Lumaktaw sa main content

Mga Stablecoin

Digital money na magagamit araw-araw

Ang mga stablecoin ay mga Ethereum token na ginawa para hindi magbago ang halaga, kahit na magbago ang presyo ng ETH.

Ang tatlong pinakamalalaking stablecoin ayon sa market cap: Dai, USDC, at Tether.

Bakit dapat gumamit ng mga stablecoin?

Ang mga stablecoin ay mga cryptocurrency na walang volatility. May mga kakayahan itong kapareho ng sa ETH pero hindi nagbabago ang halaga nito, parang tradisyonal na currency. Ibig sabihin, mayroon kang access sa stable na perang magagamit mo sa Ethereum. Paano nagiging stable ang mga stablecoin

Magagamit sa iba't ibang bahagi ng mundo ang mga stablecoin, at maipapadala ang mga ito sa pamamagitan ng internet. Madali silang matanggap o maipadala kapag mayroon ka nang Ethereum account.

Mataas ang demand sa mga stablecoin, kaya pwede kang kumita ng interes kapag ipinautang mo ang iyo. Siguraduhing alam mo ang mga panganib bago magpautang.

Pwedeng i-exchange ang mga stablecoin sa ETH at iba pang Ethereum token. Maraming decentralized applications (dapps) ang umaasa sa mga stablecoin.

Ang mga stablecoin ay pinoprotektahan ng cryptography. Walang sinumang makakapagsagawa ng mga transaksyon sa iyong ngalan.

Ang sikat na Bitcoin pizza

Noong 2010, may bumili ng 2 pizza gamit ang 10,000 bitcoin. Noong panahong ito, ~$41 USD ang katumbas nito. Sa kasalukuyang market, katumbas iyon ng milyong-milyong dolyar. Maraming nakakapanghinayang na transaksyon sa kasaysayan ng Ethereum na katulad nito. Malulutas ng mga stablecoin ang ganitong problema, kaya makakain mo ang pizza mo at maitatabi mo ang ETH mo.

Maghanap ng stablecoin

Mayroong daan-daang stablecoin. Narito ang ilan para matulungan kang magsimula. Kung bago ka lang sa Ethereum, inirerekomenda naming mag-research muna.

Pili ng Editors'

Sa ngayon, ito ang mga pinakakilalang halimbawa ng mga stablecoin at mga coin na sa tingin namin ay kapaki-pakinabang kapag gumagamit ng decentralized applications (dapps).

Dai

Maaaring Dai ang pinakasikat na decentralized stablecoin. Katumbas ng humigit-kumulang isang dolyar ang halaga nito, at tinatanggap ito sa maraming decentralized applications (dapps).

I-swap ang ETH sa Dai(opens in a new tab)
Matuto tungkol sa Dai(opens in a new tab)
Logo ng Dai

USDC

Ang USDC ay maaaring ang pinakasikat na fiat-backed stablecoin. Halos katumbas ng isang dolyar ang halaga nito at sinusuportahan ito ng Circle at Coinbase.

Ang logo ng USDC

Mga nangungunang stablecoin ayon sa market capitalization

Algorithmic stablecoins are experimental technology. You should be aware of the risks before using them.

Ang market capitalization ay ang kabuuang bilang ng mga token na na-multiply sa halaga kada token. Nagbabago ang listahang ito at hindi ineendorso ng ethereum.org team ang mga proyektong nakalista rito.

CurrencyMarket CapitalizationUri ng collateral
Tether
$112,721,296,620FiatGo to Tether(opens in a new tab)
USDC
$32,839,733,278FiatGo to USDC(opens in a new tab)
Dai
$5,186,414,049CryptoGo to Dai(opens in a new tab)
Frax
$647,842,520AlgorithmicGo to Frax(opens in a new tab)
TrueUSD
$495,334,830FiatGo to TrueUSD(opens in a new tab)
PAX Gold
$426,601,798Precious metalsGo to PAX Gold(opens in a new tab)

Paano makakuha ng stablecoins

Makatipid sa mga stablecoin

Kadalasan, mas mataas kaysa sa average ang interest rate ng mga stablecoin dahil maraming humihiram nito. Sa ibang decentralized applications (dapps), pwede kang kumita ng interes sa mga stablecoin mo nang real time sa pamamagitan ng pagdeposito ng mga ito sa isang lending pool. Katulad sa mundo ng pagbabangko, nagsu-supply ka ng mga token para sa mga borrower pero pwede mong i-withdraw ang mga token mo at interes mo anumang oras.

Decentralized applications (dapps) na kumikita ng interes

Pakinabangan ang stablecoin savings mo at kumita ng interes. Tulad ng lahat ng bagay sa crypto, pwedeng magbago araw-araw ang tinayang Annual Percentage Yields (APY) depende sa real-time na supply at demand.

0.05%

Ang average na rate na binabayaran ng mga bangko sa mga basic at federally insured na savings account sa USA. Source(opens in a new tab)

Paano gumagana ang mga ito: mga uri ng stablecoin

Palaging mag-research

Algorithmic stablecoins are experimental technology. You should be aware of the risks before using them.

Fiat backed

Sa madaling salita, isa itong IOU (I owe you) para sa tradisyonal na fiat currency (karaniwang dolyar). Dapat mong gamitin ang iyong fiat currency para bumili ng stablecoin na pwede mong i-cash in kalaunan at i-redeem para sa orhinal mong currency.

Pros

  • Ligtas sa crypto volatility.
  • Maliit lang ang mga pagbabago sa presyo.

Cons

  • Centralized – may mag-iisyu ng mga token.
  • Kailangan ng auditing para tiyaking may sapat na reserves ang kumpanya.

Mga halimbawang proyekto

  • USDC(opens in a new tab)
  • TrueUSD(opens in a new tab)

Crypto backed

Precious metals

Algorithmic

Magbasa pa tungkol sa mga stablecoin

Dashboard at Edukasyon

  • Stablecoins.wtf
    Stablecoins.wtf
    Ang "Stablecoins.wtf" ay nag-aalok ng dashboard na may historical na market data, mga estadistika, at educational content para sa mga pinakakilalang stablecoin.
    Magsimulato Stablecoins.wtf website(opens in a new tab)

Nakatulong ba ang page na ito?

Huling pag-update sa website: Hunyo 19, 2024

Matuto

  • Learn Hub
  • Ano ang Ethereum?
  • Ano ang ether (ETH)?
  • Mga wallet ng Ethereum
  • Ano ang Web3?
  • Mga smart contract
  • Gas fees
  • Magpatakbo ng Node
  • Seguridad ng Ethereum at pag-iwas sa scam
  • Quiz Hub
  • Glossary ng Ethereum

Gamitin

  • Mga Gabay
  • Pumili ng wallet
  • Kumuha ng ETH
  • Dapps - Mga decentralized application
  • Mga Stablecoin
  • NFT - Mga non-fungible token
  • DeFi - Decentralized finance
  • DAOs - Mga decentralized autonomous organization
  • Decentralized na identity
  • Mag-stake ng ETH
  • Layer 2
(opens in a new tab)(opens in a new tab)(opens in a new tab)
  • Tungkol sa amin
  • Mga brand assset ng Ethereum
  • Code of conduct
  • Mga trabaho
  • Patakaran sa privacy
  • Mga tuntunin ng paggamit
  • Polisiya sa cookies
  • I-contact(opens in a new tab)