Dahil sa pagiging natatangi ng bawat NFT, mato-tokenize ang mga bagay tulad ng art, mga collectible, o kahit real estate, kung saan kumakatawan ang isang partikular at natatanging NFT sa partikular na bagay sa totoong mundo o digital item. Sine-secure ng Ethereum blockchain ang pagmamay-ari sa isang asset β walang puwedeng magbago ng record ng pagmamay-ari o kumopya/mag-paste para gumawa ng bagong NFT.
Ang internet ng mga asset
Nilulutas ng mga NFT at Ethereum ng ilan sa mga problema sa internet ngayon. Habang nagiging mas digital ang lahat, kailangang i-replicate ang mga property ng mga pisikal na item tulad ng kakapusan, pagiging natatangi, at patunay ng pagmamay-ari. sa paraang hindi kontrolado ng isang sentral na organisasyon. Halimbawa, gamit ang mga NFT, puwede kang magmay-ari ng music mp3 na hindi para lang sa partikular na music app ng isang kumpanya, o puwede kang magmay-ari ng isang social media handle na puwede mong ibenta o i-swap, pero hindi maaaring basta-basta kunin mula sa iyo ng isang platform provider.
Ganito ang hitsura ng internet ng mga NFT kumpara sa internet na ginagamit ng karamihan sa atin ngayon...
Pag-kumpara
Internet ng NFT | Ang internet sa kasalukuyan |
---|---|
Pagmamay-ari mo ang iyong mga asset! Ikaw lang ang puwedeng magbenta at mag-swap sa mga ito. | Puwede kang magrenta ng asset mula sa isang organisasyon. |
Ang mga NFT ay digitally unique, walang dalawang NFT na magkapareho. | Kadalasan, hindi mapag-iba sa orihinal ang kopya ng isang entity. |
Ang pagmamay-ari sa isang NFT ay naka-store sa blockchain para ma-verify ng sinuman. | Ang mga record ng pagmamay-ari sa mga digital item ay naka-store sa mga server na kontrolado ng mga institusyon β dapat mo silang pagkatiwalaan. |
Ang NFTs ay mga smart contracts sa Ethereum. Ibig sabihin, madali silang gamitin sa iba pang smart contract at app sa Ethereum! | Karaniwang kailangan ng mga kumpanya na may mga digital item ng sarili nilang "walled garden" infrastructure. |
Magagawa ng mga content creator na ibenta ang kanilang gawa kahit saan at mag-access ng global market. | Umaasa ang mga creator sa infrastructure at distribusyon ng mga platform na ginagamit nila. Madalas na napapailalim ang mga ito sa mga tuntunin ng paggamit at mga limitasyon sa lokasyon. |
Puwedeng panatilihin ng mga NFT creator ang mga karapatan sa pagmamay-ari sa sarili nilang gawa, at puwede nilang direktang ilagay ang mga royalty sa kontrata ng NFT. | Naitatabi ng mga platform, tulad ng mga serbisyo sa music streaming, ang malaking bahagi ng kita mula sa mga benta. |
Paano gumagana ang mga NFT?
Tulad ng anumang token na inilabas sa Ethereum, ang mga NFT ay galing sa smart contract. Sumusunod ang smart contract sa isa sa ilang pamantayan ng NFT (karaniwang ERC-721 o ERC-1155) na nagtatakda kung ano ang mga function ng kontrata. Puwedeng lumikha ('mag-mint') ng mga NFT ang kontrata at italaga ang mga ito sa isang partikular na may-ari. Tinutukoy sa kontrata ang pagmamay-ari sa pamamagitan ng pagmamapa ng mga partikular na NFT sa mga partikular na address. Ang NFT ay may ID at nauugnay na metadata na nagbibigay ng kakaibang katangian sa token.
Kapag gumawa o nag-mint ng NFT ang isang tao, nag-e-execute talaga siya ng function sa smart contract na nagtatalaga ng partikular na NFT sa address niya. Ang impormasyon na ito ay naka-store sa storage ng kontrata, na bahagi ng blockchain. Puwedeng magdagdag pa ang creator ng kontrata ng logic sa kontrata, halimbawa, na naglilimita ng kabuuang supply o na tumutukoy ng royalty na ibabayad sa creator sa tuwing may tina-transfer na token.
Saan ginagamit ang mga NFT?
Ang mga NFT ay ginagamit para sa iba't ibang bagay, kabilang ang:
- pagpapatunay na dumalo ka sa isang event
- pagpapatunay na natapos mo ang isang kurso
- mga ownable item para sa mga laro
- digital art
- pag-tokenize sa mga real-world asset
- pagpapatunay ng iyong online na pagkakakilanlan
- pagkontrol sa access sa content
- ticketing
- mga decentralized na internet domain name
- collateral sa DeFi
Maaaring artist ka na gustong ibahagi ang gawa mo gamit ang mga NFT nang hindi nawawalan ng kontrol at nang hindi isinasakripisyo ang kita mo sa mga intermediary. Puwede kang gumawa ng bagong kontrata at tukuyin ang bilang ng mga NFT, mga property ng mga ito, at isang link sa ilang partikular na artwork. Bilang artist, puwede mong ilagay sa smart contract ang mga royalty na dapat ibayad sa iyo (halimbawa, i-transfer ang 5% ng sale price sa may-ari ng kontrata sa tuwing may tina-transfer na NFT). Palagi mo ring mapapatunayan na ginawa mo ang mga NFT dahil pagmamay-ari mo ang wallet na nag-deploy ng kontrata. Madaling mapapatunayan ng mga buyer mo na nagmamay-ari sila ng authentic na NFT galing sa koleksyon mo dahil nauugnay ang address ng wallet nila sa token sa smart contract mo. Magagamit nila ito sa buong Ethereum ecosystem nang may kumpiyansa sa authenticity nito.
O parang ticket lang sa isang sporting event. Kung paanong mapipili ng organizer ng event kung gaano karaming ticket ang ibebenta, makakapagpasya ang creator ng NFT kung ilang replica ang mayroon. Kung minsan, mga exact replica ang mga ito, tulad ng 5000 General Admission ticket. Kung minsan, may ilang mini-mint na halos magkakatulad, pero may kaunting pagkakaiba, tulad ng ticket na may nakatalagang upuan. Maaaring bilhin at ibenta nang peer-to-peer ang mga ito nang hindi kinakailangang magbayad sa mga ticket handler at palaging sigurado ang buyer sa authenticity ng ticket sa pamamagitan ng pagtingin sa address ng kontrata.
Sa ethereum.org, ginagamit ang mga NFT para ipakita na nag-contribute ang mga tao sa aming GitHub repository o sumali sa mga tawag, at mayroon din kaming sariling domain name para sa NFT. Kung magko-contribute ka sa ethereum.org, maaari kang mag-claim ng POAP NFT. May ilang crypto meetup na gumamit ng mga POAP bilang ticket. Iba pang detalye tungkol sa pag contribute.
Ang website na ito ay mayroon ding alternatibong domain name na pinapagana ng mga NFT, ang ethereum.eth. Ang aming .org
address ay sentral na pinamamahalaan ng domain name system (DNS) provider, samantalang ang ethereum.eth
ay nakarehistro sa Ethereum sa pamamagitan ng Ethereum Name Service (ENS). At pagmamay-ari at pinamamahalaan namin ito. Tingnan ang aming ENS record(opens in a new tab)
Iba pang detalye tungkol sa ENS(opens in a new tab)
Seguridad ng NFT
Ang seguridad ng Ethereum ay mula sa proof-of-stake. Ang system na ito ay idinisenyo para ekonomikal na i-disincentivize ang mga nakakapinsalang pagkilos, kung kaya, tamper-proof ang Ethereum. Ginagawa nitong posible ang mga NFT. Kapag naisapinal na ang block na naglalaman ng iyong NFT transaction, kakailanganing gumastos ng milyon-milyong ETH ang attacker para mapalitan ito. Matutukoy kaagad ng sinumang nagpapatakbo ng Ethereum software ang hindi matapat na tampering sa NFT, at papatawan ng parusa sa ekonomikal na paraan at tatanggalin ang bad actor.
Pinakamadalas na nauugnay sa mga phishing scam, vulnerability ng smart contract o error ng user (gaya ng hindi sinasadyang pagsisiwalat ng mga pribadong key) ang mga isyu sa seguridad kaugnay ng mga NFT, kung kaya, kritikal para sa mga may-ari ng NFT ang mainam na seguridad para sa wallet.
Iba pang detalye tungkol sa seguridadKaragdagang pagbabasa
- Gabay ng baguhan sa mga NFT(opens in a new tab) β Linda Xie, Enero 2020
- EtherscanNFT tracker(opens in a new tab)
- ERC-721 token standard
- ERC-1155 token standard