Lumaktaw sa main content

Huling na-update ang page: Agosto 15, 2023

Distributed validator technology

Ang distributed validator technology (DVT) ay isang estratehiya sa seguridad ng validator kung saan pinaghihiwa-hiwalay sa maraming partido ang mga pangunahing responsibilidad at pag-sign para mabawasan ang mga single point of failure, at para mapahusay ang resiliency ng validator.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng paghahati ng pribadong key na ginagamit upang mag-secure ng validator sa maraming computer na isinaayos sa isang "cluster". Mainam ito dahil pinapahirap nito para sa mga attacker na magkaroon ng access sa key, dahil hindi ito naka-store nang buo sa kahit anong machine. Dahil din dito, puwedeng mag-offline ang ilang node, dahil magagawa ng isang subset ng mga machine sa bawat cluster ang kinakailangang pag-sign. Binabawasan nito ang mga single point of failure sa network at mas pinapahusay nito ang buong validator set.

Isang Diagram na nagpapakita kung paano hinahati ang isang validator key at inilalagay sa maraming node na may iba't ibang component.

Bakit kailangan natin ang DVT?

Seguridad

Gumagawa ang mga validator ng dalawang pares ng pampubliko at pribadong key: mga validator key para sa pakikilahok sa consensus at mga withdrawal key para sa pag-access sa mga pondo. Bagama't mase-secure ng mga validator ang mga withdrawal key sa cold storage, dapat online 24/7 ang mga pribado key ng validator. Kung makokompromiso ang pribadong key ng validator, makokontrol ng attacker ang validator na posibleng maging dahilan ng pag-slash o pagkawala ng ETH ng staker. Makakatulong ang DVT na mapaliit ang panganib na ito. Narito kung paano:

Sa pamamagitan ng paggamit ng DVT, puwedeng mag-stake ang mga staker habang nasa cold storage ang mga pribadong key ng validator. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-encrypt ng orihinal at kumpletong key ng validator at paghahati nito sa mga key share. Nananatili online ang mga key share at inilalagay sa maraming node, kung kaya, naisasagawa ang distributed na operasyon ng validator. Naisasagawa ito dahil gumagamit ang mga Ethereum validator ng mga BLS signature na additive. Ibig sabihin nito, mabubuo ulit ang kumpletong key sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga component ng mga ito. Dahil dito, secure na maitatabi offline ng staker ang kumpleto at orihinal na 'master' key ng validator.

Walang single point of failure

Kapag hinati ang isang validator sa maraming operator at maraming machine, malalabanan nito ang mga pagpalya ng mga indibidwal na hardware at software nang hindi nagiging offline. Mapapaliit din ang mga panganib ng pagpalya sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang configuration ng hardware at software sa mga node sa isang cluster. Hindi available ang ganitong resiliency sa mga configuration ng validator na may isang node - ito ay nagmumula sa DVT layer.

Kung masisira ang isa sa mga component ng machine sa isang cluster (halimbawa, kung may apat na operator sa isang cluster ng validator at gumagamit ang isa sa mga ito ng partikular na client na may bug), tinitiyak ng ibang component na patuloy na tatakbo ang validator.

Desentralisasyon

Mainam para sa Ethereum na magkaroon ng lahat ng hiwalay na pinapatakbong validator na makakaya. Gayunpaman, may ilang staking provider na mas madalas na ginagamit at ang mga ito ang responsable sa malaking bahagi ng kabuuang halaga ng na-stake na ETH sa network. Puwedeng hayaan ng DVT ang mga operator na ito habang pinapanatili ang decentralization ng stake. Ito ay dahil inilalagay sa maraming machine ang mga key para sa bawat validator at kakailanganin ng mas malaking sabwatan para maging mapaminsala ang isang validator.

Kung walang DVT, mas madali para sa mga staking provider na suportahan lang ang isa o dalawang configuration ng client para sa lahat ng kanilang mga validator, na nagpapatindi sa epekto ng isang bug sa client. Ang DVT ay maaaring gamitin upang ikalat ang panganib sa maraming configuration ng client at iba't ibang hardware, na siyang gumagawa ng resilience sa pamamagitan ng diversity.

Ibinibigay ng DVT ang mga sumusunod na benepisyo sa Ethereum:

  1. Decentralization ng consensus ng patunay ng stake ng Ethereum
  2. Tinitiyak ang liveness ng network
  3. Gumagawa ng tolerance sa problema para sa mga validator
  4. Operasyon ng Trust minimized na validator operation
  5. Mas kaunting slashing at panganib ng downtime
  6. Pinapaigting ang diversity (client, data center, lokasyon, regulasyon, at iba pa.)
  7. Pinaigting na seguridad ng pamamahala ng key ng validator

Paano gumagana ang DVT?

Ang DVT (Decentralized Virtual Token) solution ay naglalaman ng mga sumusunod na component:

May built-in na tolerance sa problema ang mga distributed validator at patuloy na tatakbo ang mga ito kahit mag-offline ang ilan sa mga indibidwal na node. Ibig sabihin nito, resilient ang cluster kahit pa maging mapaminsala o lazy ang ilan sa mga node.

Mga use case ng DVT

May malalaking epekto ang DVT para sa mas malawak na industriya ng staking:

Mga solo staker

Binibigyang-daan din ng DVT ang non-custodial staking sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa iyong ilagay ang key ng validator mo sa mga remote node habang pinapanatiling ganap na offline ang kumpletong key. Ibig sabihin nito, hindi kailangang maglaan ng pera ng mga home staker para sa hardware, habang mas malalabanan nila ang mga potensyal na pag-hack sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga key share.

Staking as a service (SaaS)

Ang mga operator (tulad ng mga staking pool at institusyonal na staker) na namamahala ng maraming validator ay maaaring gumamit ng DVT upang mapaliit ang kanilang panganib. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng kanilang infrastructure, makakapagdagdag ang mga ito ng redundancy sa kanilang mga operasyon at pag-iba-ibahin ang mga uri ng hardware na ginagamit ng mga ito.

Ibinabahagi ng DVT ang responsibilidad para sa pamamahala ng key sa iba't ibang mga node, na nangangahulugang maibabahagi rin ang gastos sa operasyon. Mapapaliit ng DVT ang panganib sa operasyon at gastos sa insurance para sa mga staking provider.

Staking pools

Dahil sa mga standard na setup ng validator, ang mga staking pool at liquid staking provider ay inaatasang magkaroon ng iba't ibang antas ng tiwala sa nag-iisang operator dahil ang mga kita at pagkalugi ay ipinapamahagi sa buong pool. Umaasa rin ang mga ito na poprotektahan ng mga operator ang mga signing key dahil, hanggang ngayon, wala nang iba pang opsyon ang mga ito.

Kahit na gumawa ng mga tradisyonal na pagsisikap upang ikalat ang panganib sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga stake sa maraming operator, hiwalay pa ring pinapamahalaan ng bawat operator ang isang malaking stake. Ang pagtitiwala sa nag-iisang operator ay nagdudulot ng malalaking panganib kung hindi magiging mahusay ang performance nito, magkaroon ito ng downtime, makokompromiso ito, o kumilos sa mapaminsalang paraan.

Sa pamamagitan ng paggamit ng DVT, lubos na lumiliit ang tiwalang kailangan mula sa mga operator. Sa tulong ng mga pool, puwedeng pangasiwaan ng mga operator ang mga stake nang hindi kinakailangang magkaroon ng mga key ng validator (dahil mga key share lang ang ginagamit). Binibigyang-daan din nito na ipamahagi sa mas maraming operator ang mga stake (hal., sa halip na magkaroon ng nag-iisang operator na namamahala ng 1000 validator, binibigyang-daan ng DVT na pangasiwaan ang mga validator na iyon ng maraming operator). Titiyakin ng iba't ibang configuration ng operator na kung may masisira mang isang operator, makakapag-attest pa rin ang iba. Nagreresulta ito sa redundancy at diversification na nagdudulot ng mas magandang performance at resilience, habang mina-maximize ang mga reward.

Ang isa pang benepisyo ng pagpapaliit sa tiwala sa nag-iisang operator ay maaaring pahintulutan ng mga staking pool ang mas bukas at walang pahintulot na partisipasyon ng mga operator. Sa pamamagitan nito, mapapaliit ng mga serbisyo ang kanilang panganib at masusuportahan nila ang decentralization ng Ethereum sa pamamagitan ng paggamit ng mga curated at walang pahintulot na hanay ng mga operator, halimbawa, sa pamamagitan ng pagpapares ng mga home o mas maliit na staker sa mas malalaking staker.

Mga potensyal na problema sa paggamit ng DVT

  • Karagdagang component - ang pagdaragdag ng DVT node ay nagdaragdag ng isa pang bahagi na posibleng magkaproblema o maging vulnerable. Ang isang paraan upang maibsan ito ay ang pagtutok sa pagkakaroon ng maraming implementation ng isang DVT node, na tumutukoy sa maraming DVT client (tulad ng pagkakaroon ng maraming client para sa mga layer ng consensus at execution).
  • Gastos sa operasyon - dahil ang DVT ang namamahagi ng validator sa maraming partido, nangangailangan ng mas maraming tool para sa operasyon sa halip na isang node lang, kaya mas lumalaki ang gastos sa operasyon.
  • Posibleng mas mataas na latency - dahil gumagamit ang DVT ng protocol ng consensus para magkaroon ng consensus sa maraming mode na nagpapatakbo ng isang operator, posible itong magdulot ng mas mataas na latency.

Further Reading

Nakatulong ba ang artikulong ito?